0

Cold Summer Nights - Chapter 3

Published at 12:18 AM in

          
              Different day but same routine. Ilang araw na ba siya sa resort na yun. Four days? Five days? One week? Who knows? Basta ang alam niya lang na-bobored na siya. After that incident, bihira na siyang lumabas.


            “Bakit dapat mo bang itago ang sarili mo dito Cassey? You are here to enjoy.” Kausap niya ang sarili niya habang nagsusuklay sa harap ng salamin. “Sabi ni ninang maganda raw dito pag gabi… so you need to get out and be free.” Dagdag pa niya.

            Simple lang ang suot niya nung lumabas siya. Isang puting sando na fit sa katawan niya at maiksing maong shorts. Nakapig-tail ang kanyang mahabang buhok at naka-pink Havaianas flip-flop siya. Nang makalabas na siya ng kanyang house resort ay nakita niya si Kikay.

            “Hi Ate Kiks!!! Saan ka pupunta?” tanong ni Cassey sa personal maid na nakita niyang tila nagmamadali.
            “Hi ma’am Cassey!! I am going to watching the banda over there!! I’m so excited! And I can’t just hide it!” tuwang-tuwang sabi ni Kikay.
            “Ahhh ganun ba…  teka sama ako…”
            “Sureness…. Let’s go!”

            Isang restaurant sa tabing dagat ang pinuntahan nila. May isang entablado doon kung saan tumutugtog ang isang banda.
Tulala lang sa’king kwarto
At nagmu-muni-muni
Ang tanong sa’king sarili
Sa’n ako nagkamali
Bakit sa’yo pa nagkagusto
Parang bula ika’y naglaho”
           
            “Ang ganda ng kanta no ma’am Cassey no…” excited na sabi ni Kikay.
            Natulala si Cassey. Pinatatamaan ba siya ng kantang ito.
            “Ma’am… namatanda ka ba?”
            “Panira ka naman ng moment Ate Kiks…” sabay ngiti kay Kikay. “Oo nga ang ganda… sinong kumanta niyan…”
            “Maldita!!” sigaw ni Kikay.
            “Hoy Ate Kikay hindi ako maldita ha…”
            “Ano ka ba Ma’am!! Maldita yung pangalan ng bandang kumanta niyan… pero iyang kumakanta hindi ko alam ang pangalan nila…” nakapamewang pang sinabi ni Kikay.
            “Ahhh… hindi mo naman kase nililinaw Ate….” Natatawang sabi ni Cassey
            "Anong title?"
            "Porque.."

“Porque contigo yo ya iskuji
Aura mi corazon ta supri
Bien simple lang iyo ta pidi
Era cinti tu el cosa yo ya cinti
Ta pidi milagro, vira’l tiempo
El mali hace derecho
Na dimio reso ta pidi yo
Era olvidas yo contigo”

            “Anong ibig sabihin nung chorus? Anong dialect yun?” tanong ni Cassey sa personal maid na kanina pa sinasabayan ang kanta.
            “Ma’am… Chavacano yung diyalekto nila…” tinuloy niya ulit ang pag-awit
            “Ahhh… e anong ibig sabihin nun?”
            “Yung huling part niyan Ma’am ayun ung ibig sabihin… pakinggan mo…. Bonggacious yan!” muli niyang sinabayan ang banda sa pag-awit.
            “Ayan na Ma’am pakinggan mo… ayan yung ibig sabihin nun”

“Bakit ikaw pa ang napili
Ngayon ang puso ko ay sawi
Kay simple lang ng aking hiling
Na madama mo rin ang pait at pighati
Sana’y magmilagro
Mabalik ko
Mali ay maiderecho
Pinagdarasal ko sa’king puso
Na mabura na sa isip ko”

            “ Ayan yung translation ng chorus sa tagalog! Di ba bongga?!”
           
            OUCH!  Naisip ni Cassey Kilala ba ko ng kumanta nito? Natawa tuloy siya sa sarili niya ng naisip niya yun.
            “Ay si Ma’am natatawang mag-isa… Hay naku masama yan…” pagbibiro ni Kikay
            “Ano ka ba Ate Kiks may naalala lang ako… Sige maiwan muna kita diyan… punta lang ako dun sa isla na korteng heart.” Pagpapaalam ni Cassey
            “K! Ingat ka Ma’am…”
            “Salamat..”

            Habang naglalakad siya ay iniisip niya pa rin ang lyrics ng kanta kanina.

            “San ba ko nagkamali? Kung nasan ka man ngayon…. Sana madama mo rin ang sakit na naramdaman ko… sana nga tuluyan na kitang mabura sa puso ko… OUCH!!!” biglang napaupo si Cassey.
            “Sorry Mi-miss?” pagulat na sabi ng binata. Inalalayan ng lalakeng tumayo si Cassey.
            “Ikaw na naman?” nanlaki na naman ang kanyang mga mata. Namangha siya ngunit binawi niya agad ang pagkamanghang ito. “Balak mo ba kong patayin?” OA na tanong ng dalaga.” Pinagpagpag niya ng dalawang kamay niya ang kanyang shorts.
            “Miss… sorry… nagmamadali kase ako e… Sorry talaga… “ nakikiusap ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.

            Ang ganda ng mga mata niya. Ang sarap halikan ng mapupula niyang labi. Ang sarap yakapin ng matipuno niyang katawan.
           
            “Miss… Okay ka na ba?”

            Pero hindi pa rin inaalis ni Cassey ang kanyang mga mata sa lalaking kanyang kaharap.

            You have lots in common. Andy… bakit ba ikaw pa rin ang nakikita ko?
           
            “Miss? Miss…. Papasa na ba ako?”

            Bigla naman nagising si Cassey sa tila isang panaginip.

            “Ha? Oo… Oo…” biglang nasambit ni Cassey.
            “Sabi na crush mo ko e… Kase laging ganyan ang tingin mo sa kin e… last time….” Pinutol ni Cassey ang sinasabi ng lalake.
            “Ano? Pakiulit nga mister yung sinabi mo… Crush kita? Ok ka lang? Paano ka nakalabas ng mental? Sabi ko Oo… Ok ako… ” tuluy-tuloy na sabi ng dalaga. Nakapamewang pa siya ng sinabi niya ito.
            “Whoa…  Hold your horses dear…” 
            “Wag mo ko ma-dear dear…” tumalikod na ito at akmang lalakad.
            Hinawakan naman agad ng binata ang siko nito at biglang hinila siya paharap. Sa lakas ng paghila ay natumba silang bigla. Napahiga ang binata at napapatong naman sa ibabaw nito si Cassey. Di sinasadyang naglapat ang kanilang mga labi.
            Tila huminto ang pag-ikot ng orasan. Pati pag-ikot ng mundo ay parang tumigil din. Hindi alam ni Cassey kung gaano katagal naglapat ang kanilang mga labi. Hindi niya alam kung ilang minute sila sa ganoong posisyon. Basta ang alam niya… rinig na rinig niya ang tibok ng puso nilang dalawa. Tila nagsasayaw ito sa saliw ng isang techno music. Mabilis… parang malalagutan yata siya ng hininga.
            Bahagyang tinulak ng binata si Cassey palayo sa labi niya. Tinulungan siya nitong tumayo. Para naman siyang isang bata na sumusunod sa isang nakakatanda. Pero may isang bahagi ng kanyang utak ang biglang nag-react

            Ano ba?! Bakit mo ko itinulak palayo? Nag-eenjoy pa ko!

            Nakatayo na sila pareho pero tulala pa rin siya. Biglang nagsalita ang binata.
            “I’m Mackie by the way…. I am really sorry about everything…”
           
            You don’t have to be sorry! Sa isip-isip niya.
           
            Bigla niyang sinampal ang binata.
            “Ouch!” sigaw ni Mackie sabay hawak sa kanyang pisngi
            “Dapat lang mag-sorry ka! Alam mo bang pwede kitang idemanda niyan?”
            “Sexual harassment? That’s an accident!” muling sigaw nito. Hawal\k pa rin ang kanyang pisngi.
            Hindi! Kakasuhan kita ng invasion of my heart’s privacy!
            “Oo… Sexual harrastment!! Acts of lasciviousness!! And Rape!!” bigla itong tumalikod at lumakad ng mabilis.
            “Miss!! May I at least know your name?” sigaw nito sa papalayong dalaga.
            “Kikay!! Kikay ang pangalan ko!” sigaw din nito habang mabilis na lumayo sa korteng-pusong isla.

           
            Alas-tres na ng madaling araw pero nde pa rin makatulog si Cassey. Nakatingin siya sa mga bituing nakapinta sa kisame. Dati-rati ay pampatulog niya ito pero mukhang pumalya yata ngayon ang ningning ng mga bituin.
            Naaalala niya pa rin ang malalambot na labi ng binata. Ang amoy ng katawan nito. Ang kislap ng mga mata nito.

            Mackie….

ITUTULOY.....
Writer's note...


Heto nga pala yung kantang porque... nakita ko lang ung kanta dahil may naghahanap sa tristancafe.com.       Pinakinggan ko tapos ayun nagustuhan ko siya kaya isinama ko sa Cold Summer Night. 
                
Porque by Maldita
Salamat din sa Van'z Lyrics sa pagpayag niyang gamitin ko ang video...
Paki-like po ung FB fanpage niya https://www.facebook.com/VanzLyricsHD


       






Spread The Love, Share Our Article

Related Posts

Post Details

No Response to "Cold Summer Nights - Chapter 3"

Post a Comment