0

Cold Summer Nights - Chapter 1

Published at 3:00 AM in



“Its been cold summer nights since we drifted apart
cold summer nights since you walked out that door
cold summer nights here on my own
coz I miss you baby, I need you here”


          Tila sinasaksak ang puso ni Cassey ng marinig niya ang tugtog mula sa kanyang iPod. It’s been three years since she and Andy drifted apart. Pero ang masakit na parte nito, she doesn’t even have an idea kung ano ang dahilan ng biglang pag-iwan sa kanya ng binata.
           
            Yes, its been three years pero parang kahapon lang ang lahat.
           
        Handa na ang lahat, from wedding invitation to her gown. From church to reception. Hindi naman niya natatandaang sinukat niya ang kanyang purle wedding gown. But a week before the wedding, biglang nawala si Andy. With no trace. Not even a word from his parents.
      Galit na galit siya. Kulang na lang ay gupit-gupitin niya ang kanyang gown. Ilang araw siyang hindi lumabas sa kanyang kwarto. Pakiramdam niya ay gumuho lahat ng pangarap na binuo nila.

        “Ilan ba ang anak na gusto mo honey?” pagbibiro ni Andy habang nagbabakasyon sila sa isang private island na pag-aari ng magulang ng binata.
      “Gusto ko sana bumuo tayo ng isang basketball team” pinatulan ni Cassey ang biro ng kanyang nobyo. “plus!! Isang volleyball team”, dagdag pa ng dalaga.
        “Ang konti naman nun honey… dagdagan pa natin!”
        Binigyan ni Cassey ng mahinang sampal si Andy.
     “Now na? Hahaha! Ginawa mo naman akong mother pig nyan!” Sabay silang humalakhak. Biglang sumeryoso ang mukha ni Andy
       “I Love you Honey..” pagkasabi ng binata ay biglang naglapat ang kanilang mga labi.

      “Cassey, iha… nandito na tayo..” biglang nahinto ang kanyang pagmumuni-muni ng bigla siyang tapikin ng kanyang ninang. “I know you will enjoy this place. Pina-renovate ng ninong mo ang resort na ‘to last month.”
        “Ninang salamat po talaga… Ang dami nyo na pong natulong sa kin since….”
    “Shhhh…. We are here to enjoy.” Binigyan siya ng isang makahulugang kindat ng kanyang ninang. Niyakap niya ito ng mahigpit.

       Pagkababa nila sa Isla Corazon Resort, buong pagmamalaking ibinida sa kanya ng kanyang ninang ang espesyal na lugar na pinadagdag ng kanyang asawa.
            “Halika dito iha…. Kailangan nating pumanhik dito para makita mo yung sinasabi kong lugar sa’yo.” Tila atleta ang kanyang ninang sa sigla. Dinaig pa siya nito. Nasa roof-deck na ito ng isang room resort samantalang siya ay paakyat pa lang ng hagdanan.
         Nang makarating sa roof-deck ay namangha siya sa kanyang nakita. Bumungad sa kanya ang isang heart-shaped island na may isang coconut tree sa gitna. Bigla niyang naalala ang glass globe na binigay sa kanya ni Andy noong unang month nila.

           “Wow ang cute!” pagsabi nito ay niyakap niya si Andy
           “Yang heart-shaped island na yan ang sumisimbulo sa puso mo. Naiisa lang yan sa puso ko” sabay halik kay Cassey “ I love you Honey…”

   “Iha nagustuhan mo ba” tila nagising naman sa isang pagkakahimbing si Cassey.
            “Opo ninang. Ang ganda po.” Tipid na sagot ng dalaga
        “Lalo na sa gabi yan. Malapit dun sa coconut tree, may bonfire… kaya kahit madilim kitang kita yang isla na yan.” Napansin ng ninang nya na medyo malungkot ang mga mata niya.
          “Iha… it’s been three years and I know it seems like it was just yesterday…” humarap ang ninang niya sa kanya at hinawaka siya sa magkabilang balikat. “Remember… I invited you here to enjoy… and not to be as sad as hell! Dati pa kita niyayaya rito… pero lagi ka namang umaayaw…. Tapos ngayon namang andito ka na… para namang nalulungkot ka…” patampong sabi ng kanyang ninang.
          “Ninang pasensya na po… I didn’t mean to…..” pinutol ng kanyang ninang ang susunod niyang sasabihin
        “Bakit ka kailangan mag-sorry iha… Okay ganito na lang… Sige tatanggapin ko yang sorry mo… basta dapat kalimutan mo na siya… at wala kang gagawin dito kundi mag enjoy… understood?” parang batang pinapapaglitan si Cassey kaya napatungo na lang siya
            “Yes ninang… salamat po ulit…”
            “Alam mo… siguro bilyonarya na ko kung pwedeng kong gawing cash yang “thank you” mo…” sabay naman silang natawa. Niyakap ni Cassey ng mahigpit ang kanyang ninang. “oh siya.. ituturo ko na sa’yo yung tutuluyan mo… syempre yung first class accommodation ang binigay ko sa’yo.. let’s go” sabay nila nilisan ang resort room na pinasukan nila.



          Bakit ko pa nga ba iniisip si Andy? Wala na... at kahit kelan hindi na siya babalik…
           
         Natanong niya sa sarili kinagabihan habang nasa roof-deck siya ng kanyang tinutuluyang house resort. Iginala niya ang kanyang tingin sa buong isla. Maganda nga dito kung gabi. Lalo na yung hugis-pusong isla.

          Nandito ako para mag-enjoy… Tatlong taon na kong nag-suffer… Masyado ng matagal… Bukas na bukas din ay sisimulan ko na ang bagong yugto ng aking buhay…

        Pumasok na siya sa loob para magpahinga. Nahiga siya sa isang malambot na queen-sized na kama. Muli niyang iginala ang kanyang paningin. Napansin niya ang painting ng kalangitan sa kisame. Nakatitig siya sa tila totoong mga bituin.

            Tomorrow…. There’s a new me…


            ITUTULOY.....
 

Chapter 2 >>>>>

Spread The Love, Share Our Article

Related Posts

Post Details

No Response to "Cold Summer Nights - Chapter 1"

Post a Comment