Oops Travis!anong nangyari?bakit bigla ka na lang sumuko diyan sa amasona kong pinsan?”kahit si Elise ay nagulat din sa ginawa nito
“Well naawa na kasi ako diyan sa pinsan mo, tingnan mo nga ang mukha parang bulkang sasabog“nakangising sabi nito at tiningnan pa siya ng nakakaloko na naging dahilan tuloy upang mapatawa ang mga kustomer na naduon. Namula naman ang mukha niya dahil sa pagkapahiya sa sinabi nito.Pagdiskitahan ba naman ang mukha niya,talagang makakatikim ito sakanya. Agad niyang kinuha ang kanyang suot ng tsinelas at binato iyon dito.
“Ano ba? Ba’t ka nambabato!” Nagulat naman ito sa ginawa niya kaya hindi tuloy ito nakaiwas.
“Buti nga sayo!”sabi niya at dinilaan pa ito.
“Cousin naman , bakit mo naman binato si Travis, masakit yun ah!” ani Elise sa kanya.
Naiinis naman siya dahil mas kinakampihan pa nito ang lalaking iyon kaysa sa kanya, pero wala na rin siyang pakialam kung sermunan man siya nito ngayon dahil sa ginawa niya, ang mahalaga nakapaghiganti siya at hindi pa siya nagsisisi.
“Hoy babae! Bakit mo naman binato si fafa Trav!!,”galit na sabi sakanya ng isang babae na bigla na lang sumulpot sa kung saan na para bang kabute at lumapit kay Travis matapos niyang batuhin ito ng tsinelas. Nakasuot lang ito ng maikling shorts at naka-spaghetti strap pa. Parang pokpok ang itsura. Yucks.
“So what naman kung batuhin ko ang lalaking iyan” pagtataray naman niya sa babae. Tarayan ba naman siya at ang mokong nakahanap pa ng kakampi. Pero never siyang magpapatalo. Siya yata si Kate. Black belter sa teakwondo.
“Wala kang karapatan para saktan siya”angil naman ng isa pa na lumapit din kay Travis at dinuro pa siya.
“Girls stop it, wala siyang kasalanan”pang-aawat naman ni Travis sa dalawang babaeng nang-aaway sakanya.
“Pero fafa trav, binato ka ng bruha na yan”pagpupumilit pa rin ng isa. ‘Ako bruha?’Tawagin ba naman siyang bruha, haler.
“Okey lang ako kaya wag niyo na siyang awayin”
“Talaga?buti na lang okey ka kasi kung hindi sasabunutan ko talaga ang babaeng iyon”sabi ng isa sa mga babae at hinaplos haplos pa sa braso si Travis na ikinainit naman ng dugo niya. ‘Argh!ang lalandi naman ng mga bruhang ito!’
“Don’t worry, okey lang talaga ako!ako pa?malakas ata to!”pagmamayabang naman ni Travis sa mga ito. Na lalo lang niya ikinainis.
“Argh, ang yabang talaga ng kumag!nagawa pang lumandi!”bubulong-bulong na sabi niya. Ewan ba naman niya kung bakit siya nagpapaapekto sa ginawa nito.
“Hey cousin, selos ka?”nakangiting sabi naman sakanya ni Elise na narinig ang sinabi niya.
“Tse, ako magseselos?never!”tanggi niya. Bakit naman kaya naisip nito na nagseselos siya.“Uy, denial pa”pamimilit pa rin nito.
“Ah ewan ko sayo!, eto na bayad ko”sabi niya rito sabay kuha ng perang pambayad at iniabot iyon dito. Matapos nga niyang magbayad ay agad na siyang nagwalk-out kahit isa lang ang suot-suot niyang tsinelas.
Punong-puno na kasi siya at feeling niya ilang sandali na lang ay tuluyan ng tutulo ang mga luha niya sa sobrang pagkapahiya at inis na nadarama . May pagka-iyakin talaga siya and besides mas mate-take pa niyang magkasugat-sugat ang paa niya sa paglalakad kaysa manatili pa sa lugar na iyon. Naiinis rin siya sa sarili niya, dahil bigla-bigla na lang siyang umiiyak nang dahil lang sa lalaking asungot na yun at ang worst pa hindi niya alam kung bakit. Hindi kaya totoo ang sinabi ni Elise na nagseselos siya?pero bakit naman siya magseselos. Ni katiting nga ay wala siyang gusto sa lalaking iyon at mahawakan pa lang siya nito ay pakiramdam niya libo-libong germs at viruses na ang kumapit sa buong katwan niya. Ganun niya ka-hate si Travis.
Habang naglalakad nga palayo ng shop ay narinig niya si Travis na tinatawag siya ngunit kesa lingunin ito ay hindi na lang niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Wala siyang pakialam dito ang mahalaga makalayo lang siya.
“Katherine,wait” sabi nito ng maabutan siya sabay hawak sa braso niya. Inilayo naman niya ang mukha rito sabay punas sa mga mata niya. Ayaw naman niyang makita siya nitong umiiyak dahil tiyak pagtatawanan na naman siya nito. Ito pa naman ang isa sa pinakamahilig mang-asar sakanya kapag umiiyak siya, una nga lang ang kuya Justine niya.
“You’re crying” ramdam niya ang pag-aalala sa tinig nito pero wala siyang pakialam. Tiningan lang niya ito ng masama at inilayo ang braso niyang hawak nito.
“Ako?iiyak?at bakit naman ako iiyak?pwede ba umalis ka na, maghanap ka na lang ng iba mong maaasar o kaya dun ka na lang sa mga babae mo! uuwi na ako”sabi niya sabay talikod rito ngunit pinigilan lang siya ulit nito.
“Are you jealous?”tanong nito at parang kumikislap pa ang mga mata. Hindi rin niya alam kung anung pumasok sa utak nito para tanungin siya ng ganun.
“Ako magseselos?at bakit naman ako magseselos aber?kaya pwede ba let go of my arm”sabi niya at pilit na kinakalas ang braso niyang hawak nito. Bigla na lang nawala ang pagkislap ng mga mata nito at naging malungkot iyon.
“Ihahatid na kita”seryosong sabi nito sakanya.
“Ayoko nga, hindi ko kailangan ng tulong mo, kaya kong umuwi ng mag-isa”asik naman niya. Ano bang tingin nito sakanya? batang hindi kayang tumayo sa sariling mg paa. Bigla naman itong natahimik at unti-unti na ring binitiwan ang kanyang braso. Aalis na sana siya ng bigla na lang itong magsalita.
“I’m sorry..”mahinang turan nito ngunit sapat na para marinig niya. Tama ba ang narinig niya?nagso – sorry ito sakanya o baka mali lang siya ng pagkakarinig. Kaya agad niya itong nilingon at nakita itong nakayuko.
“Anong sabi mo?”pagpapaulit niya sa sinabi nito. Nagpakawala muna ito ng isang malalim na hininga bago nagsalita.
“I said I’m sorry, I didn’t mean to make you cry, I’m really sorry kaya please ihahatid na kita, I promise tita na kapag nahanap kita ay ihahatid kaagad kita sa bahay niyo”sabi nito habang nakatingin pa rin sakanya. Nag-isip muna siya, tatanggapin ba niya ang sorry nito o baka ginugudtime na naman siya.
“Okey I forgive you”nasabi na lang niya. Napag-isip isip kasi niyang nonsense na rin kung makikipag-away pa rin siya dito ngayon. Medyo napagod na rin siya sa pang-aasar na ginawa nito kanina at isa pa may lakad pa sila ng mama niya kaya kailangan na niyang magmadaling umuwi.
“Talaga?pinapatawad mo na ako?”hindi naman makapaniwalang tanong nito sakanya at kumislap pa naman ang mga mata.
“Ngayon, pero kung aasarin mo pa rin ako magkakagulo uli tayo kaya mabuti pa halika na, ihatid mo na ako sa bahay” aniya. Tatalikod na sana siya nang bigla na lang itong yumuko at hinawakan ang paa niya. Sisitahin na sana niya ito ng bigla na lang nitong ilabas ang tsinelas na ibinato niya rito kanina at isinuot iyon sa paa niya.
“Oh ayan, hindi ka na masasaktan”nakangiting sabi nito. Napatitig nalang siya dito. Her heart suddenly stop for a while at kung bakit?hindi niya alam.
Kakagising palang niya ng umagang iyon,this past few days ay medyo naging busy siya sa pagmamanage ng flower garden nila ng mommy niya. Pumunta kasi ito at ang daddy niya ng Amerika para magbakasyon at dahil malapit na rin ang wedding anniversary ng mga ito kaya sakanya tuloy naiwan ang pagmamahala. Bumangon kaagad siya at humihikab na nagpunta sa may terasa ng kaniyang kwarto. Nag-inat inat siya ng katawan habang nakapikit ang mga mata. Dahil sa tinanghali na rin siya ng gising ay wala na rin siyang oras para mag-jogging man lang sa village niya kaya eto siya, sa terasa na lang mag-eexercise. Habang nag-iinat ay pakiramdam niyang may nagmamasid sakanya kaya napamulat siya.
“Good morning Kate!”Nakita niya si Travis na nagkakape sa kabilang terrace at nakangiti pa. Agad tuloy siyang napakrus ng katawan dahil sa itsura niya, hindi pa naman siya nakakapaghilamos o kaya nakapagmumog man lang ,in short ang pangit niya tingnan. Kahit ito pa ang dakilang kaaway niya, nahihiya pa rin siya dahil baka kung anu na lang ang sabihin nito sakanya at tuksuhin na naman siya.
“Kanina ka pa?”naitanong na lang niya rito.
“Hmm..hindi medyo, want a cup of coffee?”nakangiting sabi pa rin nito sakanya at itinaas pa ang hawak nitong kape. ‘Hays..nagsisimula na naman’
“No thanks”tanggi naman niya. Medyo nagtataka naman siya sa ikinikilos nito ngayon. Diba dapat hindi ganito ang nangyayari, dapat nag-aaway sila. Pero bakit parang ang amo-amo at ang bait-bait nito sakanya ngayon.
“Sigurado ka?sayang naman, hindi mo matitikman, ang sarap-sarap pa naman nito”sabi nito na para bang pina-iinggit pa siya.
“Pwede ba wag ka ngang magpainggit, akala mo naman wala kami niyan, kung alam ko lang, kay mommy galing yan”pabalang na sagot naman niya rito. Alam naman kasi niyang sa mommy niya galing ang kapeng iyon. May kakilala kasi ang mommy niya na nagbebenta ng ganuong kasarap na kape at alam niyang binigyan lang nito si Travis.
“Well, oo nga sainyo galing to, pero iba pa rin ang tamis at sarap kung ang gwapong katulad ko ang magtitimpla para sa magandang katulad mo”nakangisi nitong sabi sabay kindat sakanya. Pinasadahan pa siya nito ng tingin na ikinainit naman ng mukha niya.
“Tse!yabang, diyan ka na nga!”nasabi nalang niya at dali-daling pumasok sa loob ng kwarto . Naiinis siya dahil sa itsura niya, bakit ba kasi hindi muna siya nagmugmog o di kaya nag hilamos ng mukha bago lumabas ng terasa, yun tuloy nakita ni Travis ang walang kwentang itsura niya. It was not fair for her, feeling niya ang baho-baho at ang pangit-pangit niya habang ang mokong naman mukhang ang bango-bango.
Matapos nga makapag-ayos ng sarili ay agad siyang bumaba para mag-agahan. Kanina ng bumalik siya sa Teresa ay wala na duon si Travis, naisip niyang baka busy na ito kaya hindi na niya naabutan pa. Pero bakit ba siya nanghihinayang kung di man niya ito naabutan duon, eh kung tutuusin nga ayaw naman niya talagang makita ang pagmumukha nun.
“Hey, little sis, ang aga mo naman yata ngayon”bungad kaagad sa kanya ng kuya Justine niya ng makita siya nitong pababa ng hagdan.
“Tse!ba’t andito ka pa?hindi ka ba papasok?”tanong niya rito. Ito kasi ang namamahala ng kumpnaya nila ngayon habang wala ang papa niya at maliban duon ay may sariling negosyo din itong pinapatakbo.
“Nope, day off ko ngayon”sagot naman nito.
“Day off?”takang tanong naman niya rito. Kahit kasi araw ng lingo ay pumapasok pa rin ito sa trabaho. Kahit may pagkaalaskador ito tulad ni Travis , pagdating sa trabaho ay napakaseryoso naman nito at never itong aabsent o magde-day off kung walang importanteng dahilan.
“Yup, as in day off, little sis, aasikasuhin ko pa kasi ang nalalapit na party ng Tradvance”paliwanag naman nito. Oo nga pala, muntik na niyang makalimutan, may inoorganize pala itong party para sa sariling business nito. Sa pagkakaalam din niya ay hindi lang basta-basta isang party ang inoorganize nito kundi isang costume party na kung saan lahat ng dadalo ay nakasuot ng iba’t ibang costumes at kailangang magdonate ng pera o kung anu pa man na maaaring i-donate sa charity funds. Kahit may pagkaalaskador ito ay nagtataglay pa rin ito ng pusong mammon, kaya nga mahal na mahal niya ang kuya niyang ito. Kahit successful na ay humble pa rin.
“Ganun ba, kung kailangan mo nang tulong just tell me, nandito lang ako”nakangiti niyang sabi rito.
“No need sis, buti pa kumain ka na, aalis muna ako”sabi nito sabay halik sa pisngi niya at naglakad na papalayo. Nginitian na lang niya ito at nagpunta na ng kusina para kumain. As usual, siya na naman ang dakilang tambay ng pamilya niya.
Matapos nga makapag-almusal ay napagdesisyunan niyang maglakd-lakad muna sa village nila. Tutal andun naman ang yaya Lorna at ang iba pa nilang katulong niya para bantayan ang bahay nila.
Habang naglalakad ay napadaan siya sa bahay nila Travis na katabi lang ng sakanila. Napansin niyang sarado ang bahay nito at para bang walang tao. Well, sa pagkakaalam niya ay nasa Canada ang Tita Amelia at Tito Miguel niya na mga mgulang nito at duon ay naninirahan kasama ang Ate Cynthia niya na kapatid naman ni Travis.Naglakad – lakad lang siya ng bigla na lang may humarang sakanya na dalawang babaeng pamilyarang mukha. Paano ba naman hindi magiging pamilyar sa kanya ang mga mukha nito, ito lang naman ang mga babaeng lumandi kay Travis at nang-away sakanya noong nakaraang araw sa shop ng pinsan niya. Uminit na naman ang dugo niya dahil sa mga ito.
“Ano bang problema niyo ?pwede ba tumabi nga kayo sa daraanan ko!”angil niya sa mga ito. Dadaan na sana siya pero hinarangan uli siya.
“Well, well, ang liit nga naman ng mundo ano?dito ka pa pala namin makikita”nang-uuyam na sabi ng isa sa mga ito at tiningnan pa siya mula ulo hanggang paa.
“Oo nga, ano kaya ang nagustuhan sayo ni fafa Travis kaya ipinagtanggol ka, tingnan mo n gang itsura mo para kang napag-iwanan ng panahon”sabi naman ng isa at pinagtawanan pa siya. ‘Aba!laitin ba naman ako’
“Haha, siguro naaalala ni fafa travis ang lola niya sayo!haha”sabi pa ng isa.
“Well, at least ako, kahit ganito ang itsura pinapatulan pa rin ng
mokong na iyon, eh kayo?ang lalandi na nga ng itsura niyo pero kahit anong dikit pa ang gawin niyo ay hindi pa rin kayo pinapatulan,para kayong mga linta sa kakahabol-habol”pang-iinis naman niya sa mga ito. Anong akala ng mga ito, ganun-ganun na lang magpapatalo?Never. Nakita naman niya ang biglang pangangalit sa mga mukha nito na para bang handang-hanada na siyang sabunutan at sampalin.
“How dare you!how dare you para sabihing mga linta kaming naghahabol kay fafa Travis!”galit ng sabi ng isa at dinuro pa siya.
“Bakit?hindi ba totoo?”pang-uuyam pa rin niya sa mga ito.
“You dont have the right to say that to us!you idiot!”Susugurin at sasampalin na sana siya nito ngunit may mga kamay na biglang pumigil dito para gawin iyon.
“T-travis”parang natuklaw naman ng ahas ang babae ng makita kung sino ang pumigil dito sa pagsampal sakanya. Napalingon naman siya ng marinig ang pangalan ni Travis at nakita itong hawak-hawak ang kamay ng babae at kitang kita sa mukha ang galit.
Chapter 3 >>>>>


No Response to "My Lovely Mr. Right - Chapter 2"
Post a Comment