“Morning Ma’am Cassey!! Heto na ang inyong breakfast!!” Nilapag ni Kikay ang tray sa side table.
Uminat-inat muna ang dalaga bago siya bumangon sa kanyang kama.
“Ay ma’am! Bakit namumugto ang iyong mga mata? Puyat ka?” pag-uusyoso ni Kikay kay Cassey pero hindi niya sinagot ang tanong nito.
“Ayieee si ma’am Cassey o…. kahit namumugto ang mga mata… kumiskislap naman ito…” at namilipit pa ito sa kilig na tila isang inaasinang bulate.
“Ate Kiks talaga o… inggit ka lang…” sabay tawa nilang dalawa.
“Ikaw ma’am ha…. San ka rumam-page kagabi?” panunukso pa nito.
“Kaloka ka talaga Ate Kiks.. kung anu-ano naiisip mo…” natatawang sabi nito at sabay iba sa usapan. “Hay naku Ate Kiks…. Magpa body massage na lang tayo… gusto mo? Sagot ko…” pagkasabi nun ay uminom siya ng kaunti sa pineapple juice na dala ni Kikay.
“Ma’am Cassey….. anong akala mo sa ‘kin poor? May pera akong pang body massage no! Hindi mo na ko kailangang ilibre…” sabi niya habang tinitiklop ang kumot na ginamit ni Cassey.
“Sure ka?” nakangiting tanong ng dalaga.
“Hmmmm… Pero kung gusto mo talaga akong ilibre wala akong magagawa…. Madali naman akong kausap e…”mabilis na bawi nito.
“Hay naku ate Kiks talaga palabiro…. Okay… tatapusin ko lang itong kinakain ko then alis na tayo… iwan mo na yan…. Mag-ready ka na…. dapat na bathing suit ka huh! Pag hindi… iiwan kita dito…”natatawang sabi ni Cassey
“Yun lang ba ma’am? Marami ako niyan…. Isususot ko ay yung gawa sa abaka..”
“Meron kang ganun?!” muntik ng mabuga ni Cassey ang kinakain niyang bacon and cheese sandwich.
“Ma’am naman hindi na mabiro…. Ano ako pinggan…. Na kailangang gamitan ng iskoba?”
Napuno ng halakhak ang buong kwarto.
Maya-maya pa ay handa na silang dalawa. Naka-black two-piece bikini si Cassey. Kitang kita ang hubog ng katawan nito. Naka-pigtail muli ang kanyang buhok. This time hindi niya na kinalimutan ang kanyang sunglasses. Si Kikay naman ay naka pink na swimsuit… may sequins na kulay pink din ang lining nito. Siyempre hindi ito nagpahuli at nagsuot din ito ng sunglasses.
“Wow Ate Kiks… tinalbugan mo naman ako sa suot mo… magpapalit na ko ng pambahay… ayoko na…” pagbibiro ni Cassey.
“Well ganun talaga ma’am… maganda talaga ako… kahit basahan pa ang isuot ko… ako pa rin ang maganda...” pagmamalaki ni Kikay. Wala namang humpay sa pagtawa si Cassey.
“O siya… Ikaw na… the best ka e…” at nag appear pa silang dalawa.
Nagsimula na silang maglakad sa tabing dagat. Malapit lang ang spa na pupuntahan nila sa restaurant na pinuntahan nila kagabi. Maya-maya pa ay isang pamilyar na mukha ang nakita ni Cassey. Si Mackie. Bigla namang kumabog ang kanyang dibdib. Nakatingin din ito sa kanya.
“Good Morning Kikay…. How are you?” Bati ng binata pagkadaan ng dalawa.
Bigla namang natawa si Cassey sa bati nito sa kanila
“Good Morning kuya…” huminto naman si Kikay sa tapat ng binatang bumati sa kanila at nag beautiful eyes pa ito na parang isang bata. “What can I help you…” tuloy pa rin ang pagpapacute nito at umikot pa na parang isang modelo, samantalang si Cassey ay pulang-pula na sa kakatawa habang si Mackie naman ay tila litung-lito sa mga nangyayari.
Yayakapin pa sana ni Kikay si Mackie pero bigla naman itong hinatak ni Cassey.
“Tara na Ate KIKAY!!” diniinan pa nito ang pangalan ng kasama para ipamukha niya kay Mackie na hindi siya si Kikay.
“Ma’am Cassey naman!! KJ e… ayun na e…yayakapin ko na si fafa e… konti na lang e…” Nakasimangot na sabi nito habang naglalakad sila ng mabilis na tila may rapist na humahabol sa kanila.
“Ca-cassey… Miss Cassey…!!” sigaw ni Mackie na nagging dahilan para magtinginan ang tao sa paligid nila. Tumakbo ito para maabutan sila.
“Bilisan mo Ate Kikay…. Andyan na ang rapist!!” sigaw ni Cassey kaya naman mas lalong napukaw ang atensyon ng mga nasa tabing-dagat.
“Ano ka ba ma’am… kung siya ang rapist… go lang… iaalay ko ang katawan ko sa kanya…” huminto naman bigla si Kikay. “Sige lang fafa… gahasain mo ko…” ibinuka pa nito ang kanyang braso upang salubungin ang papalapit na si Mackie.
“Nasisiraan ka na ba Ate Kiks?”
“Sino ba naman ang hindi masisiraan ng ulo sa kanya…” nang malapit na si Mackie ay nagkunwari pa itong nadapa para masalo ng binata pero hindi ito sinalo ni Mackie kaya tuluyan itong nasubsob sa buhanginan. “Ay…. Si kuya KJ…” bigla naman itong tumayo. “Hindi niya naappreciate ang kulay pink kong swim suit.” Sabay halukipkip ni Kikay.
“Sabi mo kagabi..” simula ni Mackie “Kikay ang pangalan mo..” banggit niya habang patuloy siya sa paghingal.
“E ano naman… kahit Kikoy o Kokey o Kokay pa pangalan ko… may pakialam ka ba?” pagtataray ni Cassey.
“Sabi ko nga wala akong pakialam e…” nasabi na lang ni Mackie. “San ka ba pupunta?” tanong nito
“Ay hindi sa SUN ang punta ko… Kase mainit dun… dito pa nga lang mainit na… sa SUN pa!!” pilosopong sagot ng dalaga.
“Ay ano ito lover’s quarrying?”
“Ginawa mo naman kaming bato ate Kiks.. Anyways... hindi ko nga siya kilala… lover’s quarrel pa! No way! Halika na Ate Kiks…” sabay hila nito sa kasama. “humahangin na ng malakas at nagdidilim na…. baka bumuhos ang BAGYO!!”
“Ay si ma’am adik… tirk na tirk ang araw e… “
Pinandilatan ni Cassey si Kikay.
“Ay Oo nga pansin ko nga parang uulan”
Muling naglakad ng mabilis ang dalawa. Naiwang nakatyo si Mackie. Hindi naman naiwasan ni Cassey na lingunin ang binata. Ngumiti ito sa kanya pero irap ang ginanti niya.
“Hmmm si ma’am… ano ba yang irap na yan… inis o kilig?” panunukso ni Kikay
“Alam mo Ate Kiks… kakaloka ka talaga…” imbis na pagkapikon, natawa siya sa sinabi ni Kikay
Ano nga ba yung irap na ginawa ko? Pagkainis o may halong kilig? Obvious ba ko masyado?
“Obvious ka naman kase ma’am.”
Nanlaki bigla ang mata ni Cassey.
Gano’n ba ko ka obvious? Sa isip-isp nito.
“Sige ka Ate Kiks ‘pag hindi ka tumigil dyan hindi kiya ililibre” pagbibiro ni Cassey
Umasta naman si Kikay na parang i-zinipper ang bibig at sinusian pa ito at tinapon ang imaginary key sa dagat. Natawa na lang si Cassey sa inasal nito.
Kinagabihan habang nakahiga siya sa kama ay panay naman ang ngiti niya. Naalala niya si Mackie. Ang mga mata nito na hindi na yata natapos sa kakakislap. Ang mga labi nito na nag-aanyaya sa kanyang halikan niya ito. Ang matipuno nitong katawan na parang nagsasabing yakapin siya nito.
Ikaw na nga ba ang puputol sa sumpa ng mga cold summer nights ko?
Sana nga ikaw na…
Mackie…


No Response to "Cold Summer Nights - Chapter 4"
Post a Comment