by Ayizh
Maya-maya pa ay bigla nitong inihinto ang kotse sa tabi. Tiningnan siya nito.
“Kate I know mahirap paniwalaan pero lahat ng pinapakita ko saiyo ay totoo. I maybe a playboy pero hindi ko kayang magsinungaling sa babaeng parte na ng buhay ko.”seryosong sabi nito sakanya habang titig na titig pa rin sakanyang mga mata. Hindi naman niya alam ang sasabihin. Tama ba ang naringin niya? Siya ba ang tinutukoy nito na babeng parte na ng buhay nito?
“T-ravis I don’t know-“hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng bigla itong magsalita. She felt her world stop for a while. Para siyang mauubusan ng hininga dahil sa unti-unti nitong paglapit sakanya.
“Hush…Honey, I understand. Hindi kita pinipilt pero sana paniwalaan mo ako”anito sa tonong para bang nahihirapan. She look at him in his eyes and she can see his sincerity. She doesn’t know what to do and what to think. Will she believe him or not? Ang alam lang niya ng mga oras na iyon ay malapit na malapit na ang mukha nito sakanya and she could not help but to close her eyes. He will kiss her.
“Kate…”
“T-ravis…” Unti-unti na sanang maglalapat ang kanilang mga labi ng bigla na lang may kumatok sa bintana ng kanilang kotse na naging dahilan tuloy upang magbalik sila sa tamang huwisyo.Agad ibinababa ni Travis ang bintana ng kotse at tumambad sa kanila ang isang pulis.
“Sir, pwede pakiayos ng parking niyo nakakaabala kasi kayo sa traffic eh marami ng nagrereklamo, sa ibang lugar niyo na lang ituloy iyan” nakangising sabi ng pulis at palipat-lipat pa ang tingin sa kanilang dalawa ni Travis na para bang alam na alam ang muntikan na sanang mangyayari sakanila. He should have kiss her kung hindi lang dahil sa traffic na ginawa nila. Nagkatinginan naman sila dahil sa sinabi nito at muling iniiwas ang tingin. Pakiramdam niya ay namumula ang mukha niya dahil sa kahihiyan at alam niyang ganun din si Travis.
“A-h e-h, pasensya na Sir”nabubulol na saad ni Travis rito at pinaandar na ang kotse. Nang makaalis na nga sila ay hindi pa rin sila nag-iimikan. She can feel the tension between the two of them. Hindi naman niya maiwasang hindi tingnan si Travis at pakiramdam niya ay tinitingnan rin siya nito. Hindi siya sanay na ganito sila katahimik at hindi nag-iimikan. Nasanay na kasi siya na lagi silang nag-aaway, nagsisigawan at nagsisinghalan.
‘Nakakainis talaga ang mokong!di man lang nagsasalita at nagsorry’sabi niya sa isip.
‘Ows, baka nabitin ka lang kasi hindi natuloy ang kiss niyo’ nanunuksong sabi naman ng isang bahagi ng kaniyang isipan.
‘Ako?hindi ah’tanggi naman niya. Maloloka na yata siya kasi pati sarili niya kinakausap na niya.
After 10 minutes of silence, sa wakas ay nakarating na rin sila sa party. Pagka-park pa lang ng sasakyan nito ay agad na siyang bumaba. Hindi na niya hinintay na ipagbukas pa siya nito ng pinto dahil hindi na niya kayang tagalan pa ang tensyon at wala rin siyang narinig na salita mula rito. Sa isip niya ay baka nararamdaman din nito ang tensyon sa kanilang dalawa. Agad siyang pumasok sa loob ng hotel at hinanap ang kuya Justine niya. Kailangan nilang magtuos dahil ito lang naman ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito ngayon. Habang hinanahanap niya ito ay hindi naman lingid sa kanya ang mga matang kanina pang nakasunod sa kanya. Naiilang tuloy siya. The party was so beautiful at lahat ng dumalo ay may kaniya kaniyang costume na suot. May nakasuot ng batman, spiderman, witch, fairy at kung anu-ano pa. Kanina nga ay may nagpakilala pa sakanya pero binalewala lang niya ang mga iyon dahil wala siya sa mood. She needs to find her brother at pagnakita niya ito ay talagang masasakal niya ito ng bonggang-bongga.
“Kuya! Andito ka lang pala!”tawag niya sa kapatid ng makita itong kausap ang isang babaeng naka costume ng catwoman. Iniwan muna ng kuya niya ang babae at agad lumapit sakanya. Nakasuot ito ng superman costume na talaga namang nagpakita ng taglay nitong kagwapuhan at kakisigan. Tiyak marami na namang magkakagusto dito at tiyak marami na naman itong paiiyakin. Kung sa trabaho ay seryoso ito, sa babae hindi. Mas malala pa kay Travis.
“Oh!little sister,bakit ngayon ka lang? ang tagal mo yata?” sabi nito habang nakangisi. Ang loko niyang kuya nagawa pang magbiro.
“Tse!bakit mo ako iniwan sa mokong na iyon?”asik niya kaagad rito.
“Mokong?iniwan?”nagmamaang-maangang turan nito. Kung hindi lang sana niya ito kapatid at kung wala sanang mga tao ay tiyak kanina pa niya ito nakutusan.
“Huwag ka na ngang magmaang-maangan kuya!eh di kanino pa kay Travis!”
“Ah kay best friend? Kamusta ang ride, happy ka ba?”tanong nito na para bang nakakatawa ang ginawa.
“Anong happy!nakakainis ka talaga”para siya masisiraan ng ulo dahil palusot pa rin ito ng palusot.
“By the way, nasaan na pala si Travis?”tanong nito. Muntik na naiyang malimutan, simula ng bumaba siya sa kotse ay hindi na niya ito nakita. ‘Nasaan na kaya iyon?’ Nagpalinga-linga siya sa paligid at hinanap si Travis
“Ako ba ang hinahanap mo?”sabi ng isang baritonong boses mula sakanyang likuran. Agad naman siyang napalingon at nakita ang nakingiting mukha ni Travis. He was smiling na para bang walang nangyari.
“Ikaw hahanapin ko? At bakit naman kita hahanapin?” pagmamaang-maangan naman niya pero pakiramdam niya ay namumula ang buong mukha niya dahil sa sinabi nito. He’s right, she was looking for him. Pero hindi siya tanga para umamin. Hindi rin niya magawang tingan ito ng diretso sa mga mata.‘What the hell is happening to me?’ naiinis niyang sambit sa sarili. Nawawala na naman siya sa katinuan ng dahil lang sa mga titig nito. Napansin na lang niya ang biglang pagtawa ng mga ito na ininataka naman niya.
“Why are you laughing?may nakakatawa ba sa sinabi ko?”nakataas kilay niyang sabi sa mga ito.
“Well, little sister napakadefensive mo kasi, obvious na obvious tuloy, diba bestfriend?” nakangising pahayag ng kuya niya sabay baling kay Travis na nakingiti lang at pinagmamasdan siya. Inakbayan pa siya nito at ginulo ang buhok na pinaghirapan pa niyang suklayin kanina.
“ Ah ewan, diyan na nga kayo!”sabi niya sabay tulak dito at padabog na naglakad papalayo. Hindi na kasi niya kaya pang tagalan ang mga titig ni Travis. Para siyang matutunaw at hindi naman niya alam kung bakit bigla na namang bumilis ang tibok ng puso niya. Everytime he look straight into her eyes all she want to do is walk away. Patuloy lang siya sa paglalakad ng may kung anong malaking bulto ang nabangga niya. Muntik na sana siyang ma-out balance kung hindi siya nito agad naagapan.
“O-oops, miss are you okay?”sabi ng lalaki habang nakahawak ang kamay nito sa beywang niya. Tiningan niya ito at nakitang titig na titig ito sakanya. The man is wearing a Batman costume and he is a real hottie. Kaso nga lang parang kakaiba ang dating ng aura nito sakanya.
“I-m sorry” sabi niya sabay layo agad dito dahil naiilang siya sa ginagawang pagtitig nito na para bang balak siyang kainin.
“No its okay, ikaw nasaktan ka ba?”sabi nito habang titig na titig pa rin sakanya. Kahit medyo kakaiba ang dating nito sakanya ay nahimigan pa rin niya sa boses nito ang pag-aalala.
“No, okay lang ako s-ige aalis na a-ko”sabi niya rito na hindi man lang ito tinitingnan at naglakad papalayo. Nawala ang ngiti nito sa mukha at bahagyang nagulat dahil sa ginawa niya.
“W-ait”tawag nito. Hahabulin pa sana siya nito ng may dalawang lalaking bigla na lang dumating at kinausap ito. Kaya ayun, hindi na siya nito nasundan pa.
‘Gwapo sana,kaso parang katulad din ni Travis' nailing niyang sabi sa sarili.
“Hey cousin! You look so gorgeous tonight!”nakangiting turan ni Elise at hinagod pa ng tingin ang buong kabuan niya na para bang hindi makapiniwala na siya ang kaharap nito. Pansamantala muna nitong iniwan ang mga kausap at nilapitan siya.Nakasuot ito ng pang-fairy at may magic wand pang hawak-hawak.
“You to cousin, you look like a real fairy”nakangiting ganti naman niya sabay yakap rito. Close talaga sila at ito ang maituturing niyang best friend at shock absorber niya pag may problema siya.
“So where’s your prince?”tanong nito matapos siyang yakapin.
“Prince?” takang tanong niya rito. “Sinong prince? Nakasuot lang ako nito, pati prince charming hinahanap mo na, ang OA mo ha”sabi niya at pinameywangan pa ito.
“Palusot ka pa cousin”sabi nito sabay pisil sa ilong niya. “Sino pa bang tinutukoy ko kundi ang love of your life si Travis, I saw him kanina at naka – prince costume siya ha! Ternong – terno kayo”
“Maghunos – dili ka nga! Fairy ka ba talaga o isa kang witch?” kinikilabutan naman niyang sabi dito habang ito naman ay kinikilig at patuloy lang ang panunudyo sakanya. Of all the man in world, bakit lagi na lang sa asungot na Travis na iyon siya pine-pair?
“Denial queen ka talaga”naiiling nitong sabi.
“Hi hon, andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap”sabi ng isang lalaking nakasuot ng spider man na bigla na lang sumulpot sa kung saan at hinalikan si Elise sa pisngi. Nginitian naman siya nito ng makita siya.
“Oh Honey,pasensya na ha kausap ko kasi itong pinsan ko”sabi naman ni Elise at gumanti rin ng halik rito . Patuloy lang sa paglalampungan ang dalawa na para bang walang ibang kaharap. Naiilang naman siya sa ginagawa ng mga ito kaya hindi niya napigilang hindi tumikhim para ipaalala sa mga ito na may kaharap ang mga ito.
“Ehem, baka nakalimutan niyo ng may tao dito sa harapan ninyo?”sarkastiko niyang sabi sa mga ito na naging dahilan upang matigilan ang mga ito sa ginagawa. Napatawa naman siya dahil parehong namula ang mukha ng magi to dahil sa pagkapahiya sa sinabi niya.
“Sorry Kate, alam mo namang super in love ako dito sa pinsan mo eh”natatawang pahayag ni Jade at kinintalan uli ng halik sa labi si Elise. Mahal na mahal talaga nito ang pinsan niya at saksi siya sa pagmamahalan ng mga ito.
“Okay lang iyon kuya Jade, pero sana huwag mong i-spoiled siyang pinsan ko ,baka mamihasa”pabiro naman niyang sabi rito. Napatawa naman ito sa sinabi niya habang si Elsie naman ay inirapan lang siya.
“Don’t worry I won’t, I want her to crave for me”sabi nito na naging dahilan tuloy para makurot ito ng labis ng pinsan niya.
“Ouch honey bakit naman oh?”nagrereklamo nitong turan habang hinhimas ang bahaging kinurot ng nobya.
“Crave for you?ikaw yata ang patay na patay saakin”sabi ni Elise na halata ang pamumula ng mukha. Agad naman itong niyakap ng nobyo na para bang isang maamong tupa. Hindi naman niya maiwasang hindi mainggit sa mga ito, mukha kasing ang saya-saya na ng mga ito kahit laging nag-aaway at nagpipikunan. Habang siya naman lonely sa lovelife niya.
“Oh sige maiwan ko na kayo baka langgamin ako sa sobrang ka-sweetan ninyo”nakangiti niyang turan sa mga ito at naglakad na papalayo.
“Maghanap ka na rin kasi”narinig na lang niyang sabi ni Elise.
Hindi na niya nilingon ang mga ito dahil baka ma-inggit na naman siya sa colorful lovelife ng mga ito. Patuloy lang siya sa paglalakad at habang naglalakad ay hindi niya naiwasang makita si Travis sa di kalayuan na masayang nikikipag-usap sa isang magandang babae. Nakasuot ang ang babae ng isang sexy costume. Hindi nga niya alam kung costume ba talaga iyon o hindi. Kitang-kita niya rin kung paano landiin ng babae si Travis at ang mokong mukhang enjoy na enjoy naman. Naiinis siya sa nasaksihan at hindi naman niya alam kung bakit.
Inalis na lang niya ang tingin sa mga ito at nagpatuloy na lang sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa may mini bar ng hotel na pinagdadarausan ng party. Medyo nasa sulok ito pero di naman kalayuan. Kitang – kita niya kung gaano nag-eenjoy ang lahat ng bisita maliban sakanya. Hindi rin niya alam kung bakit doon pa siya nagpunta, hindi naman siya iinom.
Chapter 6 >>>>>


No Response to "My Lovely Mr. Right - Chapter 5"
Post a Comment