by Jhenny Meyers
“LOSER!!” sigaw ni Lee sa dalaga. “Paano ngayon yan… dinner kita… I mean… dinner date kita…dapat i-set natin yan… Hmmm… sa Saturday? Sige sa Saturday… Wala yata akong work nun.” Tuluy-tuloy na sabi ni Lee.
“S-sir may magagawa pa ba ako?” patuloy pa rin si Yuri sa pag-aayos ng mga regalo sa kanya.
“Itigil mo na yan Yuri… I need my stuff now… Nasan na ba yung mga gagamitin ko para sa rehearsal mamaya?” Naghanda ng maligo si Lee. Kinuha na nito ang kanyang twalya. Tumayo naman si Yuri upang kunin ang bag sa washroom.
“Sir… uminom na po ba kayo ng gamot?” Nakatalikod si Yuri habang inaayos pa ang iba pang dadalhin ng band leader.
“No need…” sagot ni Lee. Pumasok ito sa loob ng washroom. Naghubad ito ng boxer’s shorts. Bigla namang lumingon si Yuri. Gulat na gulat ito ng makita niya ang buong katawan ni Lee. Nakatalikod ang binata sa kanya.
“Oh My….” biglang tumalikod ang dalaga.
Bigla namang humarap si Lee. Pero nakatalikod pa rin si Yuri. Hindi siya makagalaw. Tinubuan na yata siya ng mga ugat dahil hindi siya matinag sa kinatatayuan niya.
“Is it your first time to see someone else’s butt?”
Oo nga naman Yuri.First time mo ba makakita ng ganyan? Madalas mong nakikita yung kapitbahay nyong three years old na naliligo sa poso ng walang saplot.
“Yung kapitbahay naming three years old na naliligong mag-isa… Pero iba yun!! Twenty-five ka na!!” nakatalikod pa rin si Yuri. Ayaw niyang lumingon dahil baka kung ano pa ang makita niya.
“Three years old… Twenty-five years old… what’s the difference? Nasa tumitingin yun… Napakamalisyosa mo naman…” natatawang sabi ni Lee.
“Ako pa ang malisyosa?”
Ano ka ba Yuri!! Mayabang na nga siya! Manyak pa!!
Gwapo naman! Sigaw ng isang parte ng kanyang utak.
“So… hindi ka pa ba lalabas? Paliliguan mo ba ako?”
“No!!”
Yes!!
Nagsimulang maglakad patalikod si Yuri. Bukod doon ay nakapikit pa ito. Habang naglalakad siya patalikod ay may naramdaman siyang tumusok sa kanyang balakang. Matigas ito at malaki.
“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!” maiiyak na yata si Yuri.
“Why? Anything wrong??” iniharap ni Lee si Yuri sa kanya. Nakapikit pa rin ang dalaga.
“Ano yung tumusok na yun?! Bastos ka!!” Nakapikit pa rin siya.
“What the hell are you talking about?!”
“Yung matigas! Bastos ka!! Manyak!!” nakapikit pa rin siya.
“Paano mo makikita kung nakapikit ka??” natatawang sabi ni Lee.
“Eh pag dumilat ako… M-may makikita ako!! Waaaaaaaaa…. Manyak!”
PInilit ni Lee na buksan ang mata nito.
“See this?” tinapat sa mata niya ang bote ng shampoo. Bigla namang pumikit-pikit ang mata ni Yuri.
“Bote ng shampoo?” dun parin siya sa shampoo nakatingin
“And what do you expect? Baliw ka talaga” sabay tawa ng malakas ni Lee. Natawa na lang din si Yuri dahil sa inasal niya. Pero hindi siya makatingin sa baba.
“Sabi ko nga bote ng shampoo e…”
“Bakit hindi ka makatingin ng maayos? Look… Naka-towel ako!” hindi pa rin mahinto sa kakatawa si Lee.
Dahan-dahang tumingin si Yuri pababa. Pumikit-pikit pa siya.
“May nakita ka ba?”
Iling lang ang sinagot ni Yuri.
“So.. are you going to stay here and help me take a bath?” mabilis na tumakbo si Yuri palabas. “Ako pa raw ang manyak… Tsk… Baliw talaga…” nakangiti pa rin siya at isinara niya na ang pinto ng CR.
Naku Yuri!! Nakakahiya ka talaga!! Ano na bang balak mo ngayon!
Maya-maya pa ay natapos ng maligo si Lee. Lumabas ito ng banyo ng naka-tapis lang ng twalya. Kitang-kita ang ganda ng katawan nito. Hindi naman maialis ni Yuri ang tingin niya sa katawan nito.
“Yummy…” hindi alam ni Yuri na naisatinig na pala niya ito… akala niya ay sa isip niya lang ito sinabi.
“Yummy talaga ako…” buong pagmamalaki ni Lee.
“Ha? Ano po yun sir?”
“Di ba sabi mo yummy?”
“Wala akong sinabi sir!”
“Hahaha Okay.. wala ka ng sinabi…” natatawang umiling si Lee. “By the way… sa labas na ko magdidinner ngayon. Bahala ka na diyan… marami kang pwedeng iluto sa kitchen...” akma namang tatanggalin ni Lee ang twalya. Napatitig si Yuri sa mata ng binata. Nanlaki pa ang mga ito. Natawa na naman si Lee sa reaksyon ng dalaga. Madali niyang binawi ang kanyang tingin at kunwari’y nagwalis-walis pa.
“Hmmm… sir… uuwi po muna ako…”
“Ha?” para namang biglang na-disappoint si Lee sa sinabi nito.
“Kase…. Hmmm… kukuha lang ako ng gamit sa bahay… este sa agency… nakalimutan ko yung gamit ko dun e…”
“Ahhh…. Kala ko iiwan mo na ko… kasisimula mo pa lang dito e…” napalitan ng relief ang kaninang disappointment sa mukha ng band leader.
“Baka po bukas na ko bumalik…”
“Ahh ganun ba… O sige no problem… basta siguraduhin mong babalik ka ha…”kumindat pa ito sa kanya. Bigla namang nag-blush si Yuri. “Kase kapag hindi ka bumalik… baka magkasakit ulit ako…” sumeryoso ang gwapong mukha ng binata. Nakita ni Yuri na may lungkot na biglang dumungaw sa mga mata nito.
“Yes sir! Sigurado pong babalik ako…” muling sumilip ang ngiti sa mga labi ni Lee. “Di ko na po kayo hihintaying matapos ha sir… aalis na po ako… para makabalik agad ako…” pagpapaalam nito sa binata.
“Kumain ka muna bago ka umalis… mukhang nagugutom ka na… kase kanina ginawa mong ulam yung katawan ko e… hahaha yummy ba?” akma na namang tatanggalin ni Lee ang twalyang naka-tapis sa kanya.
Bigla namang na-windang si Yuri. Lumabas agad ito ng kwarto.
“Goodbye sir!!”
“Baliw!!” sabay tawa ng malakas ni Lee.
_______________________________________
wala po bang comments dyan mga friends? ^__^

16 Response to Idol Series: 4 M.U.L.A. – Lee - CHAPTER 4
hahhaha nice story can't wait on d next chapter..
haha tnx claire nagustuhan mo ang story.... ill try to post the next chapter tomorrow ^__^
_hahaha..' kakaaliw talaga sina lee at yuri...' haizt..' kaka excite ang next chap...'
tama!! nakakaaliw talaga sila haha
LIKE IT!!
bitin na bitin :((((((((((((
ganda sa sobra kaso bitin :(
I LOVE ULYSSES!!!!!!!!
saan po kinuha pic nila?
thanks po ^_^
sa internet po :) hintayin nyo po ung kwento ni Ulysses... pero nde ko po muna masasabi ung story nila kse magiging spoiler ako
ahhh... hihintayin kuna lang po yung kay Ulysses :)
pero sempre gabriel... abangan mo rin ang kwento ni Lee hehe
yeah! hihintayin ko po talaga yan. araw araw nga po ako naka online pero wala pa rin e. kailan ko kaya pa popost next chapter?
saan na po ung next chapter??? pa post na po pls!!! kaka bitin!! haha. kinilig ako dun ah!! ahah parang ampogi ni lee!! shet!! ahahhaha
Sorry po s mga naghihintay.... sira po pc ko... sana maayos na pra makapagpost n ulit... salamat s support
pa-update na pio ng next chapter please.. :) ganda po kasi..sana matapos nyo na agad. :)
Sorry po s mga naghihintay.. kse sira p rin pc ko e.. T_T
sa mga naghahanap po ng next chapter.... please visit http://www.wattpad.com/1356938-idol-series-presents-4mula-lee-the-band-leader
thanks po
jhenny meyers ^_^
Post a Comment