Showing posts with label *Story Teasers*. Show all posts
Showing posts with label *Story Teasers*. Show all posts
1

The Necklace - Teaser

Published at 10:32 AM in ,



by Lady_Phoenix


TEASER

Nilisan ni Nikki ang San Felipe nang dahil sa tatlong bagay.

Una, para matakasan ang obsess na kababata na nais ipakasal ng ama sa kanya. Pangalawa para hanapin ang ina na matagal nang nag-abandona sa kanya at ang pangatlo ay upang tuklasin kung bakit hindi na magawang makapagparamdam sa kanya ng boyfriend niyang si Christian na pumunta sa manila.

Dahil sa hindi inaasahang sitwasyon ay napilitang magpanggap na lalaki si Nikki upang mapayagang mangupahan sa isang boarding house na puro lalaki lang ang pinapayagang tumira. Sa kagustuhan na walang makakilala sa kanya at hindi siya masundan ng ama sa manila ay nagpakilala siya sa lahat bilang si Nico.
           
        Pero paano kung Makita na niya sa wakas ang pinakamamahal na si Christian at nasa katauhan na ito ngayon ng isang lalaking nagngangalang Leonard Petrova? At bakit bigla na itong ikakasal ngayon sa iba? Ano na ang gagawin niya?

11

Idol Series: 4 M.U.L.A. – Lee (the band leader)

Published at 4:03 PM in ,


          Die-hard fan... avid-fan girl... crazy follower... ayan ang bansag ng mga kaibigan ni Yuri sa kanya dahil sobra sobra ang kanyang suporta sa paboritong niyang banda… 
            Ang 4 M.U.L.A. na kinabibilangan nina Miggy, Ulysses, Lee at Art. Pero mas kinikilig siya kay Lee. Kulang na lang ay mapatid ang kanyang litid everytime na makikita niya ang iniidolo.
          Sa sobrang obsession niya kay Lee ay nagawa niyang makapasok sa dorm ng grupo. Dahil doon napagkamalan siyang personal maid na padala ng kanilang talent manager sa kanya.
          “Why are you just standing there? Kanina pa kita hinahantay! Kunin mo lahat ng gagamitin kong damit sa rehearsal.” Utos ng sikat na band leader sa kanya. “and make it fast!”
          Aba napakahambog pala nitong mokong na ‘to.... napagkamalan pa kong personal maid!
          Pangangatawanan ba ni Yuri ang inaakala ng mayabang na band leader? 


Chapter 1      Chapter 2       Chapter 3       Chapter 4

0

My Lovely Mr. Right

Published at 5:10 PM in ,

by Ayizh


Simula pagkabata ay asar na talaga sa buhay ni Kate ang ubod ng pilyo at kulit na bestfriend ng kuya niya na wala yatang ibang alam gawin kundi ang asarin at inisin sya. Mas lalo pang tumindi ang inis niya rito ng ipagkalat nito noong college nila na “Boyfriend” daw niya ito na naging dahilan tuloy upang mag back out lahat ng suitors niya pati na rin ang lalaking balak na sana niyang sagutin.

He even started to openlytease her na mas lalo lang niya ikinainis dahil feeling naman nito ay madadala sya..pero hindi nga ba?..dahil sa tuwing tititigan nya ang mapang-akit na mga mata nito at mapupulang labi ay parang gustung-gusto na niyang bumigay..pero No way! Gagawin niya ang lahat upang hindi mangyari iyon.

'Over my dead Body'

"Bakit ba kasi ang hilig-hilig mong yumakap sa iba? Nandito naman ako ha? May libreng kiss ka pa, you can do anything to me, kahit tadtarin mo pa ako ng suntok at kirot o kahit sipain mo pa ako ng napakalakas, okey lang..kakayanin ko..dahil mahal na mahal kita"


Chapter 1 >>>>>      Chapter 2 >>>>>       Chapter 3 >>>>>      Chapter 4 >>>>>     Chapter 5 >>>>>       Chapter 6 >>>>>

2

Cold Summer Nights

Published at 4:01 PM in ,

by Jhenny Meyers


“Panahon na nga sigurong kalimutan ang nakaraan” yan ang bulong ni Cassey kaya nagplano siya na magbakasyon sa isang resort na pag-aari ng kanyang ninang. 
      Aminado siya na ilang taon na ring matamlay ang kanyang lovelife dahil sa isang lalaking iniwan na lang siya basta. 
       Isang “cold summer night”, nakilala niya si Mackie… 
    Siya na nga ba ang lalaking puputol sa sumpa ng malamig niyang summer? O siya ang lalaking hindi na lang dapat niya nakilala sa buong buhay niya?




Chapter 1      Chapter 2      Chapter 3      Chapter 4      Chapter 5     Chapter 6        Chapter 7       Chapter 8        Chapter 9       Chapter 10       FINALE