“Jagi… Where are you?” Umagang-umaga ay boses agad nito ang narinig sa kanyang celphone. Inis naman agad ang naramdaman ni Mackie.
“My God Yoona! Do you know what time is it?” nakahiga pa rin ang binata, nakapikit pa rin ang mga mata nito. Dumilat ito sandali para sulyapan ang orasan. Napansin niyang alas-sais pa lang ng umaga. “Damn! Do you know that its just six in the morning?” Napakamot ito sa ulo niya.
“Mac…please forgive me… I wanna see you…” malambing na sabi ng babae na nasa kabilang linya.
“Yoona… How many times will I tell you that our relationship is over? Let us settle this once and for all… I don’t like you anymore… Just forget about me… Anyway you will be marrying Mr. Park so please… Let me live my life peacefully… without you… ne?”
“Aniyo!! Please don’t leave me!! I am going to leave Park Nam-hun… just give me some time… I want to see you… please tell me where you are…” umiiyak na ang babae na kausap ni Mackie.
“I’m in the middle of nowhere… Okay? I have to hang up now…”
“Yoboseyo? Aishhh shibal! Maaac!”
“Aga-aga naman nun… Bad trip! Nag inat-inat muna si Mackie at bigla siyang tumayo. Nag ehersiyo muna siya ng sandali at pagkatapos ay naligo na siya. Matapos nun ay nagsipilyo siya ng kanyang ipin at inahit niya ang kanyang tumutubong balbas. Nagsuot siya ng puting sando at nagsuot siya ng black and white board shorts. Pagkatapos nun ay kinuha niya ang kanyang iPhone. Tinawagan niya si Cassey.
“Hello po… pwede makipag-phonepal?” pagbibiro ni Mackie.
“Ay pasensya na… walang tao dito… isda itong sumagot ng phone… pero kung nakikipag-phonepal ka sa isda sige kakausapin kita…” pagbibiro ni Cassey.
“Hahaha! Kulet mo talaga! Puntahan kita diyan para halikan lang kita eh… sabihin mong tagal…”
“Tagal….” Pagbibiro ni Cassey. “Hello? Hoy biro lang! Hello!”
Ilang sandali pa ay may narinig na siyang kumakatok sa pinto. Linggo ngayon kaya wala si Kikay. Nagpaalam ito kagabi na may date daw siya ngayon. Kaya siya ang nagbukas ng pinto. Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya ang gwapong mukha ni Mackie. Bigla siya nitong hinalikan. Napaatras siya sa ginawa nito. Ni hindi na nila naisara ang pinto. Wala siyang nagawa kundi magpaubaya sa nararamdaman niya. Amoy na amoy niya ang bango ng hininga at katawan nito. Mahigpit silang nagyakap. Hinimas-himas naman ni Mackie ang kanyang mahabang buhok. Napapikit siya si ginawa nito. Ilang minuto na bang magkalapat ang kanilang mga labi. Hindi niya rin alam. Ang alam niya lang ay nag-eenjoy siya sa sarap ng halik nito.
“Jagiya!!” Naputol ang paghahalikan ng dalawa ng marinig nila ang boses ng isang babae. Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Lumapit ang babaing iyon sa kanila. Inayos nila ang kanilang upo. “So… you left me because of this BITCH?!”
Bigla namang namula ang mukha ni Cassey sa galit ng tawagin siyang bitch ng babaeng kaharap niya. Tumayo si Mackie at hinatak niya si Yoona palabas ng house resort ni Cassey. Dinala niya ang babae sa kanyang tinutuluyan. Tinulak niya ito sa sofa at napaupo naman ang babae doon.
“Are you out of your mind?!” galit na sigaw ni Mackie. “How did you know that I am here?” binato niya ito ng matalim na tingin.
“GPS my dear…” ipinakita pa ni Yoona ang kanyang celphone.
“Oh Thank you SO much for reminding me!” kinuha ni Mackie ang kanyang celphone sa bulsa niya at ibinato ito sa pader malapit kay Yoona. Nagulat naman ang babae sa ginawa nito. “Now that I don’t have a phone… I guess you will be out of my life too!” galit na galit na sabi ni Mackie.
Tumayo si Yoona at lumapit sa binata. Tinangka niya itong yakapin.
“Honey..” hinawakan naman agad ni Mackie ang kamay ng babae. Hinatak niya ang babae palabas ng tinutuluyan niyang house resort.
“And Cassey is not a bitch! Don’t compare yourself to her. She’s not like you… BITCH!” sabay sarado sa pinto.
“Mac!” sunud-sunod ang pagkatok ng babae sa pinto “Open this door! Mac!!”
“Miss… may problema ba?” tanong ng isang security guard na nag-iikot sa resort.
Binigyan lang ito ng matalim na tingin ni Yoona.
“It’s not yet over Mac!” pahabol na sigaw nito sabay irap sa security guard.
Maya-maya pa ay nadaanan nito ang house resort na tinutuluyan ni Cassey. Bukas pa rin ang pinto nito kaya pumasok si Yoona sa loob. Nakita niyang nakaupo pa rin si Cassey sa sofa.
“I’m Yoona Jeong" simula nito "and I’m Mac’s girlfriend! So stay away from him bitch!” nagulat si Cassey sa bigla nitong paspasok at sa sinabi nito. Umirap ito at tinalikuran niya si Cassey ngunit bigla naman tumayo ang dalaga. Hindi siya makapapayag na tawagin siyang bitch ng babaeng kaharap niya. Bigla niyang hinatak ang buhok nito at kinaladkad niyang palabas.
“Call me ‘bitch’ one more time and I will make you regret you were born in this world!” palabang sabi ni Cassey nang mailabas niya ang babae sa house resort. Sabay sarado sa pinto.
“BI-- MONSTER!!” sigaw nito sa harap ng pinto.
“Miss may problema po ba?” muli siyang sinaway ng security guard na sumuway kanina.
“Hmp!” Mabilis itong lumakad papunta sa gate ng resort. Natapilok pa ito at naputol ang takong ng kanyang sapatos. “Aishhhh…” hinubad na lang nito ang sapatos at naglakad ng nakayapak.
tok tok tok….
Sunud-sunod na katok ang narinig ni Cassey sa pinto. Binuksan niya ito at biglang humalikipkip. Akala niya ay si Yoona pa rin ito ngunit ng makita niya si Mackie ay agad itong tumalikod.
“Cassey… pasensya ka na sa nangyari kanina…” sambit nito habang sinusundan ng binata si Cassey. Umupo ang dalaga sa may sofa at binuksan niya ang TV.
“Its OK.” Tipid na sagot ng dalaga at sabay kuha nito sa remote. Pinindot-pindot niya ito na animo’y naghahanap ng channel. Ang kaninang galit na nararamdaman ay napalitan ng lungkot. Lungkot dahil mayroon na palang nobya ang binata.
Bakit ba kailangan kong malungkot. Hindi ko naman siya boyfriend. Wala rin akong karapatang magalit sa kanya dahil hindi naman siya nanliligaw sa ‘kin. Sa isip isip ng dalaga.
Ilang minuto rin nagkaroon ng katahimikan. Tanging ang boses lamang sa palabas sa TV ang maririnig. Binasag ito ni Mackie.
“Cassey… She is not my girlfriend…” hindi alam ni Cassey kung dapat ba siyang matuwa sa narinig niya. Patuloy pa ring nanood ng TV si Cassey kahit hindi nya naiintindihan ang pinapanood nya. Hindi dahil sa hindi niya ito nasimulan kundi wala sa pinapanood niya ang kanyang kamalayan. Iniisip niya pa rin ang mga sinabi ng babae sa kanya. “OK Cassey… She WAS my girlfriend… but I already dumped her…” dugtong pa ng binata. “And she will be marrying a CEO next year.” Umupo ito sa tabi niya. “Ayaw lang niya talaga akong tigilan.”
“S-siya ba yung tumawag sa’yo last night?” tanong ni Cassey.
“Yup…” hinawakan ni Mackie ang kamay ng dalaga. “May bago na kong mahal….” Lumuhod ito sa harap niya at hinalikan ang kamay ng dalaga. “at ikaw yun Cassey…” hindi nakagalaw sa kinauupuan niya ang dalaga. Para siyang ipinako sa posisyon niya. Matagal silang nagtitigan. Narinig nila ang musika ng pag-ibig. Isang musika na silang dalawa lamang ang nakaririnig. “Mahal kita Cassey…” bigla nitong niyakap ang dalaga. Nangilid ang luha ni Cassey.
“Natatakot ako Mackie…” tuluyan namang tumulo ang luha na kanina pa nagbabanta. “Natatakot akong baka iwanan mo rin ako...” mahigpit pa rin ang yakap ng dalawa.
“Pangako hindi kita iiwan Cassey… You will not regret this day… Ibubuhos ko ang buong oras ko sa’yo at aalagaan kita…” nilayo nito ng bahagya si Cassey at hinawakan sa balikat… “I promise you… I will love you forever…” pagkasabi nun ay pinahid niya ang luha na kanina pa pumapatak sa mga mata ng dalaga. Muli niya itong niyakap “I love you so much Cassey….”
“I love you too Mackie….”


No Response to "Cold Summer Nights - Chapter 7"
Post a Comment