by Ayizh
‘Ano na naman kaya ang ginagawa ng lalaking iyan dito?’
Hindi na naman naiwasang uminit ng ulo ni Kate dahil sa nakita pagpasok pa lang niya sa may living room ng kanilang bahay.Travis is comfortably sitting in their sofa habang umiinom ng kape. Nakapatong pa ang mga paa nito sa mini table sa gitna na mas lalo lang nagpainis sakanya. Kahit kailan talaga napaka-feel at home nito sa bahay nila at hindi man lang nahiya. Aalis na sana siya dahil ayaw niyang tuluyang masira ang araw niya ng dahil lang dito pero huli na dahil nakita na siya nito at nilapitan.
“Hey Kate, gising ka na pala, good morning”nakangiting bati nito sakanya na naging dahilan tuloy upang lumabas ang dalawang biloy nito sa mukha.
“So what naman kung gising na ako?”nakataas ang kilay na sabi niya rito. Ano naman kaya ang ikinaganda ng umaga kung pagmumukha lang nito ang makikita niya.
“Eto naman oh, ang aga-aga ang sungit- sungit kaagad”natatawang-naiiling na sabi nito sakanya. ‘Maaga? Alas-diyes na kaya ng umaga…’
“Whatever – ano bang ginagawa mo rito ha?don’t tell me pumunta ka lang rito para mang-asar?I’m warning you mabuti pang umalis ka na lang dahili wala ako sa mood par–”
hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng bigla na lang siya nitong yakapin.
“Ano bang ginagawa mo?bakit may payakap – yakap ka pa diyan!?”naiinis niyang sabi rito habang pilit na kinakalas ang pagkakayakap nito sakanya.
“Namiss kasi kita, kahit kailan ang bango-bango mo talaga” sabi nito sa kanya habang nakapikit ang mga mata na para bang enjoy na enjoy sa pag-amoy sa kanya.
“Yucks!! kadiri ka bitawan mo nga ako?!”sabi niya rito at pilit pa ring kinakalas ang pagkakayakap nito ngunit mas lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakayakap sakanya.
“Ayoko nga , eh sa gusto kitang yakapain may magagawa ka?”sabi nito at dahil sa sobrang inis ay sinipa niya ito sa paa na ikinagulat naman nito.
“Aray na kup!- b-akit mo naman ako sinipa”namimilipit sa sakit na sabi nito sakanya at napaupo pa sa sofa.
“Buti nga sayo, sinabihan na kitang bitawan mo ako,pero ayaw mo naman, kaya tuloy yan ang napala mo”nakangisi pa niyang sabi rito at hindi man lang kakikitaan ng konsensya.
And besides bakit naman siya makokonsensya, eh kung tutuusin nga ay kasalanan din nito ang nangyari, yakapin ba naman siya. Ewww.
“Akala mo ikaw lang ha”walang kangiti-ngiting sabi nito sakanya ng makabawi na sa sakit. Unit-unti itong tumayo at lumapit sakanya na ikinagulat naman niya.
Agad siyang napaatras dahil sa ginawa nito at dahil din sa kakaibang tinging ipinukol nito sakanya. Siguro medyo malakas talaga ang naging pagsipa niya rito kaya bigla na lang
itong naging seryoso. Medyo natakot naman siya dahil baka kung anong gawin sakanya nito, nakakatakot pa naman itong magalit.Pasalamat na lang siya dahil kahit lagi niya
itong sinasaktan o hinahampas ay napapagpasensyahan pa rin siya nito at ang kadalasang ginagawa na lang ay napapakamot sa ulo, pero mukhang iba na ngayon.
“A-nong binabalak mo ha?i’m warning you, kung ano man yang binabalak mo, tumigil ka”kinakabahan niyang turan dito dahil patuloy lang ito sa paglapit sakanya
“You’re so beautiful Kate that I can’t keep my eyes away from you,”sabi nito habang patuloy pa rin sa paghakbang papalapit sakanya. Medyo naguguluhan at kinakabahan naman
siya sa pinagsasabi nito, lalo na sa kinikilos nito. He is looking at her so deeply and she can see mixed emotions in his dark brown eyes that she can’t explain.
‘Ano bang nangyayari dito?’ Inuuto na naman ba siya nito.
“Travis ano ba” Ngunit dahil sa patuloy na pag-atras ay hindi niya agad namalayan na nasa dulo na pala siya ng dingding. Nakorner na siya nito at ilang hibla na lang ay
napakalapit na ng mukha nito sakanya. At dahil sa sobrang kaba dahil sa pinagagagawa nito ay napapikit na lang siya.
“Kate,Kate……..”usal nito. Napakalapit na ng mukha nito sakanya at ramdam na ramdam na rin niya ang init ng hininga nito ng biglang…
“Ang cute-cute mo talaga pag nagba-blush..”turan nito na naging dahilan upang mapamulat siya. Nakita niya itong nakangisi, nauto na naman siya. Agad niya itong itinulak papalayo
dahil sa sobrang inis. Pulang-pula na rin ang kanyang mukha dahil sa pagkapahiya. As usual, nauto na naman siya nito at nagpauto naman siya. Gustong-gusto niyang sakalin ito
dahil sa ginawa nito.
“Y-ou!you!wala ka na banag ibang alam gawin kundi ang asarin at inisin ako?”galit niyang sigaw rito habang ito naman ay panay lang ang tawa na para bang nakakatawa ang ginawa
sakanya. Kung alam lang nito kung gaanoi siya kinabahan dahil sa ginawa nito.Hindi niya tuloy napigilang paghahamapasin iton ng librong nasa mesa.
“Hey hey easy easy, masakit ha”Hindi pa rin ito umaawat sa pagtawa habang panay ang sagang sa librong hinahampas niya rito.
“Easy, matapos mo iyong gawin saakin”paniniyak niya habang hindi pa rin tumitigil sa paghampas rito ng libro. Mapapatay talaga niya ito dahil sa sobrang kunsumisyon na dala nito
sa buhay niya. Pero ng hahamapasin sana uli niya ito ay nahawakan na nito ang libro.
“Nagagalit ka ba saakin dahil hindi ko itinuloy yung inaasahan mo?gusto mong ituloy natin?sige okey lang willing naman akong pagbigyan ka”nakangising wika nito at unti-unti
nanamang lumapit sakanya. Pero bago pa itong tuluyang makalapit sakanya ay itinulak na niya ito.
“You!ang kapal-kapal talaga ng face mo!”Kung pwede nga lang ihulog na niya ito sa bangin gagawin talaga niya. Hindi pa siya magsisisi.
“Aminin mo na lang kasi na type mo ako, okey lang saakin, pwede a na rin”sabi nito at pinasadahan pa siya ng tingin mula paa hanggang ulo habang nakalagay ang kamay sa baba nito.
Nainis naman siya sa ginawa nito na para bang isda siyang kinikilatis.
“Itong kamao ko?gusto mo?”aniya saka iniumang ang kamao na para bang handang-handa ng manuntok.
“Hey, hey ang aga-aga nagbabangayan na naman kayong dalawa”hindi malaman kung matatawa o maiinis na pahayag ng kuya Justin niya na hindi nila namalayang nakalapit
na pala sakanila.
“Eh kasi kuya, yang mokong na yan, inaasar na naman ako”para siyang batang nagsusumbong sa kapatid.
“Anong ako?ano na naman ang ginawa ko, ikaw nga itong nang-aaway sa akin eh, gusto ko lang naman Makita ka at masabihang miss na miss na kita, pero inaway mo naman ako”
nagmamaang-maangang turan naman ni Travis at itinuro pa ang sarili. Naupo naman ito sa sofa at ipinatong uli ang mga paa sa mesa. ‘Argh, ang sarap talagang sakalin’
“Pwede ba don’t act like your innocent ”asik niya.
“I’m not acting like innocent, aminin mo na lang kasi na type mo ako, type rin naman kita eh”anito sabay kindat. Aba’t ang loko may pa-beautiful – beautiful eyes at pakindat-kindat
pang nalalaman, tusukin kaya niya ito sa mata. Feeling naman nito madadala siya. ‘Asa’ . Magsasalita na sana siya ng bigla na lang magsalita ang kuya niya.
“Hay naku, magsitigil na nga kayong dalawa, para kayong mga bata, sasakit ang ulo ko sainyo”awat ng kuya Justin niya.
“Ewan ko ba naman diyan sa kapatid mo,lagi na lang akong sinusungitan, ”pagsusumbong nito sa kuya niya. Tiningnan lang niya ito ng masama.
“Pagpasensyahan mo na lang”paghinging paumanhin naman ng kuya niya rito.
“Kuya!sino ba talaga ang kapatid mo?ako o ang mokongna yan?siya na lang lagi ang kinakampihan mo”naiinis niyang turan sa Kuya Justin niya dahil parang mas kinakampihan pa
nito ang mokong.
“Eto naman nagtampo, syempre ikaw my lovely little sister, bestfried ko lang yang lalaking iyan”pang-aamo sakanya ng kanyang kuya at inakbayan pa siya.
“Ah ewan ko sa inyo, diyan na nga kayo”baka hindi pa ako makapagpigil, pagbuhulbuhulin ko pa kayong dalawa diyan eh dugtong niya sa isip. Dahil sa sobrang inis ay minabuti
na lang niyang umalis at pumunta sa may garden para makalanghap ng sariwang hangin. Tulad nga ng inaasahan, tuluyan ng nasira ang araw niya.
“Kahit kailan talaga pikon”narinig pa niyang sabi ng kuya niya bago pa siya tuluyang makaalis.
“Oh Kate, bakit ganyan ang hitsura mo?anong nangyari’t ang haba-haba naman ng nguso mo?”natatawang bungad sakanya ni Elise. Matapos nga managhalian ay napagpasyahan
na lang niyang lumabas ng bahay at dito tumambay sa cake shop ng pinsan niya. Malapit lang naman ang naturang shop nito sa labas ng village nila kaya nilakad na lang niya .
Hindi na kasi niya kayang tagalan ang pangungulit este pambubwisit ng Travis na yun. Feel na feel ba namang manatili dun sa bahay nila, nakikain na nga,binuwisit pa siya.
“Hay naku, mabuti pang wag mo nang alamin Couz “matabang na sagot niya. Umupo naman ito sa bakanteng upuan sa tapat ng table niya at inilagay sa mesa ang isang piraso ng
chocolate cake. Ito ang lagi niyang inoorder kapag pumupunta siya dun, kaso nga lang kahit pinsan pa niya ito lagi pa rin siyang hinihingan ng bayad. Konti pa lang ang tao sa
loob ng shop kaya malaya pa silang makakapagchikahan nito.
“Hmm..dont tell me, si Travis na naman ba?”nakangiting tanong nito at bahagya pang lumapit sakanya.
“Sino pa ba, lagi na lang sinisira ng mokong na iyon ag araw ko, ang sarap talagang hampasin sa mukha”
“Come on girl, nagpapapansin lang yun sayo kaya lagi kang inaasar, pansinin mo na kasi, bagay naman kayo eh, “sabi ni Elise na para bang pinagmamalaki pa sakanya ang mokong
na iyon. Tiningan lang niya ito ng masama, pati ba naman ito nahawa na rin sa kuya niya?. Ewan ba naman niya kung bakit lahat na lang ng pamilya at mga kaibigan niya ay pinipair
siya sa ungas na yun., una ang kuya Justin niya, sunod ang parents niya, tapos ngayon naman ang pinsan niya, Hay. Hindi ba nakikita ng mga ito na inuuto at gingudtime lang siya ng
lalaking iyon?
“Anong bagay kami?eeww…….cousin!naririnig mo ba ang mga pinagsasasabi mo?may lagnat ka ba kaya ka nagkakaganyan ka?”Hinawakan pa niya ang ulo nito, baka kasi nilalagnat
lang ito kaya nasabing bagay sila ng ungas na iyun.
“Kate naman, ang OA mo ha?sinabi ko lang na bagay kayo, nagkaganyan ka na…”natatawang turan nito. Inirapan lang niya ito.
“Bakit ba naman kasi lagi niyo na lang akong pinapair sa ungas na iyon, i-pair niyo na ako sa iba wag lang dun, baka magunaw pa ang mundo kapag nangyari iyon”
“Ewan ko ba naman kasi sayo Kate, ano bang inaayaw mo dun kay Travis, gwapo na sweet pa, o san ka pa?”nailing nitong sabi sakanya.
“Tinatanong pa ba yan?ayaw ko sa ungas na yun dahil lagi na lang akong inaasar at iniinis, lagi na lang akong inuuto at ginugudtime at higit sa lahat mayabang na playboy pa!ang sarap
sarap talagang hampasin at sakalin ng bonggang bongga”sabi niya sabay subo ng chocolate cake. Pero actually hindi lang iyon ang dahilan kung bakit galit nag alit siya rito, ito lang naman
kasi ang dahilan kung bakit hanggang ngayon wala pa rin siyang lovelife, kung bakit hanggang ngayon ay hopeless romantic pa rin siya . Wala tuloy nagtatangkang manligaw sakanya dahil
ang buong akala ng lahat ay boyfriend niya ang ubod ng yabang na lalaking iyon.
“Hopeless case ka na cousin- o sige maiwan na muna kita diyan, aasikasuhin ko muna yung ibang customers”sabi nito sakanya at tumayo na.
“Okey..”sagot naman niya. Malapit na ito sa counter ng balingan siya ulit.
“Oops..yung bayad mo, wag mong kakalimutan”paalala nito sakanya. Hay, hindi naman niya naiwasang hindi mainis. Ano ba naman ang akala nitong pinsan niya, tatakas siya?
At hindi magbabayad.
“Opo ma’am, magbabayad ako”nasabi na lang niya, akala pa naman niya makakakain siya ng chocolate cake ng libre dahil pinsan naman niya angmay-ari ng cakeshop na to, pero
nagkamali pala siya.
Habang kumakaing mag-isa ay may pamilyar na mukha siyang nakita papasok sa loob ng cake shop. Uminit na naman tuloy ang mga dugo niya pagkakita sa taong iyon.
“Hi Kate, andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap”nakangiting sabi ni Travis sakanya at umupo sa bakanteng upuang nasa harap niya. Hinahanap?at bakit naman kaya siya
nito hinahanap. Hindi pa ba ito nagsawa sa pang-aasar na ginawa nito sakanya kanina lang. Kaya nga siya umalis ng bahay para hindi ito makita tapos yun pala, susundan
lang siya nito.
“Hindi mo ba talaga ako titigilan?hanggang dito sinusundan mo pa rin ako”asik niya rito.
“Hey hey, ano na naman bang ginawa ko? Pumunta lang naman ako dito dahil pinapasundo ka na ng mama mo, may lakad daw kayo kaya pinahanap ka saakin”paliwanag nito.
“Eh bakit ka pa niya inutusang hanapin ako, pwede naman niya akong tawagan eh”
“Hello po, naiwan mo kaya ang cell phone mo, siguro kung dinala mo, hindi mo makikita ang gwapong mukha na to ngayon”nakangising sabi nito sabay labas ng cellphone niya na nasa
bulsa lang ng jacket nito. Ngayon lang niya naaalala,nakalimutan nga pala niya ang cellphone niya. ‘Ang tanga ko naman’ Kukunin na sana niya ang celphone dito pero inalayo naman
nito iyon sakanya.
“Ano ba?ibigay mo nga saakin iyan!”naiinis niyang sabi rito.
“Ayoko nga, hinanap kita kung saan-saan andito ka lang pala,kaya paghirapan mong kunin ito”sabi nito. Naiinis naman siya dahil parang bata naman ito sa inaasta.
“Pwede ba wag ka ngang isip bata!ibigay mo nay an saakin”Tumayo pa siya para lang abutin ang cellphone niya. Pinagtitinginan tuloy sila ng mga customer.
“Hoy, Travis, Kate, hanggang dito ba naman nag-aaway pa rin kayo”nailing na wika ni Elise. Buti na lang nagsi – alisan na ang ilang customer at naiwan na lang ay ang mga customers
na kilala rin nila dahil ka village rin nila.
“Ang sarap-sarap kasing kulitin nitong pinsan mo eh”nakangising tugon naman ni Travis
“Ibibigay mo ba o hindi”
“Kiss muna”sabi nito at nginitian pa siya ng nakakaloko. Itinuro pa ng kamay nito ang makinis nitong mukha.
“Pagbigyan mo na Kate”narinig niyang sabi ni Rode, ka-village nila.
“Oo nga naman, pagbigyan mo na,”sang-ayon naman ng iba pa.
“Oh narinig mo yun?Kiss mo na daw ako”nakangising sabi naman ni Travis na para bang tuwang-tuwa pa habang siya naman ay namumula na ang mukha sa sobrang inis at pagkapahiya.
“Ikaw!sinusubukan mo talaga ang galit ko, ”Wala na siyang pakialam kung anuman ang isipin ng iba sakanya. Ang mahalaga makuha niya ang cellphone niya. Ilang sagliti siya nitong tinitigan na para bang nag-iisip. Daig pa niya ang bulkan na sasabog na dahil sa sobrang galit.
“Oh heto na”sabi na lang nito bigla. Nagulat naman siya dahil sa ginawang pagsuko nito. Medyo humupa ang inis na nadarama niya rito. Nang iabot nito sakanya ang cellphone niya ay agad niya iyong kinuha. ‘Ano kayang nangyari sa kumag na to?’
Chapter 2 >>>>>
Chapter 2 >>>>>


No Response to "My Lovely Mr. Right - Chapter 1"
Post a Comment