“Yes iho napatawag ka?” sagot ng isang may edad na na babae sa kabilang linya.
“Mrs. Corazon Garcia… kailangan ko po ulit ng tulong ninyo…” sambit ni Mackie habang nakatingin sa dinadaanan niyang kalsada. Mag-aalas-sais na ng gabi.
“Sabi ko naman sa’yo Tita na lang ang itawag mo sa ‘kin….. tungkol ba kanino ‘to? Tungkol ba ulit kay Cassey?” ang ninang ni Cassey ang nasa kabilang linya. “Akala ko ba ay OK na kayo? Kanina lang kausap ko siya ha…. Ano bang nangyari?” usyosong tanong nito.
“Kase po Tita nagkaroon po ng kaunting di-pagkakaintindihan sa pagitan namin ni Cassey… Umalis po siya ng resort ng hindi man lang nagsasabi sa ‘kin… Sabi pa nga po ni Kikay, galit na galit daw po siya sa akin…” patuloy pa rin sa pagdadrive si Mackie. “Gusto ko po sanang alamin kung saan nakatira si Cassey…”
“Ah ganun ba… O siya sige… I-tetext ko na lang sa’yo ung address niya… Kayo talagang mga bata kayo oo…”
“Maraming salamat po Tita….”
“No problem… basta… ipangako mo sa akin na magiging maligaya ang inaanak ko sa piling mo ha…”
“Sigurado po ‘yon Tita…”
Nang matanggap naman ni Mackie ang address ng bahay ni Cassey ay wala na itong inaksayang panahon. Kaagad niya itong pinuntahan.
“Tao po… Tao po…” pinindot pa nito ang doorbell.
Sumilip sa butas ng gate ang isang medyo may edad nang kasambahay nila Cassey.
“Magandang gabi po… Andyan na po ba si Cassey? Gusto ko po sana siyang makausap… Pakisabi naman po hinahanap siya ni Mackie…” magalang na pakiusap ni Mackie.
“Manang ako na po ang bahala…” sabi ng isng tinig mula sa likuran ng kanilang kasambahay. Lumakad ito palapit ng gate at binuksan ito ng bahagya. “Kailangan talaga kitang makausap. Kailangan linawin mo ang lahat ng nalaman ko…” tuluyan ng binuksan ni Cassey ang gate. Pumasok naman si Mackie sa loob. Tinitigan ng binata ang mukha ng dalaga ngunit walang kahit anupamang emosyon ang makikita sa mukha nito. Nagsimulang maglakad si Cassey patungong hardin at sinundan naman siya ni Mackie. Naupo siya sa isang upuang gawa sa kahoy. Kaharap nito ay isang maliit na center table na gawa rin sa kahoy. “Maupo ka…” tinuro nito ang isang upuan sa harap niya.
“Cassey I am really sorry about everything…” Hindi pa man din siya nakakaupo ay nasabi niya na ito. Samantalang si Cassey naman ay sa malayo nakatingin. “I know you’ve seen my pic….. and… my bro’s pic…” bigla namang may nagbadyang luha sa mata ni Cassey. “Yes, kapatid ko si Andy… and he died three years ago…” napatingin naman bigla ang dalaga sa mga mata ng binata. Nangingilid na din ang luha nito. “He… d-died two days… before your wedding…” tuluyan ng pumatak ang luha nilang dalawa… “Cassey… n-namatay siya…. da-dahil sa leukemia….” Pinahid ni Mackie ang luha niyang kanina pa tumutulo… napahagulgol naman si Cassey.
“B-Bakit hindi n’yo sinabi sa ‘kin…. M-matatanggap ko naman iyon…. K-kung yun talaga ang plano ng Diyos…” garalgal ang tinig ng dalaga. Lumapit si Mackie sa tabi niya. Umupo ito sa damuhan. Pinahid niya ang luha ni Cassey. Matapos nun ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ng dalaga.
“A-ayaw ipaalam ni kuya na may sakit siya at malapit na siyang mawala. Ayaw niyang leukemia ang naging dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal nyo… Ayaw niyang kaawaan mo siya sa naging lagay niya… Ginalang ko ang pasyang iyon ni kuya… pero ito na siguro ang tamang panahon para malaman mo ang totoo… Cassey…” hinawakan ni Mackie ang mga kamay nito. “Hindi ko alam kung anong maaaring mangyari sa ‘kin pag nawala ka… You’re the only woman who dances with my heart gracefully… I admit I am a playboy… But things changed after seeing you personally… from that moment…. When I saw you walking alone… with that sadness in your eyes… I knew that you will be the one…. to whom I will spend my whole life with… From that very moment… when I intentionally bumped you… I knew you will be my wife…”
Hindi alam ni Cassey kung sino ang nagkontrol sa kanya. Basta na lang napansin niya ang kanyang sariling nakayakap ng mahigpit sa lalakeng kaharap niya. Naramdaman niya na lang ang tibok ng kanilang puso na muling sumasayaw sa isang tugtugin na sila lamang ang nakaririnig.
“Cassey… I love you… Hindi mo lang alam kung gaano ako natakot dahil baka hindi na kita makita pang muli…” kinalas niya ang kanyang pagkakayakap sa dalaga. Hinagkan niya ang mga labi nito. Walang nagawa si Cassey kundi tumugon sa halik na iyon.
“Excuse me po… heto na po ung juice nyo ma’am…” natigilan naman ang dalawa ng dumating ang kasambahay ng dalaga. Inilapag nito ang juice sa ibabaw ng mesa at pagkatapos ay umalis na ito.
Pinahid naman ni Cassey ang natitirang luha sa kanyang mga mata. Inayos niya ang kanyang sarili. Umupo naman si Mackie sa upuan sa tabi ng dalaga.
“Cassey… hindi kita iiwan… pinapangako ko… w-wag lang na magkasakit ak….” tinakpan ng dalaga ang bibig ni Mackie.
“Please… wag mo ng ituloy… Hindi ko rin alam kung anong mangyayari sa kin pag nawala ka Mackie… You don’t know how much you changed my life… I was so down and even planned to be an old maid.” Muli silang nagyakap. “I love you Mackie…”
“I Love you so much Cassey… You are my life now…”
Nagkaliwanagan na rin ang dalawa kung bakit hindi nila makontak ang isa’t isa. Dahil nga parehong nasira ang celphone nila. Nalaman na rin ni Cassey na sinasadya pala ni Mackie ang pagkakabungo sa kanya sa tuwing magkikita sila. Pati na rin noong tamaan siya ng bola habang naglalakad sa tabing-dagat. Sumali lang si Mackie noon sa grupo ng mga naglalaro kahit hindi niya tio mga kakilala upang maisagawa ang plano. Sinabi rin niya dalaga na yon lang ang naisip niyang paraan upang maging magkakilala sila. Ipinaalam na rin ng binata na ang kanyang ninang ang isa sa mga naging daan kung paano niya nakita si Cassey sa beach. Kaya pala laging nagpipilit ang kanyang ninang na magbakasyon ang dalaga sa kanilang resort ay dahil nakabuo na sila ng plano para magkakilala sila.
Alas-dose na ng madaling araw ng makauwi si Mackie sa kanilang bahay. Napansin niya ang isang pamilyar na kotse na nakaparada sa garahe nila. Ipinarada niya namang ang kanyang sasakyan malapit dito. Hindi nga siya nagkamali dahil pagpasok niya sa pinto ay bumungad kaagad sa kanya ang isang babae na nasa bar na nasa sulok ng kanilang bahay. Hawak nito ang isang kopita na may lamang alak at naninigarilyo pa ito.
“Jagiya!!” ibinaba nito ang kopita sa mesa at inilagay naman ang kanyang sigarilyo sa ashtray. Patakbo itong lumapit sa kanya at tinangka ng babae na yakapin si Mackie. Hinawakan naman bigla ng binata ang kamay niya. Pinigilan ni Mackie ang balak na pagyakap nito sa kanya. Napakagat siya sa kanyang bagang at nagsigalawan ang mga muscles niya sa mukha.
“Who told you that you can still go here? Who let you in?” tuluy-tuloy na tanong ng binata “You seem like a ghost… you always pop in every where….” Dagdag pa niya.
“Just wanted to tell you something…” simula nito. “I will stop bugging you….if…” pinutol pa nito ang sasabihin niya sabay haplos ng mga kamay nito sa dibdib ng binata. ”…you will join us in a dinner tomorrow night…” patuloy nitong hinahaplos ang dibdib ni Mackie. “Anyway my fiancĂ© and some other friends will be there…” sabay abot nito sa isang dinner invitation. Nakalagay doon ang oras at lugar ng pagdadausan ng dinner. “So… I will be expecting you…” pagkasabi nun ay binigyan ng babae ng isang halik si Mackie sa pisngi. Pagkatapos ay binigyan pa siya ng isang makahulugang kindat nito. Lumakad ito ng kaunti ng biglang may maalala.
“Oh by the way Mac…” umikot ito upang makaharap siyang muli. “only SELECTED people were invited… so you should go there alone.” Diin pa nito.
Wala nmang nagawa si Mackie kundi ang tumango na lang. Matapos nun ay kinuha na ng babae ang kanyang bag sa center table at lumakad na ito patungong pinto. Muli itong lumingon sa kinatatayuan niya. Nginitian siya nito at muli itong kumindat. Pagkatapos ay binuksan na nito ang pinto at saka lumabas.
“Hayyyy….” nasabi ng binata sa kanyang sarili. Tinitigan nito ang invitation na iniabot sa kanya… “ito na ang huling beses na pagbibigyan kita Yoona.”
Chapter 10 >>>>>
Chapter 10 >>>>>


No Response to "Cold Summer Nights - Chapter 9"
Post a Comment