by Jhenny Meyers
“Wow ma’am Cassey…. Ang sexy mo naman…San ang rampa mo?” puri ni Kikay sa dalaga. Nakasuot siya ng maiksing blue denim shorts at naka-blouse siya na baby pink at hapit na hapit ito sa kanyang katawan.
“May ka-date ako…” sinabi nito habang nakangiti. Sinuklay-suklay niya ang mahaba niyang buhok. Iniba-iba niya ang porma ito at tingnan kung anong ayos ang babagay sa kanya.
“Ayieee si ma’am inlababo….” Panunukso nito “Ma’am kahit anong ayos ang gawin mo… maganda ka na… ang mga lalake mas gusto niyan kung simple ka lang…” bigla nitong nilahad ang kanyang palad “Look at me…. Simple but prettiness!” pagmamalaki ni Kikay.
“Oo na… alam ko maganda ka na… pero mas maganda ako sa’yo…” sabay tawa ni Cassey. Napa-ismid na si Kikay sa sinabi nito. “O… wag ka ng kokontra… hindi na kita ililibre ng spa!” natatawang sabi nito.
“K! Fine! Whatever yaya!” sambit naman ni Kikay
Maya-maya pa ay dumating na si Mackie sa resort house na tinutuluyan ni Cassey.
“Aba… ma’am andito na ung gwapo…. Hinahanap ka!” sigaw ni Kikay pagkabukas na pagkabukas nya ng pinto.
Mas mabilis pa sa kidlat ang kilos ni Cassey at ilang sigundo lang ay nandoon na agad siya.
“Kaloka ka ma’am…. Para kang si superwoman… kanina lang nasa taas ka ngaun andito ka na….. kalurkey ka ma’am…” pang-aasar ni Kikay sa dalaga. Pinandilatan naman siya ng mata ni Cassey. Nabasa naman agad niya ang ibig sabihin nito kaya i-zinipper na naman niya ang kanyang bibig at binulsa ang imaginary key sabay peace sign.
Natawa naman si Mackie sa ginawa nito.
“Let’s go?” sinabi ng binata kay Cassey at sabay silang lumabas ng pinto. Hindi naman maiwasang lingunin ni Cassey si Kikay. Ngumiti ito pero hindi inilabas ang ngipin at pinigil magsalita. Natawa naman si Cassey sa ginawa nito.
“So where are we going?” basag ni Cassey sa katahimikan. Kanina pa sila naglalakad sa tabing-dagat pero kahit isa man lang na salita ay walang lumalabas sa kanila. Kanina pa sila ngitian lang ng ngitian pag nagkakatinginan.
“Gusto mo bang mag videoke?” tanong naman ni Mackie sa dalaga. Hinawakan niya ang kamay nito.
“Sure…” excited na sagot ni Cassey.
Sa tuwing magtatama ang kanilang mata ay para bang kumikislap lahat ng bituin sa langit. Maya-maya pa ay narrating na nila ang lugar.
“N-norae-bang?” basa ni Cassey
“Yup… it means song room or karaoke room… its a Korean language. Norae means song and bang means room.” Pagbibigay impormasyon ni Mackie. Sunud-sunod naman ang tango ni Cassey.
“So obviously…based on its name Korean ang may-ari nito?”
“I’m not sure… siguro… tara let’s get inside…”
“Annyeong haseyo…” bati ng mga receptionists sa kanila at sabay yuko ng mga ito. Tumugon naman sila sa pamamagitan din ng pagyuko. “Good evening sir, good evening ma’am… Here are the list of our room prices and combos.” Inabot ng isang babaeng mukhang Koreana ang isang pamphlet. “Our songs here are up-to-date and we have great tasting meals that you will surely enjoy…”
“Thank you…”sabay abot ni Mackie sa pamphlet. Itinuon niya ang kanyang atensyon kay Cassey. “So what do you think? Okay na ba ‘tong room na ito?” itinuro niya ang isang party room na para sa anim katao. Meron itong isang malaking LCD TV. Meron din itong mga disco light sa bawat sulok ng kwarto at isang disco ball sa gitna nito.
“Sige… ikaw ang bahala…” sagot ng dalaga habang patuloy pa rin itong nakatingin sa mukha ni Mackie.
“We’ll take this room miss…. We will decide on our food later…”
“No problem sir…” hinatid sila ng receptionist sa videoke room na napili nila. Samantalang si Cassey sa mukha pa rin ni Mackie nakatingin. Tiningnan din siya ng binata at agad naman niya itong binawi. Napangiti naman si Mackie.
Nang nasa loob na sila ay tiningnan nila ang mga pagkain sa menu. Pero si Cassey ay muling napatitig kay Mackie.
“Baka matunaw na ko nyan ha….” Biglang sambit ng binata na siya naman ikinapula ng mukha ni Cassey. Bumawi naman bigla si Cassey.
“Kaya nga kita tinitingnan para matunaw ka na… at mawala ka na sa harap ko…” pagbibiro nito.
“Aww galit ka ba? May ginawa ba ko sa’yo? Hindi naman kita nabangga kanina ha…”
“Nope… nagbibiro lang ako…” natatawang sabi ni Cassey “Heto naman hindi na mabiro.”
Pagkatapos nun ay umorder na sila.
“Bakit ba kanina mo pa ko tinitingnan? May balak kang masama sa kin ano?” pagbibiro ni Mackie.
“Kapal mo…” sinampal niya ng mahina si Mackie ay sabay silang nagtawanan. “But seriously… matagal ko na kase iniisip to… Meron ka kasing kamukha… Isang taong malapit na malapit sa akin noon.” Biglang lumungkot ang mukha ni Cassey.
Napansin ito ni Mackie kaya biniro niya na lang ang dalaga.
“Sino na naman ang kamukha ko? Si Bruho Mars? Hahaha” natatawang sabi ni Mackie.
“Heto naman e… nagbibiro ka na naman e… Anyway… Bakit ko pa ba kailangang isipin yun….”pinilit nitong ngumiti “tapos na yun… wala na siya…”
Alam ni Mackie na ang kapatid niya ang tinutukoy nito. Pero hindi siya nagpahalata na kilala niya ito at alam niya lahat ang pangyayari.
Kahit noong bata pa lang sila. Lagi silang napapagkamalang kambal. Dalawang taon lang ang agwat ng edad nilang dalawa. Kung hindi mo nga sila masyadong kilala pareho ay mapagpapalit mo ang pangalan nila. Ang pinagkaiba lang nila ay mas matangkad ng kaunti si Mackie kaysa kay Andy. Mas singkit ng kaunti ang mga mata ni Mackie at mas moreno ito kaysa kay Andy.
“And the best actress goes to….” Sabay halakhak ni Mackie.
“Ikaw talaga ha… lagi mo na lang akong niloloko…” nagkunwaring nagtatampo si Cassey.
“Heto naman hindi na mabiro… Sige… kakantahan na lang kita para hindi ka malungkot…” kinuha ni Mackie ang song book at namili ito ng kanta. “Heto…sandali…” pagkapili niya ng kanta ay pinindot ang number sa remote.
COLD SUMMER NIGHTS – FRANCIS MAGALONA
I keep on blaming my self
I should have eaten my pride
how can i convince you
its just a matter of time
many times i've hurt you
with my foolish ways oh girl
now i know i have to pay the price
is there a way for u to turn around,
turn around and come back baby
ohh baby cant u see
I should have eaten my pride
how can i convince you
its just a matter of time
many times i've hurt you
with my foolish ways oh girl
now i know i have to pay the price
is there a way for u to turn around,
turn around and come back baby
ohh baby cant u see
Para siyang nahipnotismo ng marinig niya ang boses nito. Hindi niya maalis ang kanyang tingin sa binata. Patuloy naman sa pagpapa-cute si Mackie habang kumakanta. Tumitig sa kanya ang binata habang kinakanta ang chorus.
its been cold summer nights since we drifted apart
cold summer nights since you walked out that door
cold summer nights here on my own
coz i miss you baby, i need you here
cold summer nights since you walked out that door
cold summer nights here on my own
coz i miss you baby, i need you here
Nadama ni Cassey ng labis ang inaawit ng binata. Sa ganda ng boses nito, bingi lang ang hindi mapapalingon. Pati parteng rap ay sinambit nito. Nang matapos ay nag bow ito na tila kasali sa isang singing contest. Naupo ito sa tabi ni Cassey ng matapos siyang kumanta. Iniabot niya ang song book kay Cassey.
“Ikaw naman…” sabay kindat nito sa dalaga.
“Huwag mo kong pagtatawanan huh!” at tumingin ito sa song book para pumili ng kanta.
“HAHAHAHA!” tumawa ito para asarin si Cassey.
“Hay naku… wala pa nga no…” inirapan nito si Mackie
“Ay wala pa ba…” natatawang sabi ng binata.
“Ay itooooo maganda…” excited naman pinindot ni Cassey ang remote.
TILL THEY TAKE MY HEART AWAY - KYLA
I look into your eyes so far away..
There’s trouble on your mind your losing faith
Hey now…let me hold you
It’ll be okay
‘Cause I will love you til’ they take my heart away
Remember when you called and said goodbye
You’d thought we’d lost it all
And so did I
But even if I’d lost you
It would be the same
Si Mackie naman ang namangha sa boses ng dalaga. May pagkakahawig ito sa boses ni Kyla. Hindi mapagilan ni Mackie na mapangiti. Ngunit maya-maya ay nag ring ang celphone nito. Nang makita niya kung sino ang tumatawag ay ikinansel niya ito. Sinabayan niya pa sa pagkanta si Cassey.
Cause I will love you til’ they take my heart away
Believe.. I’m here to stay
‘Cause I will love you til’ they take my heart away..
Tumunog muli ang celphone niya. Napansin ni Cassey ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng binata.
“Excuse me Cassey I need to take this call...” pagkalabas nito ay siya namang pasok ng waiter at dala na nito ang inorder nilang pagkain.
“Why do you have to keep on calling me?” galit na galit na sabi nito sa kausap niya. “We’re already through Yoona!” dagdag pa nito.
“Ne Sarang (my love)…” sabi ng nasa kabilang linya. “Mianhaeyo (Im sorry)… naneun yeojeonhi neoreul saranghae (I still love you)…”
“Arrasuh…. Arrasuh (I understand)! But please… just set me free… if you really love me Yoona…”
“Jagi (Honey)…” tawag pa nito sa binata.
“Please stop calling me that way… I have to hang up… Jal gah…”
“Mac? Yoboseyo?”
Inoff na ni Mackie ang fone niya para hindi na makaistorbo ang babae.
Pagpasok niya sa loob ng kwarto ay nakita niyang nakaupo na lang si Cassey at kumakain ng fries.
“I am very sorry Cassey…” muli itong umupo sa tabi niya at kinuha ang songbook sa mesa.
“Any problem Mackie? Bakit parang sumisigaw ka kanina sa labas…” tumingin ito sa mata ng binata. Umiwas naman ng tingin si Mackie.
“Wala yun. Just someone who wouldnt stop bugging me…” pilit nitong nginitian si Cassey.
Chapter 7 >>>>>
Chapter 7 >>>>>


No Response to "Cold Summer Nights - Chapter 6"
Post a Comment