by Jhenny Meyers
“HAAAAA???” nanlaki ang mga mata ni Yuri.
“Yuri…sino yan…” sumunod pala si Lee sa kanya.
“Ah…. S-sir wala po… nag.. s-susurvey lang…” biglang labas ni Yuri sa bahay. “Naku alam nyo manang…” inakbayan pa ng dalaga ang matanda. “Hindi na po namin kailangan ng maid. Saka medyo may edad na kayo ha… Wala ba kayong anak na maghahanap-buhay para sa inyo? Naku kung ako yan hahambalusin ko lahat yang mga anak ko na yan…” habang kinakausap ay hinatid ito papuntang gate. Hindi na nakasagot ang medyo may edad na babae. “Sige po… ingat po kayo….”
“Sino ba yun Yuri…” nakatayo ito sa may pintuan.
“Nagse-survey lang po sir…” Naglakad ito palapit kay Lee. “S-sir? SIR!!”
Bigla na lang bumagsak si Lee. Buti na lang at agad nitong nasalo ang katawan ng binata. Medyo mabigat ito pero nakaya niyang madala ang band leader sa kwarto nito. Marahil ay dahil na rin sa adrenalin rush kaya niya ito nagawa. Nang ihihiga niya na si Lee sa kama ay bigla siyang natumba at nadaganan siya nito. Muntik ng dumikit ang labi nito sa labi niya. Napayakap siya dito.
Totoo ba ito Yuri… Nasa harap mo na ngayon ang ultimate crush mo! Hindi lang kaharap… magkalapat pa ang katawan ninyo… sa isip isip niya
Naramdaman nito ang init ng katawan nito. Umungol si Lee. Itinulak niya ito palayo at inihiga ng maayos sa kama. Kinapa niya ang noo nito.
Nilalagnat si Lee…
Tumayo ito upang kumuha ng tubig at face towel. Inilubog niya ang bimpo sa tubig at piniga niya ito. Pinunasan niya ang noo ng band leader. Pagktapos ay ang mukha naman nito. Dahan-dahan niya ring pinunasan ang leeg nito. Nakatitig siya sa mga labi nito. Dahan-dahan niyang nilapit ang kanyang mukha sa mukha ng binata. Gusto niya itong halikan. Maya-maya pa’y gumalaw ang ulo nito na naging dahilan upang maglapat ang kanilang labi. Biglang tumibok ng mabilis ang kanyang puso. Hindi niya alam kung aatakihin ba sya. Matagal siya sa ganoong posisyon.
MInsan lang ‘to Yuri… Baka hindi na maulit pa!
Muling gumalaw si Lee. Pero sa pagkakataong iyon, bigla siyang niyakap ng binata. Lalong lumakas ang kabog sa kanyang dibdib. Hindi siya makahinga. Hindi niya alam kung dahil sa excitement na nararamdaman niya o dahil sa higpit ng yakap nito sa kanya.
“I love you Mariz…” ungol ni Lee.
MARIZ???
Bigla naman nitong inilayo ang kanyang katawan sa binata. Naalala niyang nalilink nga pala ito sa isang aktres.
Mariz Agoncillo?
Para namang dinurog ang puso niya sa narinig niya. Tatayo na sana siya ngunit biglang hinawakan ng binata ang kamay ni Yuri.
“D-don’t leave me… P-please Mariz…”
Sino ka ba Yuri para magselos. Papaalala ko lang sa ‘yo… Personal assistant ka lang… and the worst… nagpapanggap ka lang…
Patuloy nitong pinunasan ang binata upang bumaba ang lagnat nito. Dahan-dahan niyang hinaplos ang dibdib nito.
“Lee… bakit ba ko nagseselos… fan mo lang naman ako… isang baliw na fan na nagpapanggap bilang personal maid mo…” muli nitong inilubog ang face towel sa tubig. Tumayo siya at muling tinitigan ang lalake. “Lee… sana makahanap ako ng lugar sa puso mo…” at saka ito tumalikod.
Bigla namang dumilat si Lee pero hindi ito nakita ng dalaga. Pumasok na ito sa washroom para ayusin ang gagamitin ni Lee sa rehearsal.
Tumayo si Lee mula sa kanyang hinihigaang kama. Medyo maayos na ang pakiramdam niya. Pumasok siya sa kwarto kung saan nandoon ang mga stuffed toys at kung anu-ano pang regalo na binigay sa kanya ng mga fans niya. Nakita niya sa ibabaw ng mesa ang stuffed toy na hawak ni Yuri kanina. May nakita siyang maliit na card na nakasabit dito. Binasa niya ito.
For my one and only Lee…
I’m your crazy fangirl.
I love you soooo much.
Hope to have a dinner date with you.
Its meh
YURI ^_~
Napangiti siya sa nabasa niya. Bigla niya namang naalala ang mukha ni Yuri.
Siya nga yun!
Naalala niya ito dahil muntik na itong mabangga noong concert nila.
Baliw nga siya.. bigla na naman siyang napangiti.
“S-sir… Okay na po ba kayo?” bigla naman siyang nagulat ng magsalita si Yuri. Itinago niya sa kanyang likuran ang stuffed toy na bigay ni Yuri.
“O-ok na ko…” sagot ng binata. “T-tapos na ba yung pinagagawa ko sa’yo? I need to be there at 6!” sigaw nito at sabay inihagis niya ng palihim ang stuffed toy at humalo ito sa iba pang mga regalong nandoon.
“Mukha ngang Ok na nga kayo sir… Sungit nyo na ulit e…” tumalikod naman si Yuri pagkasabi nito.
Masungit? Masungit ba ko?
“Hindi ako masungit ha!!” lumabas ito mula sa kwarto na pinaglalagyan ng mga regalo.
Masungit pala ha…
“Bilisan mo diya Yuri! T-tapos… tapos linisin mo yung kwarto na yun!!”
“Yes sir….”
“T-tapos… hmmm… bilangin mo lahat yung regalo dun!!” pagkatapos nun ay muli itong humiga sa kama.
“Huwaaaat!!!” gulat na sabi ni Yuri. “Sir naman… Ang dami kaya nun…seryoso kayo sir?”
“You heard me, right? Bilangin mo lahat yun… isulat mo kung ilan ang stuffed toy…ilang ang stress ball… ilan ang cards… ilan ang letter… ilan ang mugs… ilang ang caps… Understood?”
Hindi ba parang sumobra naman ang sungit ko?
“O-opo sir…”
“Kung ayaw mo naman… madaling tumawag sa agency… madali akong makakahanap ng kapalit mo…” akma pa nitong kukunin ang celphone niya sa side table.
“Sabi ko nga sir madali lang gawin yan… don’t worry… 5 minutes lang yan…”
“Wow… talaga ha? Pano kapag hindi mo natapos ng 5 minutes yan?” bigla namang kumislap ang mga mata ng binata. “Hmmm… alam ko na… pag hindi mo natapos yan within 5 minutes… paliliguan mo ko…”
Sungit pala ha…
“Waaaaaaaaaaa… sir naman!! Nagbibiro lang ako…. Hindi ko kaya ng 5 minutes yan!!” binuksan pa ni Yuri ang pinto ng kwarto. “Tingnan nyo naman yan sir…. Parang smokey mountain…”
“Sige tatawag na lang ako sa agency… baka kaya pa ng iba yan ng 2 minutes lang…” akma naman itong da-dial sa kanyang fone.
“Sir naman… iba na lang… bakit hindi ba kayo marunong maligong mag-isa? Kapitbahay nga namin sir three years old pa lang naliligo ng mag-isa e… Kayo twenty-five na…”
“Wow… pati age ko alam mo ha… hmmm CRAZY FANGIRL siguro kita no?” kumindat pa ito sa kanya.
Ha… tingnan ko kung anong palusot ang gagawin mo…
“Ha? Bakit sir artista ka ba? Bakit hindi naman kita nakikita sa TV sir…” pagpapalusot ni Yuri.
Wow Lusot…
“Ibig mong sabihin hindi mo kilala si Lee Roy Cervantes?” kunwaring tanong nito.
“Hindi… basta sir… iba na lang…” tumulis pa ang nguso nito.
“OK… sige… pag hindi mo natapos yan within five minutes… Magiging dinner kita….”
“HAAA!!!???”
“I mean dinner date…”
Hahaha. Dinner.
“Okay sir… payag na kong maging dinner mo… este dinner date mo… kapag..!! Hindi ko natapos within five minutes…”
Which is impossible sa isip isip ni Lee.
“Shoot! Timer starts…. Now!”
Sumilip-silip pa si Lee sa uwang ng piinto habang kitang-kita niya kung paano nagmadali si Yuri sa pag-aayos ng mga regalo.
Teka Yuri… bakit ka ba nagmamadali? biglang sigaw ng utak ng dalaga. Gusto mo siyang maka-date diba? Sumali ka pa nga sa contest para lang maka-date siya! Pinagalitan niya ang kanyang sarili
Nagtatalo na naman ang pride at admiration ni Yuri.
PRIDE: Yuri… Hindi mo siya dapat makuha sa ganitong paraan! Sumali ka na sa contest… hintayin mo ang result!
ADMIRATION: Yuri… Bakit kailangan mo pang hintayin ang result? Abot-kamay mo na si fafa Lee!! Magpatalo ka na lang!
“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!”
“Time is up!! Baliw ka talaga!” natatawang sabi ni Lee.


No Response to "Idol Series: 4 M.U.L.A. – Lee - CHAPTER 3"
Post a Comment