0

Cold Summer Nights - Chapter 10

Published at 11:15 PM in

by Jhenny Meyers




Pumasok sa isang mamahaling restaurant si Mackie. Since nakalagay sa invitation na dapat ay formal ang suot ng mga bisita, nagsuot siya ng isang black suit. Lalong lumabas ang kagwapuhan ni Mackie. Bagay na bagay ito sa kanya. Ngunit pagpasok niya sa lokasyon ng dinner party ay napansin niyang walang tao. Sinalubong agad siya ng isang waiter at ipinakita niya ang kanyang invitation. Itinuro ng waiter ang mesang uupuan niya. Nakahanda na ang wine sa may kopita ay meron na ring pagkain dito. Nagtaka siya kung bakit parang siya lamang ang nandoon. Umupo siya sa sa upuan kung saan tinuro ng waiter. Maya-maya pa ay lumabas mula sa washroom si Yoona. Agad naman nagtanong si Mackie sa babae.



“Where is everybody?” nakakunot pa rin ang noo nito ng itanong niya iyon kay Yoona.
            
“They are going to be here in no time Mac… In the mean time… try the wine in your glass and the food on your plate.” Umupo ito sa silya sa harapan niya.
           
“Where is Mr. Park?” tanong nito at tumikim siya sa wine na nakalagay sa kopita. “I thought you will be having selected guest… where are they?” muli nitong ininom ang wine.
            
“Mac… to be honest… its going to be… only you and me…” pagkasabi nun ay biglang bumagsak si Mac sa mesa. “You are mine tonight.” Ngumisi pa ito at sabay tawag sa waiter.
            
“Help me! Please….” Lumapit naman bigla ang waiter. Inutusan niya itong dalhin sa kanyang kotse. “Kamsahamnida” sinabi nito ng maipasok ng waiter ang binata sa loob ng kotse. Inabutan pa niya ito ng tip.


Dinala ni Yoona si Mackie sa kanyang tinutuluyang hotel. Nagpatulong siya sa mga staffs upang madala ito sa kanyang kwarto. Muli niyang inabutan ng tip ang mga tumulong sa kanya.
           
Nakahiga na sa kama ang walang malay na si Mackie. Unti-unti naman hinubad ng babae ang suot nito hanggang sa boxer shorts na lang ang natira.
            
“I told you I’m not done yet Mac.” Kinapa ni Yoona ang bulsa ng binata. Nang makapa ang hinahanap ay kinuha niya ito sa pantalon ni Mackie. “So… you bought a new phone…” nagsend siya ng message sa kanyang phone upang makuha ang bagong number ni Mackie. Inactivate muli nito ang GPS sa pagitan nilang dalawa. Pagkatapos nun ay kinuhanan niya ng larawan si Mackie gamit ang celphone ng binata. Hinubad niya din ang kanyang suot hanggang sa underwear na lang nito ang natira. Hiniga niya ang kanyang ulo sa dibdib ng binata at kinunan niya itong muli ng larawan. Hinatak niya si Mackie upang mapaibabaw ito sa kanya. Muli siyang kumuha ng maraming larawan. Ipinakita niya pa na parang nasasarapan siya sa ginagawa nito. Nang makakuha na siya ng maraming ebidensya ay sinend niya ang ilang larawan sa numero ni Cassey. Nagtext pa siya dito.

I am really sorry Cassey… I have to leave you… First I thought I really love you… But I just realized I love someone else… and shes’s Yoona Jeung… We already planned about the wedding… I know it hurts but time will heal the wounds… Please don’t even think of calling me… I will be back to Seattle next week…

“I know you will still be mine Mac… No matter what…” kinuha nito ang kanyang telepono. “Yoboseyo… Meet me in my hotel room. I have a work for you.” Pagkatpos nun ay pinutol niya na ang kausap. Ilang minuto lang ang lumipas ay may kumatok na sa pinto. Binuksan ito ni Yoona at bumungad sa kanya ang isang malaking mama. Balbas sarado ito at maraming tattoo. “Never let him out of my room or you will be sorry…” banta nito sa inutusang lalake. “I will be back tomorrow morning…”
            
“Yes ma’am…” pumasok ang lalake pagkalabas ni Yoona sa kwarto.


Hindi naman mapatid-patid ang luha ni Cassey sa mga nakita niyang larawan mula sa bago niyang celphone. Paulit-ulit niyang tinitigan ang mga yon.
           
“Walang hiya ka Mackie!! Sana hindi na kita nakilala!! Sana hindi ko na kyo nakilalang magkapatid!!” galit na galit na sabi ng dalaga. Maya-maya pa ay naisipan niyang tawagan ang kanyang ina. Kinalma niya ang kanyang sarili upang hindi nito mahalata na may tinatago siyang mabigat na suliranin.
            
Sinabi nya sa kanyang ina na huwag na lang sa Pilipinas magdaos ng kanyang kaarawan. Sinabi niya na siya na lang ang pupuntang Oregon at doon na lang ito ipagdiwang at doon na lang siya maninirahan. Ayaw sana ng kanyang ina dahil nasabihan na nito ang kanyang mga kaibigan tungkol sa nalalapit niyang kaarawan. Ngunit dahil sa nag-iisang anak si Cassey ay pinagbigyan niya ito.

            
Kinabukasan ay naghanda na si Cassey. Sa Martes na niya matatanggap ang kanyang VISA kaya maaari na siyang umalis pagkatanggap niya nito. Wala siyang sinayang na sandali. Kailangan niyang magpakalayo-layo. Kailangan niyang kalimutan kung ano man ang mga naganap sa kanya. Itinuturing na niyang patay ang kanyang kahapon. Wala na siyang kaugnayan kay Mackie. Pinutol niya na lahat ng nag-uugnay sa kanilang dalawa.

Samantalang sa hotel naman na tinutuluyan ni Yoona ay nagising na si Mackie sa isang pagkakahimbing.
            
“Nasan ako? Bakit nakahubad ako?” tanong niya sa babaeng katabi niya.
           
“Hi Mac… Oh don’t tell me you already forgot my room and my bed?” hinaplos pa nito ang dibdib ng binata.
           
“Go to hell Yoona!” galit na sabi ni Mackie sabay tayo sa kamang hinihigaan niya. Pinulot niya ang mga damit niya na nagkalat sa sahig.
            
“Where are you going Mac?” tumayo din ito. Isang manipis na pantulog lang ang suot nito. “You can’t go anywhere!” sumigaw ito. Bigla namang pumasok ang lalakeng nagbabantay sa kanya. Itinuon ni Yoona ang atensyon nito sa malaking lalake. “It’s alright… nothing serious.” Pagkasabi nito ay bumalik ito sa lugar niya.
            
“I don’t know you anymore Yoona… You are worse than a beast!” sigaw ni Mackie. Ngunit wala siyang magawa. Napaka-helpless niya ng mga sandaling iyon.
            
“You’re right Mac I am!!” sigaw nito. “And you know what?! Your lovely lady is in great danger if you didn’t follow things that I will say!!” pagbabanta ni Yoona. “One wrong move Mac and you wouldnt see her again!” kinabahan si Mackie sa sinabi ng kaharap niya. Sa tono ng boses nito at sa mga galaw nito ay siguradong tototohanin niya ang lahat ng kanyang banta.
            
“Tell me what to do Yoona… I’ll do whatever you want! Just leave Cassey alone!”
            
“Everything will be alright Mac… Just come with me in Seattle…”
            
“No way!”
            
“But that’s the only way Mackie… Come with me and I promise you… nothing will happen to Cassey… I assure you…” lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. “I already booked our flight.”
            
Kinuyom ni Mackie ang kanyang kamao. Ngunit wala siyang magawa. Para siyang bata na dapat sumunod sa utos ng nakakatanda. Tumingin siya kay Yoona.
            
“If that’s the only way Yoona… I will go with you in Seattle…  But let me at least talk to her…”            kinapa niya sa bulsa ang celphone. Ipinakita ni Yoona na nasa kanya ito.
            
“No need Mac… I already left her a message… I already told her that you will be going with me in Seattle.” Walang nagawa si Mac sa ikalawang pagkakataon. Napapikit na lang siya at nag-usal ng isang dasal.

Lord please tulungan nyo po ako kung anong gagawin ko… Kayo na po ang bahala…




FINALE >>>>

Spread The Love, Share Our Article

Related Posts

Post Details

No Response to "Cold Summer Nights - Chapter 10"

Post a Comment