“Who gave you the right to hurt the woman I love?”Travis said in a high tone habang hawak pa rin ang kamay ng babae na mananampal sana sakanya kanina . Kitang – kita naman sa mukha ng mga ito ang pagkabigla at pagkatakot. Habang siya naman ay medyo naguguluhan sa pinagsasasabi ni Travis ‘Ano daw?woman I love?ano bang pinagsasabi ng mokong na to?’ Magsasalita na sana siya para magprotesta nang unahan siya ng babaeng magsalita.
“G-umaganti lang n-aman kami s-akanya dahil s-inaktan ka niya noong isang araw”nabubulol na paliwanag ng babae at bakas na bakas sa boses nito ang pagkatakot.
“O-oo nga, gusto lang naming ipaghiganti ka”segunda naman ng isa pa na kitang-kita rin sa mukha ang takot at bahagyang napapaatras pa.
“Bakit? sinabi ko bang gantihan niyo siya?” asik naman ni Travis sa mga ito at kitang-kita niya kung paano nito higpitan ang kamay ng babae. Hindi naman agad nakapagsalita ang dalawa na para bang nag-iisip ng tamang idadahilan,.
” Travis na-sasaktan ako, g-inawa lang naming i-yon dahil akala namain magiging masaya ka ka-“
“Who are you to decide for me!sa susunod huwag na huwag niyo na siyang aawayin o sasaktan!,dahil kahit isang galos lang ang maibigay niyo sakanya,hindi ko alam kung anong ang magagawa ko sainyo! “may halong bantang sabi ni Travis sa mga ito sabay bitaw sa kamay ng babae. Nahihintakutang napaatras naman ang mga ito na para bang isang tigre ang kaharap.
“S-orry Travis, h-hindi na namin uulitin”paghingi ng paumanhin ng mga ito.
“Hindi dapat kayo saakin magsorry kundi kay Kate”mariing sabi nito sa dalawa. Agad naman nagkatinginan ang mga ito na para bang nagdadalawang isip.
“Kate, sorry di n-namin sinasadya!patawad”baling ng dalawa sakanya ng makapagdesisyun na at mabilis na tumalilis paalis. Agad naman siyang binalingan ni Travis at hindi na kababakasan ang mukha nito ng anumang galit, napalitan na iyon ng pag-aalala.
“Kate! Okey ka lang ba?did they hurt you?gusto mo bang dalhin kita sa ospital o dikaya buhatin na lang kita?o kung gus-“ agad niya itong hinampas sa braso at hindi na pinatapos pa ang kung anu-ano pang sasabihin nito na para bang napapraning na. Bubuhatin na rin sana isya nito kung hindi pa siya agd nagprotesta.
“Sira!ang Oa mo!okey lang ako no!bago pa ako nasakatan ng dalawang iyon ay umepal ka na agad!”Hindi niya alam kung matatawa o maiinis ba siya sa inaakto nito.
“Im not over acting, im just worried about you”seryosong pahayag nito sakanya. Gusto man niyang matawa at ayaw maniwala sa pinagsasasabi nito ay hindi naman niya magawa. She can see the sincerity in his dark brown eyes. Napabuntong hininga na lang siya bago muling nagsalita.
“Don’t worry okey lang talaga ako,”nakangiti niyang pahayag dito.
“Are you sure?baka nagkakakamali ka lang?”turan nito na para bang hindi pa rin naniniwala sa sinabi niya. Hinawakan pa siya nito sa magkabilang braso at sinuri pa na parang doktor.
“Hay naku, talagang madadala ako nito sa hospital ng wala sa oras kung hindi ka pa titigil diyan, okay lang ako!see, wala akong galos o anu pa man”pangungumbinsi pa rin niya rito sabay alis sa mga kamay nitong nakapatong sa braso niya. Hindi kasi niya gusto ang hatid na init ng mga kamay na iyon sakanya. Ewan ba naman niya kung bakit bigla-bigla na lang siya nakadarama ng ganun. Dapat nga ay naiinis siya rito. Nameywang pa siya para lang patunayan na okey talaga siya..Kahit medyo naiiirita na ay nakita niya ang biglang pagliwanag ng mukha nito na para bang nabunutan ng tinik. Nagpakawala muna ito ng isang malalim na hininga bago tuluyang nagsalita.
“Hay, mabuti na lang pala dumating kaagad ako bago ka nila nagawan ng kung anu, you’re lucky I’m here, I save you”nakangising sabi nito at nakuha pang magyabang. Hindi na naman niya tuloy naiwasang hindi mairita dito. ‘Hay naku!mayabang na naman ang kumag’
“And what do you expect from me?pasalamatan ka?hello! kung tutuusin nga ikaw ang may kasalanan kung bakit ako pinagtulungan ng dalawang iyon eh at kahit hindi ka pa dumating kayang kaya kong labanan ang dalawang iyon!” Naiirita niyang pahayag dito dahil feeling nito, ito ang dahilan kung bakit hindi nagtaguapay ang dalawang babae kanina na awayin at saktan siya . Actually kung tutuusin nga ay kahit hindi pa ito dumating kanina para lang ipagtanggol siya ay hindi pa rin siya uurong. Palaban yata siya, nasa dugo na niya iyon.
“Anong magagawa ko?eh sa gwapo kong ito, talagang habulin naman ako”nakangising sabi pa nito sabay kindat sakanya. Kung kaninang umaga ay medyo nagtatataka siya kung bakit bigla na lang itong naging maamo sakanya, ngayon hindi na siya nagtataka. Siguro ay may kung anong ispirito lang ang sumapi dito kaya naging ganun kabait sakanya at eto nga ngayon, balik na naman ito sa pastime nito, ang asarin at inisin siya.
“Naku!makauwi na nga!mukhang babagyo eh..ang lakas-lakas ng hangin!”pasaring na sabi niya rito at humakbang na papalayo para umuwi dahil naiinis na naman siya. Aakala pa naman niya ay nakakausap na niya ito ng matino yun pala, pulos kayabangan lang ang makukuha niya. Gusto pa naman niyang tanungin ito kung bakit nasabi nito ang “woman i love ” kanina ngunit hindi na lang niya itinuloy. Baka kasi wala naman siyang makuhang magandang sagot mula dito and besides baka kung anu pang sabihin nito sakanya at tuksuhin na naman siya.
“Hey, saan ka pupunta?di pa tayo tapos mag-usap ha?”nagtatakang tanong nito.
“Problema ba iyon!eh di kausapin mo ang sarili mo!tiyak makikinig yan sa lahat ng kayabangan mo”pabalang niyang sagot rito at tuloy-tuloy lang sa paghakabang papalayo. Wala siyang time pa para makipag-asaran dito lalo na’t nagsisimula na naman siyang mairita.
‘Why do you always make me feel like this Kate ’ tila nahihirapang usal ni Travis sa sarili habang pinagmamasdan ang papalayong si Kate. Kanina ng makita niya itong inaaway ng dalawang babaeng nakilala niya sa cake shop ni Elise ay hindi niya napigilan ang sariling lumapit sa mga ito, lalo na ng makita niyang sasampalin ng isa sa mga ito si Kate. He won’t let anyone hurt the woman he love. He will do anything just to make her happy and see her smile. Mahal na mahal talaga niya ito simula pa noon at gagawin niya ang lahat para lang malaman nito iyon.
“Hey!ang aga-aga umiinom ka na agad?”nakangiting bungad sakanya ni Justine sabay upo sa katabi niyang upuan .
Kasalukuyan silang nasa loob ng mini bar na malapit din sa pagdadausan ng party ng Tradvance. Kanina ay tinawagan niya ito at sinabihang pupuntahan niya ito dahil kailangang-kailangan niya ng makakusap. Nung una ay ayaw sana nitong makipagkita sakanya dahil busy ito sa pag-aasikaso ng mga kakailanganin sa nalalapit na party ng Tradvance, ang kumpanyang itinayo nilang dalawa. Pero dahil sa makulit sya ay pumayag na rin ito. Ito lang kasi ang alam niyang makakaintindi sakanya, at kahit pagtawanan pa siya nito sa problema niya ay tiyak bibigyan pa rin siya nito ng advice at matutulungan.
“Don’ worry hindi pa naman ako lasing, I just need to calm down my nerves a bit”sabi niya dito sabay lagok ng vodka. Tinwag naman nito ang waiter saka umorder din ng maiinom.
”Tell me, si Kate na naman ba?”Justine chuckled.
“As usual,……”naisagot na lang niya dito. Kabisadong-kabisado nba talaga siya ni Justine, lalo na kung ang pag-uusapan ay ang kapatid nitong si Kate.
“Ewan ko ba naman kasi sayo Trav, sa dinami-dami ng babaeng nagkakandarapa sayo, sa amasonang kapatid ko pa ikaw nainlove”naiiling na turan sakanya ni Justine.
“Anong magagawa ko, tinamaan talaga ako dun sa utol mo”naisagot na lang niya dito. Kahit nga siya ay hindi rin alam kung bakit nainlove siya dito, basta ang alam lang niya ay nagising na lang siya isang araw at ito na nga ang mahal niya, na ito na ang tinitibok ng puso niya. Korny man pero she was his first love. Ang unang babaeng minahal niya at alam niyang mamahalin niya panghabang-buhay. She was the reason kung bakit mula sa pagiging playboy ay tumigil na siya. In short, Kate was her everything.
“Hindi ka pa ba susuko?”untag nito sakanya. Tiningnan lang niya ito ng masama. Hindi niya maintindihan kung anung pumasok sa kukote nito para tanungjn kung susuko na ba siya sa kapatid nito.
“You know that I can’t do it” He sighed once again…”I can’t lose her” Lahat ay gagawin niya para lang hindi mawala sa buhay niya si Kate. He can’t afford to lose her, gagawin niya ang lahat para hindi mangyari iyon.
“Malakas talaga ang tama mo sa utol ko ano?, kung alam lang nang kapatid ko na iyon na patay na patay ka sakanya” naiiling-natatawang sabi nito sakanya sabay lagok ng beer.
“Sana nga.. pero lagi na lang niya akong nilalayuan at tinatarayan”malungkot niyang pahayag dito habag sinusuklay ng kamay ang buhok.
“Kasalanan mo din yan pare,kung dinaan mo sana sa paglalambing at hindi sa pang-aasar eh di sana hindi ka namomroblema ngayon”nailing nitong turan na para bang sinisisi pa siya.
“Tse!alam mo namang iyon lang ang tanging paraan para pansinin ako non eh, kung may magagawa lang sana ako para hindi niya isipin na ginugudtime ko lang siya”tila nahihirapang sabi niya rito. Wala na kasi siyang ibang alam na paraan para mapaamo si Kate, simula kasi pagkabata ay lagi nang mainit ang ulo nito sakanya. Pero hindi naman niya ito masisisi dahil simula pa noon ay lagi na niya itong inaasar at tiuntukso. Naku-cutan kasi siya dito tuwing nakikita nioya itong namumula sa sobrang inis.
“Hopeless case ka na pare”sabi nito sabay tapik sa kanya. Napabuntong-hininga na lang siya dahil sa sinabi nito. Hopeless case na ba talaga siya?
“ But wait, I have a good idea”nagingiti-ngiting sabi nito at para bang kumikislap-kislap pa ang mga mata. Agad naman siyang napatingin dito.


No Response to "My Lovely Mr. Right - Chapter 3"
Post a Comment