0

The Necklace Chap 2

Published at 11:51 PM in


The Necklace
Written by: lady_phoenix
Previously:
            Tuluyan na ngang nagkahiwalay sina Nikki at Christian. At kung may isang aalis ay may isa naming nagbabalik. Walang iba kundi ang kababata ni Nikki na si Saion.

CHAPTER 2:
            Nagalit si Saion nang di nito makita si Nikki sa Hacienda Luisita. Naghintay ito nang napakatagal pero ni anino ni Nikki ay hindi nito nakita.
            “May kasunduan tayo na makikita ko si nikki ngayon pero di ka tumupad. Hindi mo din nagawang dalhin sya nung araw na dumating ako at pinalagpas ko iyon. Pero ngayon hindi na! Wag mo akong niloloko Manuel. Pag nalaman ko na may ibang lalaki yang anak mo magkapasensyahan na tayo!” Nawalan na ng galang na sabi ni Saion nang marinig nito na pinagkekwentuhan nina Margaret at Bettina si Nikki at ang sinasabi ng mga ito na boyfriend raw ng babae.
            “Pasensya ka na Saion! Hindi na mauulit ito.! At pagsasabihan ko si Nicky. Pinapangako ko sa’yo na pagdating na pagdating nya ay dadalhin ko kaagad sya sa’yo.” NAtutulirong paliwanag ni Manuel.
            “Dapat lang! Hindi birong pera ang inilabas ko para hindi malugi ang mga negosyo mo! Anumang oras maaaring magbago ang isip ko at kunin ko ang lahat ng kung anumang meron kayo d2 ngayon! Kaya kung ako sa’yo makikisama ako!.” Inis pa din na sabi ni Saion saka nagdadabog na sumakay ng sasakyan nito.
            Nagulat naman ang magkapatid na Bettina at Margaret nang mainit na ulo na sinigaw sigawan sila ng ama. ALam nila na dahil sa pinagkekwentuhan nila kaya umalis si Saion.
            “Kayo ang may kasalanan nito! Kung anu2 kasi yang lumalabas sa bibig ninyo! At pinabayaan nyong umalis si Nikki d2 kanina! Wala tuloy naabutan si Saion!” Galit na sabi ng ama.
            “Eh anu naman dad? Nandito naman tayo para i-entertain si Saion! Di hamak naman na kung ikukumpara kami dyan sa ampon ninyo eh wala siyang binatbat!” Di na napigilang sabi ni Bettina. Mlakas tlga ang loob nitong sagutin ang ama.
            “Shut up Bettina! Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na wag na wag mong babanggitin ang tungkol sa bagay na iyan! Anong gagawin mo kapag may nakarinig sa’yo?!” Pananaway ni Manuel.
            “So what papa? MAbuti pa nga na malaman nya at nang umalis na sya d2 sa bahay! Nang sa ganun ay mabaling naman sa amin anng atensyon ni Saion! Sa totoo lang hindi ko maintindhan kung bakit sya ang nagustuhan ni Saion!” Panlalaban ni Bettina. Bumuntong hininga ang don.
            “Hindi mo alam ang sinasabi mo Bettina. Kung alam mo lang na kailangan natin si Nikki para hindi mawala ang mga bagay na tinatamasa natin ngayon.” Sumasakit ang ulo na sabi ni Manuel.
            “what do u mean papa? Don’t tell me maghihirap na tayo?” Nahihintakutang tanong ni Margaret.
            “Tatapatin ko na kayo. Totoong malapit nang bumagsak ang mga negosyo natin at si Saion ang nagging susi para hindi tuluyang mangyari iyon. Binili nya ang halos lahat ng stocks ng kumpanya at ng hacienda at napakalaki ng pagkakautang ko sa kanya. Nagkaroon kami ng kasunduan na ipapakasal ko sa kanya si Nikki wag nya lang tayong pabayaan. Pero nag-iiba na ang pakikitungo nya sa akin ngayon. Unti2 na niya akong ginigipit at kung hindi ako papaya na ipakasal sila ni Nikki any minute kayang kaya nya tayong pabagsakin.” Naiiyak na nasabi ng Don.
            ”Pero papaanong nangyari yon daddy? Ok naman ang negosyo dati hindi ba?” Nagtatakang tanong ni Margaret.
            “I’m so sorry Bettina, Margaret. Nagkaroon kami ng katuwaan noon ng mga kaibigan ko at nagpunta kami sa isang casino bar. Nagpakalasing kami noon at wala kaming ibang ginawa kundi ang magsugal nang magsugal. Hanggang sa may isang lalaking lumapit sa akin. Hinamon niya akong itaya ang hacienda kapalit ng buong kumpanya na pag-aari ng pamilya nila. Lasing na ako nuon at padalos2 na sa pagde2sisyon. Naipatalo ko ang hacienda at sa pagnanais na makabawi ay itinaya ko ang lahat ng ari2an natin. Hanggang sa mawala na ngang lahat.” Tuluyan nang napaiyak ang Don. Hindi naman magawang magalit ng magkapatid sa kalunos2 na kalagayan ng ama.
            “Patawarin ninyo ako mga anak. Hindi ko gusto ang nangyari! Pinagsisisihan ko na ang lahat!” Para nang nababaliw na sabi ng dating don. Inalo2 naman siya ng dalawang anak na uhaw sa pagmamahal ng isang ama.

[ MYSTIC BAR AND GRILL… ]
            Nagpunta si Saion sa bar na iyon para magpakalasing. Kabi2la ang mga babaeng nakapulupot sa kanya. Inom lang ng inom ang lalaki dala nang sama ng loob. Hanggang ngayon alam niya na ayaw pa rin sa kanya ni Nikki. Patunay lang na hindi nito ninais makipagkita sa kanya at sa halip ay nakipagkita pa pala ito sa boyfriend nito.
            “Kumusta pare? Nakita mo na ba ang prinsesa mo?” Pagbibiro ni Bernard. Ang nag-iisang kaibigan ni Saion sa lugar na iyon dahil tanging ito lang ang nakaktiis sa ugali niya.
            “Hindi.! Hindi nagpakita sa akin ang walang hiyang babae na iyon! Hanggang ngayon ayaw pa rin niya sa akin Bernard! At alam mo ba sumama sya don sa boyfriend niya!” Lasing na nasabi ni Saion. Nakaramdam naman ng awa si Bernard para  sa itinuturing na kaibigan.  Kahit na masama ang ugali ni Saion ay alam niya na mahal talaga nito si Nikki.
            “Bakit kasi hindi mo na lang sya kalimutan pare? MArami namang babae dyan na magaganda rin naman. Matatalino at mayayaman ring katulad mo. MArami pang babaeng magkakandarap sa iyo kaya wag kang magpakabaliw dahil lang sa iisang babae.
            “Hindi! Hindi ako makapapayag na mawala sya sa akin! Kung kinakailangang pahirapan ko ang mga taong mahalaga sa kanya gagawin ko! Tatanggalin ko ang lahat ng yamang tinatamasa nila kung di sya magpapakasal sa akin!” Tuloy2 na sabi ni Saion.
            “At paano mo naming gagawin iyon? Kilala rin naman ang pamilya ni Nikki sa alta sosyedad na ginagalawan natin kya hindi mo din basta2 magagawa ang bagay na iyan.” Nasabi niya.
            “Iniisip mo pa lang ay nagawa ko na Bernard. Nagawa kong mahuli sa bitag ko ang papa ni Nikki. Lahat ng ari2an nila ay pag-aari ko na ngayon. Kaya wala nang magagawa si Nikki kundi ang pakasalan ako! Hahaha.” Nakangising tawa nito ska nito ikinuwento kung paano nito tinalo sa isang sugal ang daddy ni Nicky at kung paanong naayon ang lahat sa plano nito. Para na itong nababaliw. Masyado itong obsess.
            “Wala na akong pakialam kung hindi man niya ako mahal. Basta sa ayaw at sa gusto nya mapapasakin sya.”Huling nasabi nito saka ito nawalan ng malay dala nang kalasingan. Napailing na lang siya. Hindi niya alam kung may pag-asa pa na magbago ang kaibigan.

[ HACIENDA LUSITA… ]
          Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na ayokong nakikipagkita ka sa Christian na iyon?! Ginagamit ka lang niya! Tigilan mo ang kalokohan na iyan Nikki at makipaghiwalay ka na sa lalaking iyon.!” Galit na galit na sermon ng daddy niya sa kanya pagkarating niya sa bahay. Takot na takot naman siya na sagutin ito. Hindi siya katulad ng mga kpatid na matapang. Hindi niya kayang labanan ang ama. Tumahimik lang siya. At nagyuko ng ulo.
            “Bukas na bukas ay pupunta tayo kina Saion. Hihingi ka ng sorry sa kanya dahil sa hindi mo pagsipot sa dinner kanina.” Maya2 ay sabi ulit nito nang mapansin na wala siyang balak mangatwiran. Naalarma siya nang marinig ang sinabi ng ama. Ayaw niyang Makita ang lalaki pero kung yun lang ang makakatulong para kahit papano ay gumaan ang loob ng papa niya ay gagawin niya. Wala naman sigurong masama, makikipag-usap lang naman siya. Tumango na siya.
            Paalis na sana ito nang tawagin niya.
            “Papa. Sorry poh ulit kung sinuway ko na naman kayo. Pero gusto ko pong malaman ninyo na wala akong pnagsisisihan sa ginawa ko at nagging Masaya ang buong araw ko ngayon. Gusto ko rin pong malaman ninyo na wag poh kayong mag-alala. Wala na poh si Christian at pumunta na sya sa manila.” Malungkot na sabi niya saka inunahan na ito sa pag-alis. Napatulala naman ang si Manuel.

[ TELEPHONE CONVERSATION… ]
            “Hindi mo na kailangang mag-alala Saion dahil nandito na si Nikki at pupunta kami dyan bukas para magsorry sya sa’yo. Hinding hindi ka niya papahiyain dahil alam kong gusto nyang bumawi sa kasalanan niya sa akin. At may magandang balita ako para sa’yo. Wala na si Christian. Iniwan na niya si Nikki at pumunta na siya sa manila.” Pormal na sa pakikipag-usap na pagrereport ni Don Manuel.
            “Good. Mabuti naman kung ganoon, hindi ko na kakailanganing patahimilkin pa ang Christian na iyan dahil sya na mismo ang umalis sa dinadaanan ko. Nakaramdam siguro siya sa plano kong gawin kaya umalis. Hahaha” Nakangising sabi ni Saion. Nagulat si Manuel.
            “What does it mean Saion? Don’t tell me you are trying to kill Christian?” Nagugulat na tanong ni Manuel.
            “Sinabi ko naman sa inyo noon hindi ba Tito Manuel? Na tatanggalin ko ang kahit anumang tinik at hadlang sa pagmamahalan namin ni Nikki. Pasalamat ang Christian na iyan dahil hindi ko na kinailangang gawin pa iyon.” Saka ito nakakalokong tumawa.
            Kinilabutan si Manuel. Hindi makapaniwalang handing pumatay ng lalaki para sa kinahihibangan nito.

[ Hacienda Fortalejo ]
            Tuwang tuwang niyakap ni Saion si Nikki pagkakita nito sa babae. Hindi malaman ni Don Manuel kung maaawa ba siya kay Saion o hindi. Masyado itong sabik na sabik kay Nikki. Si Nikki naman ay hindi alam kung paanong ikikilos niya. Naaasiwa siya sa yakap ni Saion pero di naman niya magawang itulak ito dahil sa hiya. Nasa harap kasi sila ng papa niya at ni Senator Timbert.
            Iniwan na sila nina Senator Timbert at ng daddy niya sa sala. Asikasong asikaso ni Saion si Nikki at pinakita at pinagmalaki pa nito ang mga achievements nito sa kanya.
            Nalula si Nikki sa dami ng medals, trophy at awards na nakita niya. Lahat ng iyon ay mga achievements ni Saion hindi lang sa Philippines kundi maging sa ibang bansa. Hindi lang puro sa academics ang lahat ng iyan kundi pa din na rin sa iba’t-ibang klase ng sports katulad ng swimming,soccer,karate, taekwondo,martial arts, motor cross at gun shooting. Isa rin itong international model.Lahat na yata ay pinakyaw nito sa dmi ng talents nito. Parang bigla tuloy siyang nahiya sa sarili. Kahit kasi kalian ay hindi man lang niya nabigyan ni isang medal ang ama.
            “Ito ang mga medals na nakuha ko nuong nag-aral ako sa  Harvard university sa America. Lahat sila hangang hanga sa talino ko Nikki. Madaming babae ang naghahabol sa akin doon pero kahit isa sa kanila wala akong sineryoso dahil ikaw lang ang mahal ko Nikki.” Pagyayabang na may halong pagkaromantiko na pahayag nito. Kinabahan siya. Totoong hanggang ngayon pala ay hibang pa din ito sa kanya.
            “Syangapala. Tutal nandito ka na rin lang mabuti nang mapag-usapan na natin ang mga detalye tungkol sa kasal natin pagdating nila daddy, Nikki.” MAsiglang sabi nito. Nagulat siya.
            “Kasal? Anong kasal ang sinasabi mo?” Tanong niya.
            “Mga bata pa lang tayo alam mo nang pinagkakasundo na nila tayo hindi bah? Magpapakasal na tayo sa lalong medaling panahon Nikki. Ano pa ba namang hahanapin mo sa akin Nikki? Ibibigay ko ang lahat ng gusto mo. Aalagaan at mamahalin kita.” Panunuyo nito na hinawakan ang kamay niya.           
            Bumitaw sya sa pagkakahawak nito.      
            “Hindi pwedeng mangyari ang sinasabi mo. Bata pa ako at hindi kita mahal kaya hindi kita pakakasalan.” Natatakot man ay nasabi niya. Biglang nagbago ang ekspresyon nang mukha nito. Para itong nagging tigre sa bagsik. Kinorner siya nito sa pader.
            “At sino ang pinagmamalaki mo ha? Yung boyfriend mo na nagtitinda lang ng isda sa pelengke? Wag mo nga akong patawanin? Anong mapapala mo sa walang kwentang lalaking katulda niya? I’m a million times better than him Nikki!” Pagmamalaki nito.
            “Mas nakakalamang ka nga pero dito sa puso ko milya2 ang layo niya sayo!” Pagtatamapang niya nang laitin na nito si Christian. Dahil naman sa galit nito ay pinuwersa siya nitong halikan. Hindi siya makapan laban hanggang sa natadyakan niya ang ano nito at nagtatatakbo siyang umalis.
                       

. [ Hacienda Luisita.. ]
       Pinahiya mo na naman ako kanila Senator Fortalejo! At dinala mo pa ang kotse! Anong pumasok dyan sa kokote mo at bigla ka na lang umalis nang hindi nagpapaalam?!” Galit na galit  na  naman na panenermon ni Don Manuel sa kanya. Sya naman ay umiiyak lang.
            “Pinagtangkaan niya ako ng masama Daddy.” Umiiyak na pagtatapat niya. Natigilan ang Don. PArang nakunsensya pero agad ding pinatigas ang sarili.
            “Wala naming masama dahil ikakasal na rin naman kayo Nikki.” Matigas na sabi nito.
            “Sinasabi nyo pong walang masama doon papa? At bakit nyo po ako ipapakasal sa ganuong klaseng lalaki? Ayaw ko po sa kanya papa! Si Christian lang ang mahal ko!” Pagsigaw niya saka nabiglang nasampal siya ni Don Manuel. Parang ito man ay nagulat sa ginawa nito.
            “Sa ayaw at sa gusto mo magpapakasal ka sa kanya. Wala nang ibang lalaking nararapat para sa’yo kundi sya lang at naniniwala ako na matututunan mo rin syang mahalin. Kung ayaw mong ikulong kita sundin mo ang sinasabi ko.” Pagmamatigas pa din ng ama saka siya iniwan sa kwarto.
            Nag-iiiyak naman sya pag-alis nito. Nahiga iya sa kama atska malungkot na tiningnan ang picture nila ni Christian sa beach.
            “Christian. Nasaan ka na bah? Miss na miss na kita…” Saka siya nakatulog na yakap2 ang picture.

[ Meanwhile... ]
            Nakarating na ng manila si Christian. Totoo ang mga sinabi ni Nikki noon. Napakaganda nga ng Manila. Maraming mga buildings at maraming opportunity. Pero hindi niya Makita ang mga opportunity na iyon dahil heto sya at nakakulong sa isang trabaho na wala siyang ibang pagpipilian kundi ang gawin.
            Nakilala niya ang Tito Chris niya. Ang kapatid ng ina niya n dati ring galling sa hirap at ngayon ay may kaunti na ring narrating sa buhay. Ang asawa nitong si Imelda na walang ibang ginawa kundi ang sumbatan siya sa pagpapatira ng mga ito roon sa kanya at ang dalawang anak ng mga ito na sina Charles at Darwin na panay ang utos at paninigaw sa kanya kahit na matanda siya ng dalawa at isang taon sa mga ito.
            “Hoy Christian! Bilisan mo nga dyan at tatanghaliin tayo rito! Wag kang babagal2 sa pagkilos kung gusto mong may makain mamaya!” Narinig niyang sigaw ng tiyuhin. Agad na siyang sumunod at binuhat ang mga mabibigat na karton na naglalaman ng mga products na ilalagay nila para sa bagong bukas na grocery ng mga ito.
            Ganuon ang kinahinatnan niya simula nung dumating siya sa syudad. Nagtatabaho siya para sa mga kamag-anak nang walang bayad. At iyon ay dahil sa nalaman niya na sa Tito pala niya napunta ang isinanla nyang lupa noon sa probinsya. Inobliga siya nitong magtrabaho dahil daw sa malaking utang niya na kailangan niyang bayaran. Noong una ay mabait ito sa kanya at nangako na tutulungan siyag umasenso pero unti2 itong nagbago. Ok lang sana sa kanya kung sa grocery lang siya magtatrabaho pero hanggang sa bahay ay sya rin ang nagsisilbing katulong ng mga ito at taga sunod sa mga utos. Hindi siya pinapayagang maghanap ng trabaho ng mga ito. Gawin daw muna niya ang obligasyon niya.
            Maggagabi na nang makauwi sila ng tito niya sa bahay. Dumiretso na siya sa kwarto niya sa maliit na attic pagkatapos niyang kainin ang sardinas na ibinigay ng tito niya sa kanya.
            Agad niyang kinuha ang picture nila ni Nikki sa ilalim ng unan. Makita lang niya ang picture at isipin lamang niya ito ay nawawala na ang pagod niya. Sa tuwing nakikita niya apicture ay lalo lamang siyang nagkakaroon ng determinasyon na umalis sa lugar na iyon. Magkaroon lang siya nang pagkakataon ay talagang aalis siya sa lugar na iyon. Hindi niya sasayangin ang pinag-aralan at lalong hindi niya sasayangin ang pagkakataon na ibinigay sa kanya ni Nikki. Sisiguraduhin niya na sa pagkikita nilang muli ay may narating na siya sa buhay.
            Bumalik sa ala2 niya ang una nila noong pagkikita. Kung paano silang napalapit sa isa’t-isa.         
            Natatandaan pa niya noon na hindi niya ito gusto noung una niya itong Makita. Napaka-easy-go-lucky kasi nito noon at madalas niya itong nahuhuling nagka-cutting. Para sa kanya isa lang itong tipikal na anak mayaman na walng ibang alam gawin kundi ang magpakasasa sa yaman ng magulang nito at gumawa ng mga bagay na walang katuturan. Sikat na sikat ito noon dahil isa itong cheerleader. Magaling sa mga sports bagama’t hindi nabibigyan ng mga medal at awards dahil madalas mag-back out. Napaka-unpredictable at lahat ng bagay na gusto nito ay ginagawa. Crush ito nang halos lahat ng lalaki sa campus nila noon kaya naman pakiramdam niya noon ay mas lalo lang nadadagdagan ang bilib nito sa sarili. Ayaw niya rito dahil pakiramdam niya kahit kalian ay hindi sila magkakasundo. Dahil serious type siya at ito naman ay bulakbol.
            Hanggang sa magkaroon siya ng problema sa school. May isang lalaking nayabangan sa kanya dahil napagsabihan niya ito tungkol sa mga kapabayaan nito na naging dahilan kaya nadamay sa isang parusa ang buong section nila noon. Kung hindi lang siya magaling kumausap sa mga teachers ay posibleng lahat sila ay bumagsak na noon. Dahil sa galit ng lalaki ay inabangan siya ng mga ito kinagabihan at walang awa na pinagtulungan siyang bugbugin. Akala niya noon ay mamamatay na sya hanggang sa Makita siya ni Nikki. Inalagaan siya nito at ginamot ang mga sugat niya kahit na hindi siya nito kilala. Pumayag rin ito sa pakiusap niya na wag na siyang dalhin sa ospital dahil sa bukod saw ala siyang pera ay ayaw pa niyang pag-alalahanin pa nuon ang mga magulang.
            Simula noon ay naging close na sila ni Nikki at nagbago ang pananaw niya tungkol rito. Kung sa school pala ay napakapalaban nito ay malambot pala ito pagdating sa pamilya nito. Nalaman rin niya ang vulnerable side nito na nagtutulak sa kanya para naisin na protektahan ito. Napakihinhin pala nito taliwas sa inaakala niya.
            Dito niya natutuhan kung paano ang ngumiti at sa kanya naman ito natutung mag-aral at magreview kahit papaano. Palagi itong nagpapaturo sa kanya ng mga assignments at dumadayo pa ito noon sa Senior Building para lang makisabay kumain sa kanya. Hindi makapaniwala ang lahat na naging magkaclose sila dahil sa layo ng personalidad nila. Doon rin niya narealize na sa kauna-unahang pagkakataon ay nagmahal siya ng ibang tao maliban sa mga magulang niya. Mahal na mahal niya si Nikki kahit na alam niya na malayo ang antas ng pamumuhay nila. Ayaw sa kanya ni Don Manuel kaya kahit gusto niya si Nikki ay hindi niya ito niliigawan at nanantili na lng siya bilang kuya kuyahan nito. Gusto niya bago niya sabihin ang nararamdaman para rito ay may karapatan na siya para mahalin ito. Pero may nangyaring hindi inaasahan kaya nagtulak iyon sa kanya para umamin na mahal niya ito…
            Nakatulog siya na yakap2 ang picture ni Nikki…
            Lingid sa kanya ay nakapasok si Charles sa kwarto niya. Nakita nito ang picture ni Nikki atsaka iyon binulsa.

[ Hacienda Fortalejo…  ]
                Nagulat si Nikki nang magising siya kinabukasan. Dahil katabi niya si Saion! Titig na titig ito sa kanya habang haplos ang mukha niya. Para bang hindi na ito natulog sa pagbabantay sa knya. Pero ang higit na nagpabigla sa kanya ay ang Makita na wala na siya sa sariling kwarto. Bahay na ng mga fortalejo iyon! Bigla niyang naalala ang nangyari kagabi. May pinainom sa kanya ang ama na naging sanhi kaya siya nawalan ng malay. Napapikit siya. Hindi makapaniwala na ipinagkakanulo na sya ng ama ngayon. Ano na bang nangyayari rito? Hindi ito dating ganuon.
            “Alam mo bang ito ang pangarap ko Nikki? Ang magising sa umaga na ikaw ang una kong nkikita. MAhal na mahal kita.” Parang nahihibang na bulong ni Saion.
            “Anong ginagawa ko rito? Bkit ako narito?” Imbes na kiligin ay natatakot na tanong niya.
            “Dahil d2 ka na muna hanggang sa maikasal na tayo bukas. Hindi ako makapapayag na matakasan mo pa ako.” Seryoso nang sabi nito.
            “Hindi ko na gagawin iyon Saion. Tanggap ko na na wala na rin naman akong ibang magagawa kundi ang magpakasal sa’yo. Hindi mo na kailangang matakot dahil hindi na ako aalis.” Pagsisinungaling niya.
            Biglang nagbago ang ekpresyon ng mukha nito. Tuwang tuwa sa narinig mula sa kanya.
            “Sinasabi ko na nga ba at darating ang araw a matatanggap mo kung ano ang kapalaran mo Nikki eh. Hinding hindi ka magsisisi. Hinding hindi kita pababayaan.” Sinserong sabi nito atsaka tumayo.
            “Ikukuha lang kita ng almusal Nikki. At tatawagan ko na din ang daddy mo. Magandang balita ito.” Saka na ito umalis.
            Sya naman ay nagmamadaling hinanap ang pitaka niya na nakita naman niya sa maletang inihanda siguro ng papa niya para kanya. Hinanap niya ang picture na naroon at tiningnan ang likuran niyon na may nakasulat na address. Picture iyon ng mama niya na ibinigay sa kanya ng kanyang yaya ising bago ito namatay. Hindi alam ng daddy niya ang tungkol sa bagay na iyon at nasabi sa kanya ng kanyang yaya na kapag raw napatawad na niya ang kanyang mama ay hanapin niya ito at bisitahin man lang daw niya.
            Hindi niya akalain na dadating ang araw na maiisip niyang puntahan ito. Bata pa lang siya ay itinanim na ng papa niya sa isip niya na kamuhian daw niya ang mama niya dahil iniwan raw siya nito at isa itong masamang babae. Isang prostitute daw ang ina at pagkatapos daw magpabayad sa papa niya ay wala raw pag-aalinlangan na iniwan siya nito.
            Nagpanggap lang siya noon na galit sa ina bilang paggalang sa ama. Pero noon pa man ay nangungulila na siya sa pagmamahal ng isang ina at hindi siya naniniwalang hindi siya nito mahal dahil walang ina ang hindi nagmamahal sa kanyang anak. Marahil mas may malalim na dahilan pa ito kaya sya nagawang iwan at ito na ang pagkakataon niya para kilalanin ito.
            Hahanapin niya ito at pati na rin si Christian. Hindi siya makapapayag na magpakasal sa isang lalaking hindi niya mahal. Mamayang gabi niya gagawin ang pagtakas pagtulog na ang lahat.

[ HAPAGKAINAN… ]
            Bumisita ang Daddy niya at ang dalawa niyang ate sa mga Fortalejo. Sabay silang kumain at masayang masayang nagkekwento si Saion tungkol sa mga detalye ng kasal habang ang mga ate niya naman ay halatang nagngingit dahil parehong may gusto ang mga ito kay Saion simula noong mga bata pa lang sila. Sya naman ay tahimik lang.
            “Wag na wag kang gagawa ng kalokohan Nikki kung ayaw mo na malintikan sa akin!” Babla sa kanya ng ama nang mapansin na tahimik siya. Kinabahan naman siya. Nababasa ba nito ang naiisip niya?
            “Tito Manuel wag nyo na hong takutin si Nikki. Nakapagbitiw na siya ng salita kaya naniniwala ako na hindi nya sisirain ang ipinangako niya. Hindi ba baby?” Nakangiting sabi nito atsaka siya hinalikan sa pisngi. Hiyang hiya naman siya.

[ Kinagabihan..  ]                       
          Tulog na tulog na ang lahat maging ang nasa tabi niya na si Saion nang maisip niyang gawin ang plano. Pinagbuhol2 niya ang mga damit at iyon ang ginamit niya pababa. Sanay na sanay na siyang gawin ang bagay na iyon dahil ganun ang ginagawa niya pagka gusto niyang gumimik.
            Walang kahirap2 na nakababa siya pero ang hindi niya napaghandaan ay ang asong sumalubong sa kanya at malakas na tumahol ito na naging sanhi para malaman ng lahat na nakatakas siya. Nagbukasan ang lahat ng ilaw sa hacienda at nataranta ang lahat.
            Umakyat siya sa puno para magtago. Kumabog ng malakas ang dibdib niya nang matanaw niya si Saion na galit na galit na hinahanap siya. Nawindang siya nang barilin nito ang isa sa mga tauhan nito sa sobrang galit. Nabalot ng takot ang buong katawan niya at hindi makapaniwala na kaya pala nitong pumatay ng tao, higit pa pala itong mapanganib kaysa sa inaasahan nya. Binitbit ng mga tauhan nito ang kasamahan nila na napatay ng amo. Para naming walang halaga kay Saion ang buhay ng mga tauhan nito at balewala rin lang d2 ang pumatay. Hindi niya makakayang pakasalan ito kahit kalian. Dahil pag ginawa niya iyon para na rin siyang nagpakasal sa isang demonyo. Nkahinga siya nang maluwang ng umalis na ito para hanapin siya sa ibang bahagi ng hacienda.
            Bumaba na siya dala2 ang kakaunting gamit na laman ng bagpack niya. Malapit na siya sa tagong gate ng villa nang Makita niya ang daddy niya at ang mga kapatid kasama ng iba pang mga body guards. Nagtago sya dahil alam niya na kapag nakita siya ng mga ito ay ibabalik lang siya kay Saion.
            “Anong gagawin natin ngayon dad?! Kapag hindi natin si Nicki hindi na tayo tutulungan nina Saion sa mga negosyo mo! Ayoko pang maghirap daddy! Hindi ko kayang mabuhay sa hirap!” Natatarantang sabi ni Margaret na narinig niyang nagsalita.
            Ano kamo? Sila maghihirap na? yun kaya ang dahilan kaya ganuon na lang ang pagtutulak ng ama sa kanya papunta kay Saion? Kung ganoon para pla siyang ibinebenta ng sariling ama.
            “Hindi Margaret! Hindi makakatakas si nikki! Hindi tayo maaaring maghirap! Sa ayaw at sa gusto niya ay kay Saion din ang punta niya!” Narinig niyang nasabi ni Don Manuel.
            “Bakit kasi hindi nyo na lang sya pabayaan daddy! Ako na lang ang ipakasal nyo kay Saion sigurado naman ako na magagawa ko naman na paibigan sya.! Wag nyo nang isipin si Nikki hindi nyo naman sya totoong anak!” Hindi pa rin makaintindi na sabi ni Bettina.
            Nagulat siya sa narinig. Hindi siya totoong anak ng ama?
            “nababaliw ka na ba? Walang ibang gusto si Saion kundi si Nikki lang! Kaya nga nagawa nya na gipitin tayo hindi ba? Kailangang Makita natin si Nikki kung ayaw nating magdildil ng asin!” sabi ni Manuel.
            Hindi na niya nkayanang pakinggan pa ang pinag-uusapan ng mga ito at umalis na siya. Tuloy2 lang ang pag-agos ng luha niya.
            Ang pamilya pala na kinilala niya sa buong buhay niya ay hindi pala niya kaano2. At ang pagmamahal pala na ipinakita sa kanya ng ama ay hindi rin pala totoo. Mahal na mahal niya ang mga ito maging ang dalawang kapatid kahit na walang hinangad ang mga ito kundi kapahamakan at kasiraan lang niya. Ang sakit2 pala kapag tinalikuran ka ng sarili mong pamilya. Wala na siyang lugar sa pamilya niya. Wala na ring dahilan para manatili pa siya.
            Nahaplos niya ang necklace na ibinigay ni Christian at pinilit niya ngumiti.
            ‘Ganyan nga Nikki. Ngumiti ka lang.’ Naaalala niyang madalas sabihin nito noon sa kanya sa tuwing umiiyak siya. Kaya hindi na siya iiyak dahil alam niya na ayaw nitong malungkot siya.
            Tumayo na siya at pumunta sa likod ng hacienda. May kataasan ang pader na iyo pero yun lang ang nag-iisang bahagi sa hacienda na wlang body guards. Nakaya niyang akyatin iyon.
            ‘grabeh nikki pasado ka nang maging akyat bahay gang! Ang galling mo sa akyatan eh!’ Naalala na namamn niyang sinasabi ni Christian noon sa tuwing tumatakas sila para mag-disco.
            Hindi talaga niya ito makalimutan at lahat ng bagay ay nagpapaalala sa kanya rito.
            Nakasakay siya sa barko nang walang nakakahuli sa kanya. Tuluyan na niyang nilisan ang bayan ng San Felipe..

               
TO BE CONTINUE…
UPNEXT….
Nakaalis na si Nikki sa San Felipe. Mahanap kaya niya ang hinahanap na ina at ang lalaking pinakamamahal na si Christian? At abangan ang malaking pagbabago na magaganap sa buhay ni Nikki bilang Nico
                                                                                                                
           

Spread The Love, Share Our Article

Related Posts

Post Details

No Response to "The Necklace Chap 2"

Post a Comment