0

Cold Summer Nights - Chapter 5

Published at 12:10 AM in



“Nakita ko na siya…” sabi ni Mackie habang hawak-hawak ang larawan ng isang lalake. “Tama ka, maganda nga siya… mas maganda pa siya kaysa mga larawan niya na ipinakita mo sa akin. Maputi siya at maganda ang hubog ng kanyang katawan.” Patuloy nito. ”Pero kapansin-pansin ang kanyang malulungkot na mata”. Pagkatapos nito ay muli niyang ipinasok ang larawan sa loob ng kanyang wallet.


            “Tama ba ang ginawa ko?” bulong niya sa sarili. “Hindi ko kase alam kung paano siya lalapitan kaya ganoon ang naisip kong paraan…” lumabas siya sa tinutuluyan niyang house resort. Dumungaw siya sa terrace at tumingin sa malayo. “Sana Makita ko ulit siya.”

            “Kuya… alam ko nalulungkot ka dahil hindi kayo nagkatuluyan ni Cassey” sinabi niya habang nakatingin siya sa langit. Dinama niya ang ihip ng hangin na humaplos sa kanyang mukha. “Katulad ng sinabi mo… hindi mahirap mahalin si Cassey” pumikit siya ay animo’y nasa harap lang niya ang kausap niya. “Hindi kita bibiguin kuya… aalagan at mamahalin ko si Cassey…” muli siyang dumilat at nakita niya mula sa malayo ang isang pamilyar na babae. Mag-isa lang itong naglalakad sa tabing-dagat.

            Dali-dali naman niyang hinubad ang kanyang trunks at isinuot ang kanyang board shorts. Nagmadali itong lumabas ng kanyang tinutuluyang house resort. Tumakbo ito ng matulin patungo sa direksyon ng babae.

            “OUCH!!!” sabay nilang nasambit.
            Napaupo ang babae at ganun din si Mackie. Nagkatitigan sila. Mabilis naman binawi ng babae ang kanyang tingin.

            “ I knew it!! Sino pa ba ang gagawa nito?!” sigaw ng babae. Nagtangka itong tumayo at inalalayan siya ni Mackie. Nang makatayo na siya ay hinawi niya ang kamay ng binata. “Bitiwan mo nga ako! Balak mo ba talagang mabugbog ang katawan ko? Sinasadya mo ba ‘to ha?!” bintang ng babae.
            Nakatitig pa rin siya sa mukha ng dalaga.

            “Mi-miss Cassey… so-sorry talaga… hindi ko sinasadya… hindi lang talaga kita napansin…” paumanhin ng binata.
            “Ahhh hindi mo ko napansin? Ano ako ipis? Ganun ba ko kaliit para hindi mo mapansin?” pilosopong sagot ni Cassey.
            “Sorry na Miss Cassey… babawi na lang ako… let’s have a coffee… may Starbucks malapit dito… treat … “ pinutol ng dalaga ang sasabihin pa nito.
            “I have no time… tinatanggap ko na ang sorry mo… basta ipangako mo lang na hinding-hindi ka na magpapakita sa ‘kin ha… kahit anino mo ayokong makita…” nagsimula ng maglakad si Cassey.

            Anong gagawin ko? Ayoko naman dito na matapos ang pagkakakilala namin… sa isip-isip ni Mackie.
           
            “Sandali Miss Cassey…” hinabol niya ito at sinabayan sa paglakad. “Sorry talaga”

            Pero tuluy-tuloy pa rin ang paglakad ni Cassey na parang wlang nakikita.

            “Gusto lang naman kitang makilala… Gusto kitang maging kaibigan…” humarap siya kay Cassey habang naglalakad ng patalikod. Pero parang wala pa rin itong naririnig.
            “Alam ko may problema ka…” napahinto si Cassey sa sinabi nito. Binato siya nito ng matalim na tingin. “I can see it in your eyes… in your sad eyes.” Hinawakan ni Mackie ang baba ng dalaga. Bigla namang nag-iba ang mood ni Cassey. Napalitan ang kaninang pagkaasar ng pagkamangha. “Just give me a chance… You wont regret this day… Let’s talk about you and me over a cup of coffee…”
           
            Para namang nahipnotismo ang dalaga sa mga sinabi nito. Pumayag na rin si Cassey na sumama dito. Naisip niya na wala naman sigurong masama kung sasama siya sa estrangherong ito na may pamilyar na mukha.

            Umorder ng chocolate cream chip si Cassey at chocolate croissant, samantalang si Mackie naman ay isang espresso macchiato lang ang inorder.

            “Baka tumaba ka nyan ha Miss Cassey…” pagkasabi niya nun ay tinikman niya ang kanyang kape. “Hmmm that is why I love starbucks… How about you Miss Cassey… bakit hindi mo ginagalaw yung inorder mo…”
            “Cassey na lang pwede…”
            “C-cassey… wag ka ng mahiya…”
            “Pagkatapos mo kong sabihan nab aka tumaba ako sa inorder ko tapos ngayon pinipilit ko kong kainin ‘to” bulong ni Cassey sa sarili.
            “Hmmm may sinasabi ka?” kumunot ang noo ni Mackie dahil parang may narinig siyang sinasabi nito.
            “Ay wala akong sinasabi… heto na nga e…” pilit na ngumit ang dalaga “kakainis to”
            “Excuse me?”
            “Ah wala sabi ko… kakainin… oo kakainin ko na to…” sabay kuha sa tinapay. “Bruho”
            “Bruho? Sinong bruho?” natatawang sabi ni Mackie.
            “Sabi ko Bruno… kamukha mo si Bruno Mars” pagpapalusot nito.
            “Ahhh sabi nga ng ex ko… Pero malayo naman e…” muli siyang humigop sa kape niya habang nakatingin pa rin siya sa mukha ni Cassey
            “Naniwala naman ang mokong na ‘to…” tumitig siya kay Mackie. Nginitian naman siya nito. Bigla namang siyang namula nang masilayan niya ang ngiti nito.
            “Ikaw namann kahawig mo si Song Hye Kyo.”
            Lalo naman siyang namula sa sinabi ng binata.
            “Sino naman yun?” Kunyaring tanong ni Cassey pero kilala nya naman ang tinutukoy nito. Pagkatapos ay sumipsip siya sa kanyang chocolate cream chip.
            “Yung babae sa Full House… Yung Korean drama…” sabay kindat naman sa kanya ni Mackie.
            “Ahhh salamat…” pagkatapos ay hinawi niya ang kanyang buhok na para bang nagpapa-cute.
            Napangiti si Mackie sa ginawa nito

            Napaganda mo talaga Cassey. Patuloy niya pa ring pinagmamasdan ang dalaga. Biglang nagbago ang kaninang nakangiting mukha ng binata. Napalitan ito ng lungkot.

            Kuya… alam ko kung gaano ka nalungkot ng hindi matuloy ang kasal nyo ni Cassey… Igagalang ko ang pasya mo na huwag ipaalam sa kanya kung anong nangyari sa’yo. Alam ko mahal na mahal mo siya at hindi mo pinangarap na iwan siya. Nakatingin pa rin siya sa mukha ng dalaga.

            “O bakit parang bigla kang nalungkot…” napansin pala ni Cassey ang biglang pagbabago ng mood ng kaharap. “May problema ka ba? Sige share mo sa ‘kin… tutal nakilala na kita ngayon. Itinuturing na kitang kaibigan.” Bigla naman napalitan ng saya ang malungkot nitong mukha
            “Talaga? Magkaibigan na tayo?” tuwang-tuwang sabi nito.
            “Ano pa bang magagawa ko? Basta promise mo na pag makikita mo ko… hindi ako maaaksidente… baka naman sa susunod na magkita tayo sa ospital na ang bagsak natin…” natatawang sabi nito.
            “Promise…. Mas magiging maingat na ko…” sabay hawak sa kamay ng dalaga at sa sobrang tuwa ay napisil niya ito.
            “O ayan ka na naman… pinipisil mo ung kamay ko… baka madurog yan…”  sabay bawi sa kamay niya.
            “Sorry naman…” napakamot na lang ito sa ulo niya.


            Naging Masaya ang kwentuhan ng dalawa at nasundan pa ito ng maraming pagkikita. Naging malapit ang loob nila na parang matagal na silang magkakilala. Mabilis silang nagkapalagayan ng loob.

            Isang gabi habang nakahiga at nakatingin si Mackie sa kisameng may pinta ng mga bituin ay naalalang muli niyang pagkawala ng kanyang kapatid.

            Walang tigil sa pag-iyak ang kanyang ina. Kararating lang niya mula Seattle, Washington. Umuwi agad siya isang Linggo bago ang kasal ng kanyang kapatid na si Andy. Na-diagnose ang kanyang kapatid na may leukemia. Naging mabilis ang pagbabago ng takbo ng kanilang buhay ng sabihin ito ng doktor.

            “M-Ma-c-ckie…” hirap na hirap na sambit ng kanyang kapatid. “A-ala-ga-an mo si Cas-sey. H-huwag na h-huwag mong sa-bi-hin…. Sa ka-kanya ang nang-y-yari sa- kin..” putul- putol na usal ng kanyang kapatid.
            “Kuya… wag kang mag-alala…” nangingilid na ang luha ni Mackie ng sinabi niya yon. “Mahal na mahal ka namin ni Mama…” biglang patak ng luhang kanina pa nagbabantang mahulog.  Sabay yakap sa kapatid. Niyakap sila ng kanilang ina.
            “Ma-ma… Mack… i-kaka-m-mus-ta… ko na lang ka-yo… k-kay pa-pa…” sabi pa nito na lalong nagpahulgol sa mag-iina. Hindi nila akalaing sa ganoong paraan din kukunin si Andy. Katulad ng ikinamatay ng kanyang ama.
           
            Ilang taon din hinanap ni Mackie ang mapapangasawa sana ng kanyang kapatid. Matagal nang ibinibida ni Andy ang kanyang nobya sa kanya. Masayang-masaya siya dahil base sa mga kwento nito ay mahal na mahal nila ang isa’t isa. Hindi pa sila nagkikita ng personal nito dahil nga busy siya sa pag-aaral sa Seattle. Sa kasal pa lang sana nila makikita ni Mackie ang mapapangasawa ng kanyang kapatid.
            Naging labis ang kanyang lungkot dahil hindi man lang naikasal ang kanyang kapatid sa taong mahal niya.

            Kuya… ipinapangako ko sa’yo… magiging maligaya si Cassey sa piling ko… aalagaan ko siya.... at mamahalin…

            Cassey…


Chapter 6 >>>>>

Spread The Love, Share Our Article

Related Posts

Post Details

No Response to "Cold Summer Nights - Chapter 5"

Post a Comment