0

Cold Summer Nights - Chapter 8

Published at 11:30 PM in

by Jhenny Meyers


“How’s your stay so far?” tanong ng ninang niya habang kausap ito sa celphone. “Are you having a great time?”
            
“You bet ninang!” sagot nito. “But I have to leave tomorrow… You know…  Mom’s birthday will be next week and I am so excited about it.” Punung-puno ng saya ang boses ng talaga.

      
“That’s good if you enjoyed your stay there… You can go back anytime you want iha…” tuwang tuwa rin ito sa narinig na balita mula sa kanyang inaanak.
            
“I talked with mom and dad early this morning… bukas na daw ang uwi nila from Oregon. I already had my flight booked. It will be this afternoon.” Tuluy-tuloy na sabi nito habang inaayos niya ang kanyang mga damit. “But I will definitely come back to this wonderful place.” Dugtong pa niya at i-zinipper ang bag na dadalhin niya.
           
“Balita ko may newfound friend ka daw diyan ha?” excited na tanong ng ninang niya sa kanya.
            
“Sinong nagsabi ninang?” namula naman itong bigla.
            
“Sino pa e di si Kikay… Siya lang naman ang intrigera diyan e…” pagbibiro ng kanyang ninang.
            
“Sabi na e..” nangingiting sabi nito. Sabay tingin kay Kikay. Itinaas naman ni Kikay ang dalawang kamay niya.
           
“I’m innocent.” Sabi naman nito. “I did not kill anybody!!” natawa naman si Cassey sa ginawa nito.
           
“I will introduce him to you on Mom’s birthday… You should be there ninang… kapag wala ka dun hindi na ko babalik dito.” Pagkasabi nito ay lumapit sa kanya si Kikay at tinulungan siyang bitbitin ang malaking bag pababa ng house resort.
           
“Of course I will be there… I have to go iha… The meeting will start in 5 minutes… Ingat ka sa pag-uwi.”
            
“I will ninang… Thanks po”
            
“No problem…”


           
Hindi niya pa nasasabihan si Mackie tungkol sa balak niya. Tinatawagan niya ito pero patay ang celphone nito. Pinuntahan niya na rin ito sa house resort pero wala siya doon. Inisip niya na lang na tawagan ito ulit mamaya.
            
Habang kinukuha niya naman ang sapatos at kanyang tsinelas sa ilalim ng sofa ay may nakita siyang isang wallet. Kinuha niya ito.
            
“Wallet siguro ni Mackie ‘to.” Ilalagay na niya sana ito sa ibabaw ng mesa pero naisipan niyang buksan at usyosohin ang laman nito. Binuklat niya ang wallet at nakita nya ang larawan ni Mackie. Nandun din ang mga credit cards nito at iba pang mahahalagang ID. Tiningnan niya ang isang ID at natawa siya sa larawan ni Mackie dahil mukhang totoy pa ito dito. Binasa niya ang buong pangalan ni Mackie.
            
“Mackie Iñigo Dela Fuente…” nabalot ng pagtataka ang utak ni Cassey. “Kaapelyido niya si Andy?” bulong nito sa sarili. Bigla siyang naguluhan. “Noong una kong makita si Mackie ay kahawig na kahawig niya si Andy… Ngayon naman ay magkaapelyido pa sila. Bigla naman pumasok sa isip niya ang isang tanong “Hindi kaya si Mackie at si Andy ay magkapatid?” dahil dito ay binulatlat niya pa ang laman ng wallet. Nagulat siya sa kanyang nakita. Tinitigan niya ito ng matagal habang dahan dahang tumayo sa sahig na kinauupuan niya.
            
“A-Andy?” para siyang nakakita ng multo. Multo ng isang kahapon na matagal na niyang tinalikuran. Parang bumalik lahat ang alala ni Andy at ang ginawa pag-iwan sa kanya ng dating nobyo. Ang mas sumugat pa sa kanyang puso ay ang katotohanang magkapatid ang dalawa. Nakadama siya ng labis na galit.
            
“Pinaglalaruan nyo lang pala akong magkapatid!!” pagkatapos nun ay pinunit niya ang larawan ni Andy. Hinagis niya lahat ito sa sahig. Dali-dali itong pumunta ng kwarto. Nagtaka naman si Kikay sa ginawa ng dalaga. Pagkadating sa kwarto ay isinubsob niya ang mukha sa kama.
            
“I hate you Mackie!!!” nasabi nito habang humahagulgol. Naisip niyang tawagan ito upang komprontahin ang binata. I-dinayal niya ang numero nito pero bigo siyang makausap si Mackie. Hindi pa nasasabi ng binata ang nangyari sa celphone niya.
            
“Magkapatid nga kayo!” hinagis ni Cassey ang telepono niya sa sahig. Nagkawatak-watak ito, kasabay ng pagkawatak-watak ng isa na naman niyang pangarap. “Pagkatapos ko kayong mahalin ay basta nyo na lang ako iiwan!” pakiramdam niya ay naulit muli ang nangyari sa kanya noong nobyo pa niya si Andy.
            
“Kailan nyo ba tatapusin ang pagpapahirap nyo sa kin!” patuloy ang kanyang paghagulgol. Pinahid niya ang kanyang luha ngunit parang wala itong katapusan. Hindi ito mapatid-patid. Kinalma ni Cassey ang kanyang sarili. Huminga siya ng malalim. Humikbi-hikbi pa siya. Umupo siya sa kama. Muli niyang pinahid ang kanyang luha. Sa wakas ay tumigil na ito. Umusbong muli ang galit sa kanyang puso. Muli niyang naalala ang sinabi ni Mackie sa kanya kahapon.

I will love you forever…

“Hah! Napakatanga ko…” sarkatisko niyang nginitian ang sarili. Iniayos niya ang kanyang sarili at pagkatapos ay lumabas na siya ng kwarto. Bumaba siya ng hagdan at kinuha niya ang kanyang malaking bag.
           
“Ate Kiks pakisabi sa driver ihanda niya na ang sasakyan. Magpapahatid na ko sa airport…” matigas na sabi niya. Isang emosyon lang ang makikita ngayon sa mukha ni Cassey. Galit. Galit na matagal ng namuo at ngayon ay nadagdag pa ito. Para siyang isang bulkan na sasabog na ano mang oras.
           
“Ma’am 2 hours pa bago ang flight mo…”
           
“Ate Kiks please lang pakitawag na yung driver… kailangan ko ng umalis dito…” pagkasabi nun ay agad naman lumabas si Kikay para tawagin ang driver.

           
Nakaupo na siya sa kotse na maghahatid sa kanya sa airport nang bigla naalala niyang muli ang sinabi ni Mackie.

Pangako hindi kita iiwan Cassey… You will not regret this day… Ibubuhos ko ang buong oras ko sa’yo at aalagaan kita…
           
I promise you… I will love you forever…

I will not regret that day? Sarkastikong sigaw ng utak niya.
            
Sinabi mo na dapat ang totoo Mackie! Alam ko pinaglalaruan nyo lang akong magkapatid! Nais na namang umiyak ni Cassey ngunit pinigilan niya ito.


“Cassey? Cassey My Loves!!” sigaw nito habang walang tigil ang pagkatok sa pinto ng house resort na tinuluyan ni Cassey. “YooHoo… My Loves!!”
           
Biglang bumukas ang pinto pero imbis na si Cassey ang makita niya ay si Kikay ang bumungad sa kanya.
            
“Andyan ba ang mahal kong si Cassey?” nakangiti pa ito ng tanungin niya si Kikay
           
“Hay naku sir gwapo… wala na siya dito…” napalitan naman ng pagtataka ang kaninang masayang mukha ni Mackie…
           
“Birthday ng Mommy niya next week… kanina ka pa niya tinatawagan patay yung celphone mo…”
            
“Ah ganun ba… hindi ko kase nasabi sa kanya na nasira yung cel ko e…” aalis na sana ito ng pigilan siya ni Kikay.
            
“Sandali lang…” pumasok ito at may kinuha sa loob. “Sa’yo ba tong wallet na ‘to?” usyosong tanong ni Kikay.
           
“Dito ko lang pala naiwan ‘to… kagabi ko pa hinahanap ‘to e… Thanks Kikay…” isinuksok niya ito sa kanyang bulsa.
           
“Sandali lang…” muling pumasok sa loob si Kikay at may kinuha uli. “Sino ba ‘tong nasa picture na ito?” ipinakita niya kay Mackie ang punit punit na larawan.
           
Nagulat si Mackie sa nakita niya. Napako ang kanyang tingin sa punit punit na larawan. Kinuha niya ito.
           
“Sinong may gawa nito? Nakita ba ‘to ni Cassey?” hindi pa rin nakakabawi si Mackie sa nakita.
           
“Yes sir gwapo…. Galit na galit nga siya nung makita niya yan e… Pinaglaruan nyo daw siyang magkapatid… kapatid mo ba yung nasa larawan…” imbis na sagutin siya ni Macie ay nagtanong ito.
           
“Nasan siya? Anong oras siya umalis?” sunud-sunod na tanong nito.
           
“Papunta siyang airport…Kanina pa… mga isa’t kalahating oras na ang nakakaraan…” pagkasabi nito ay bigla namang umalis si  Mackie.
            
“Kaloka… hindi man lang nagpasalamat si sir gwapo… hmp…”

           
Hindi na nagpalit pa ng damit si Mackie. Matapos niyang makuha ang kanyang mga gamit at bayaran ang kanyang bill ay agad siyang nagpahatid sa service van ng resort papuntang airport. Pinagmadali niya ang driver at nakarating naman agad sila sa airport. Nakuha ang biyahe ng labinlimang minute imbis na kalahating oras. Pagkaabot niya ng tip sa driver ay agad na pumasok si Mackie sa airport.

            
“Excuse me miss… anong oras ang flight papuntang Manila.” Tanong niya sa isang staff sa reception area habang palingon-lingon siya. Hinahanap si Cassey dahil baka nandoon pa ito.
            
“Ay Sir nakaalis na po yung eroplano ngayon ngayon lang… Pero meron po tayong next flight… 30 minutes from now.”
            
“Damn!” nasambit na lang ni Mackie.

           
Dali-daling bumili ng ticket si Mackie. Swerte siya dahil hindi puno ang eroplanong sasakyan niya kaya madali siyang nakabili ng ticket. Pagkatapos ng masusing inspeksyon ay nakarating na siya sa waiting area ng kanyang assigned boarding gate. Umupo siya at dali-dali niyang binuksan ang bagong bili niyang iPhone. Sinalin niya dito ang laman ng phonebook niya sa luma niyang SIM at nang maisalin na ay pinalitan niya ng bagong SIM card.
            
Sinubukan niyang i-dial ang number ni Cassey ngunit hindi niya ito makontak. Maya maya pa ay tinawag na ang mga pasahero ng sasakyan niyang eroplano.

            Please Cassey…. I don’t want to lose you…


Chapter 9

Spread The Love, Share Our Article

Related Posts

Post Details

No Response to "Cold Summer Nights - Chapter 8"

Post a Comment