by Ayizh
“Wow!ang ganda ganda naman ng alaga ko!”bulalas ng yaya Lorna niya ng pumasok ito sa loob ng kwarto niya. She looks like a real princess in her costume at sigurado lahat ng lalaking madadaanan niya ay mapapatingin talaga sakanya. It was the night of the costume party na inorganize ng kuya niya at talaga namang pinaghanda siya nito. Ito pa nga ang bumili ng costume niya.
“Salamat yaya, si kuya?”nakangiti niyang turan dito habang pinagmamasdan pa rin ang sarili sa harap ng salamin. Hindi siya makapaniwala na sarili niya ang nakikita niya sa salamin, para talaga siyang isang tunay na prinsesa. Isang napakagandang prinsesa, ngunit isa na lang ang kulang, sino kaya ang magiging prince charming niya?
“Ah-eh…andun sa b-aba”medyo nabubulol naman na sagot nito sakanya at hindi pa makatingin ng diretso sa mga mata niya. Nagtataka naman siya sa ikinikilos nito na para bang may itinatagp . Gusto man niyang tanungin ito ay minabuti na lang niyang bumaba na dahil baka hinihintay na siya ng kuya Justine niya.
“Kuya!andito na ako!”nakangiti niyang tawag dito habang pababa ng hagdan ngunit kaysa ang kuya Justine niya ang makita niya, ay ang gwapong pagmumukha ni Travis ang sumalubong sakanya. At ang worst pa ay nakasuot ito ng pang-prinsipe na ikinagulat naman niya. He looks like a real prince in his costume. ‘Why is he wearing a prince costume?!’
“Anong ginagawa mo dito?at bakit yan ang suot mo?!”naitanong kaagad niya dito. Bagkus na sagutin siya nito ay nakangiting lumapit lang ito sakanya at dahan-dahang hinawakan ang kanang kamay niya. Nabigla naman siya sa ginawa nito kaya hindi niya ito napigilan. Yumuko pa ito na para bang hahalikan ang mga iyon. Gusto man niya itong pigilan ay hindi niya magawa-gawa dahil parang ayaw sumunod ng katawan niya sa isip niya.
“To my lovely princess”sabi nito sabay halik sa kamay niya. ‘Lovely princess!?’ Agad naman niyang binawi ang mga kamay mula rito dahil hindi niya gusto ang dalang init ng mga labi nito sa balat niya. Para siyang nakukuryente na hindi niya alam kung bakit.
“A-anong ginagawa mo dito?bakit ganyan ang suot mo?a-san si kuya?”sunud-sunod na tanong na lang niya dito. Hindi naman niya maialis ang tingin dito. Ang gwapo ng mokong sa suot nito. Teka nga bakit ba niya ito pinupuri?. ‘What the hell is happening to me?!’
“Hey, easy..isa-isa lang mahina ang kalaban”nakangisi nitong sabi sakanya at bahagya pang itinaas ang dalawang kamay.
“Pwede ba sagutin mo na lang ang tanong ko. Asan si kuya?”asik niya rito. Gusto niyang mainis sa sarili dahil hindi niya magawang mainis dito.
“Okay okay. Sasagot na…”
“Justine told me na saakin ka na lang daw sumabay dahil mauuna na siya sa party para asikasuhin ang mga bisita”paliwanag nito habang titig na titig pa rin sa mukha niya. Pakiramdam naman niya ay namumula siya dahil sa ginagawa nito. He is looking at her so tenderly and with passion. Pakiramdam niya ay matutunaw na siya. Why is she feeling like this?Bakit bigla-bigla na lang siya nagkakaganito ng dahil lang sa sa lalaking ito?
“Ano!?iniwan ako ni kuya sayo”bulalas na sabi niya kay Travis. Hindi siya makapaniwala na iniwan siya ng kuya Justine niya sa mukhang unggoy na ito.
“Yes, ipinaubaya ka niya saakin may lovely princess, “nakangiti pa ring sabi nito sakanya na para bang nagpapa-cute. Parang gusto niya tuloy itong buhusan ng mainit na tubig dahil sa ginagawa nito.
“Pwede ba wag mo nga akong tawaging may lovely princess!At huwag mo akong titigan ng ganyan kung ayaw mong mahampas sa mukha”angil niya dito at iniumang pa ang kamao. Hindi dapat siya magpadala sa kung anuman ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Alam niyang pinaglalaruan na naman siya nito at ayaw niyang magmukha na naman siyang tanga.
“You can’t do that”naiiling nitong sabi sabay hawak sa kamay niya at ibinaba iyon. Bahagyang inilapit nito ang mukha sakanya.
“At bakit hindi?”Ramdam na ramadam niya ang mainit na hininga nito.
“Kasi pag ginawa mo iyon, hindi lang isa o dalawa ang mang-aaway sayo, sige ka bugbog sarado ka sa mga fans ko”nakangising saad nito na naging dahilan tuloy para maitulak niya ito. Pero dahil sa lalaki ito at malakas ito ay hindi naman ito natumba.
“Ah ewan ko sayo!ang yabang mo talaga!aber kailan ka pa nagkaroon ng fans!”panghahamon niya rito kahit alam niyang simula pa noon ay marami na talaga itong fans na para bang isa itong sikat na artista. Well, bakit pa ba siya nagtataka, gwapo naman talaga ito at sinumang titigan nito ay talaga namang mawawala sa sarili, pero hindi siya. Never. She would never fall for this man. Mas gugustuhin pa niyang maging old maid kaysa mapangasawa ang isang katulad nito.
“Matagal na…kung alam ko lang isa ka rin sa mga iyon”sabi nito at ngumiti pa ng nakakaloko.
“Excuse me!hindi mo ako fan ano!?”
“Oh maniwala? Huwag ka ng magdeny. Kung alam ko lang eh pinapantasya mo rin ako”sabi nito at nameywang pa . Kung anu-ano pang posing ang ginawa nito na ikinainis naman niya dahil panay na naman ang pa-cute.
“Yucks kadiri ka!wag ka ngang mayabang!for you info hindi ka po gwapo para pagp[antasyahan ko!”depensa naman niya. Hindi siya tanga para aminin dito na gwapo talaga ito, tiyak bibigyan lang niya ito ng pagkakataon na asarin na naman siya ‘pag ginawa niya iyon.
“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, alam ko namang type mo rin ako eh”sabi nito na para bang siguradong-sigurado. Naiirita na talaga siya dahil sa kapreskuhan nito. Hindi niya tuloy maisip kung bakit sa dinami-dami ng babaeng nagkakandarapa dito ay siya pa rin ang laging kinukulit at inaasar.
“Ay ewan!dyan ka na nga!”singhal niya at padabog na tumalikod dito. Napagdesiyunan niyang huwag na lang pumunta ng party kung ito lang rin ang makakasama niya and besides wala na siyang pakialam kung sandamakmak na sermon na naman ang abutin niya sa asungot niyang kapatid.
‘Makikita mo mamaya kuya’
“Hey where are you going?”tila nagulat naman si Travis sa ginawa niya pero bago pa man siya makapaglakad papalayo ay napigilan na siya nito.
“Ano ba!wag mo nga akong hawakan!, magpapalit na ako ng damit”pagpupumiglas niya.
“You will not do that” seryoso na ang mukha nito kumpara kanina.
“And who are you to decide for me?”
“Hmm… ako lang naman ang pinakagwapo mong prince charming”
“Prince charming! EW…mangarap ka! kung ikaw lang rin naman ang makakasama ko!buti pang wag na lang akong pumunta!Sisirain mo lang ang gabi ko.Diyan ka na nga”singhal niya sabay talikod rito.Simula pa noon lagi na lang silang nag-aaway at wala silang ginawa kundi ang magsigawan at magsinghalan. Ika nga habit na nila iyon. Pero bago pa man siya tulyang makalayo ay bigla na lang siya nitong binuhat.
“Ano ba! ibaba mo nga ako!”
“I’m sorry lady. I already warn you but you didn’t listen, and now whether you like it or not, you’re going with me to the party. No more buts.”sabi nito habang buhat buhat siya at diniinan pa ang “with me”. Patuloy lang siya sa pagpupumiglas dito habang sumisigaw pero para naman itong bingi dahil patuloy lang ito sa paglalakad papalabas ng pinto.
“Yaya!tulungan niyo ako!tumawag kayo ng pulis o kahit na ano!please yaya!help me”Humingi kaagad siya ng tulong sa kaniyang Yaya Lorna at sa iba pa nilang kasambahay dahil hindi talaga siya pinapakinggan ni Travis.
“Pero iha ka-“
“Don’t worry yaya Lorna, nothing will happen to her”inunahan na ni Travis ang matanda. Alanganing ngumiti naman ito.
“A-h okay Travis”anito habang ang ibang katulong naman ay panay ang bulungan at para bang kinkilig pa sa nasasaksihan.
“Yaya!don’t listen to this jerk. Please help me!” pagpupumilit pa rin niya. Patuloy lang siya sa pagpupumiglas pero wala na rin siyang nagawa dahil sa malakas talaga si Travis kaya hindi niya nagawang talunin ito. Nadala siya nito sa loob ng kotse ng hindi na pumapalag, pero parang pinagsakluban naman ng langit at lupa ang mukha niya dahil sa sobrang inis. Natalo na naman siya at ang worst pa ay wala siyang nagawa. Bad trip. Paano pa niya ma-eenjoy ang gabi kung tulyan na iyong nasira?Hays, ang malas nga naman niya basta ito ang kasama niya.
__
“Anong tinitingin tignin mo diyan?gusto mo tusukin ko yang mata mo?”nakasimangot na angil niya rito ng mapansin ang panay sulyap nito sakanya. Naiirita na siya sa ginagawa nito. She feels uncomfortable.
“Heto naman oh galit na naman.”nailing ito. “Masama bang titigan ko ang isang magandang katulad mo?”
Pinukulan niya lang ito ng masamang tingin. Wala siyang panahon para makipagbolahan dito. Wala siya sa mood lalo na ito ang kasama niya. Baka mamaya eh bigla na lang magdilim ang paningin niya at maihulog niya ito sa labas ng kotse.
“Huwag mo nga akong bolahin dyan! Talagang makakatikim ka na!”asik niya sabay baling ng tingin sa labas ng bintana .Hindi niya kasi kayang salubungin ang kakaibang pagtitig nito sakanyang mukha.Ang lagkit ng tingin nito na para bang inaakit siya.
“Sino namang nagsabi na binobola kita?”seryosong sabi nito at hinagod pa ang kamay niya na naging dahilan tuloy para mapatingin siya rito. Mukhang sincere naman ito sa sinabi nito. Pero ayaw niyang maniwala. Sine-seduce na naman siya ng mokong!At hinding-hindi siya papayag.
“Di ba ganun naman lagi ang ginagawa mo?Gusto mo akong laging nagmumukhang tanga dahil diyan sa mga pinagagawa mo, at isa pa kasalanan mo din kung bakit ayoko nang maniwala pa sayo, for you every thing is a play”aniya rito at ngumiti ng maasim. Bigla naman itong natahimik dahil sa sinabi niya. Nawala ang kanina’y mapaglarong ngiti sa mukha nito. Hindi siguro nito inaasahan ang mga salitang binitiwan niya rito. Pero iyon ang totoo. Kasalanan din nito kung bakit wala na siyang tiwala sa lahat ng sasabihin at gagawin nito. Alam niyang lahat ng iyon ay part lang nang pang-aasar at pang-gugudtime nito sakanya. Lahat ng bagay para rito ay isang laro. Hindi ito marunong mag seryoso.
“I’m sorry”maya-maya ay narinig niyang usal nito. Napalingon siya rito pero hindi ito nakatingin sakanya . He is looking straight at the road. Pero ramdam niyang nasakatan ito dahil sa mga sinabi niya.
Chapter 5 >>>>>


3 Response to My Lovely Mr. Right - Chapter 4
i love it... nkakabitin naman hahah,,,
haha bitin talaga!hanngang chapter 6 palang to!no ending!
haha bitin talaga!hanngang chapter 6 palang to!no ending!
Post a Comment