0

Idol Series: 4 M.U.L.A. – Lee - CHAPTER 1

Published at 4:00 PM in


by Jhenny Meyers

           


Magulo. Maingay. Siksikan. Hiyawan. Ayan ang nagaganap sa paligid ni Yuri sa mga sandaling ito. Pero sa kabila nito, kaysa mainis siya ay nag-eenjoy siya. Sino nga ba ang hindi mag-eenjoy? Heto yata ang first major concert ng 4MULA na kinabibilangan ng apat na nag-gagwapuhang mga lalake.



Si Miguel Ibañez or Miggy on Piano and he is also the rapper. Ulysses Miranda on drums and he is also good in beatboxing. Lee Roy Cervantes is the lead vocalist. Siya rin ang band leader ng grupo. He is also the lead guitarist. Lastly, si Arthur del Castillo or Art on bass guitar and also on vocals.
           
Pero sa apat na miyembro ng 4MULA, mas kinikilig si Yuri kay Lee. Sa tuwing ito na ang magpeperform, kulang na lang ay mapatid ang lahat ng litid sa kanyang lalamunan kakatili. Lalo na ng kantahin niya ang English version ng “Wedding Dress” ni Taeyang.

“More!!!” mas malakas pa yata sa mga barker ng jeep ang boses niya.

“Thanks so much everyone for being here. Our first major concert is a success because of your endless support!!” tinig ni Lee ang pumaimbabaw. Kulang na lang ay himatayin si Yuri lalo na nag flying kiss pa ito sa gawi niya.

“Marry me Leeeeeeeeeeeeee!!” muling tili ni Yuri.

"As if naman….” Tinirikan naman siya ng mata ng isang fan na katabi niya.

“Hay naku… insekyora!” pagkasabi ni Yuri ay bigla siyang umirap. “I Love you Leeeeee!!!” lalo nitong nilakasan ang sigaw niya. Umirap na lang din ang babaeng katabi niya.


“We Love you!!” sabay-sabay na sabi ng grupo.

            
Parang wala sa sarili si Yuri habang papalabas siya ng concert ground. Pakiramdam niya ay nakalutang siya sa langit. Hindi pa rin siya maka get-over sa pinanood niya.
           
“Oh my gosh!!! Palabas na yung van ng 4MULA!!!” tili ng isang babae na bigla namang gumising sa lumilipad na diwa ng dalaga. Bigla siyang napatakbo malapit sa daraanan ng van ng grupo.
                      
“Ayyyyy!! “ tili niya ng makita niyang papalabas na nga ang van ng banda. 
            
“Arte!” sabi na naman ng babae na katabi niya kanina habang nasa concert.
            
“Pakelam mo ba? Maarte na kung maarte… mas maganda naman ako sa’yo!” inirapan niya ang babae.
            
“Ganun ba?” bigla naman siyang tinulak ng babae. Naging dahilan ito upang mapasubsob siya sa harapan ng van ng grupo.
            
Bigla namang nagsigawan ang mga tao dahil sa lakas ng pagkakabunggo niya sa van. Tinulungan siya ng security na tumayo. Pinagpag niya ang mga dumi sa damit niya. Bigla namang nagbaba ng bintana si Lee.
            
“Are you alright?” tanong nito sa dalaga. Nagtilian naman ang mga fans na nakakita. Hindi naman siya nakasagot agad. Napatunganga lang siya ng makita niya ang mukha ng band leader. Ngumiti ito sa kanya. “Be careful next time…” sabay taas nito sa kanyang bintana. Pagkatapos nun ay umandar na muli ang van. Hindi pa rin siya natinag sa kanyang kinatatayuan. Samantalang ang mga fans ay patuloy na hinabol ang van. Hindi naman maipinta ang mukha ng babaeng tumulak sa kanya.
            
“Be thankful to me… Kundi dahil sa kin hindi ka nila mapapansin!” bigla itong tumalikod kay Yuri at lumakad na itong patayo.


            
“HOY!!! Tulala ka na naman diyan girl!!” gulat ni Aika kay Yuri na kapapasok pa lang sa computer shop. Si Aika ay isa sa kanyang best friend. Nagbabrowse si Yuri ng mga pictures ng 4MULA. “Puro na lang yan ang pinagkakaabalahan mo girl! Ikaw ba ang presidente ng fans clubs nila?” kinuha nito ang upuan at tumabi sa kanya.
            
“Hindi ako ang presidente ng fans club… ako lang naman ang manager nila at ang asawa ni Lee.” Papikit-pikit pa ito ng sabihin niya iyo.
            
“Ay kaloka ka!! Sobra na yang obsession mo kay Lee. Asawa? O ASA PA?” diniinan pa ni Aika ang mga katagang iyon.
            
“Tingnan mo lang balang-araw… wag kang mag-alala ikaw ang brides maid ko…”
            
“’Che!! Ilusyunada ka ateh!”
            
Sabay silang nagtawanan.
            
“Best… samahan mo naman ako bukas…” pakiusap ni Yuri sa kanyang best friend.
            
“Saan na naman?? Hay naku ha! Mag-aabang na naman tayo sa labas ng dorm nila? Kaloka ka talaga! Alam mo hindi ko alam kung bakit pinagbibigyan kita e!” litanya ni Aika.
            
“Syempre best friend mo ko… sasama na yan…. Ganda ganda mo talaga today” pang-uuto pa ni Yuri.
            
“’Che! Wag mo kong utuin! Matagal ko ng alam na maganda ako! Hay naku!! Okay Okay… sige na… napapayag mo na ko…” umirap pa ito ng sabihin iyon…
            
“Yehey!!”
            
“Hmf… Die-hard fan ka talaga niyan… kaloka ka!”


            
Kinabukasan ay nagpunta nga sa bahay na tinutuluyan ng 4MULA sina Yuri at Aika. Dala pa nito ang stuffed toy na ibibigay niya kay Lee. Pagdating nila doon ay may mga fans din na nag-aabang.
           
“Miss…” kinausap ni Yuri ang isang fan na nakatalikod. “Lumabas na ba ang 4MULA?” humarap ito sa kanya. “IKAW?!” gulat na sabi niya dahil nakita niya na naman ang babaeng tumulak sa kanya noong papalabas ang van ng 4MULA. Tumirik naman ang mata nito ng makita siya.
           
“Alam mo miss ilusyunada… wala kami dito kung lumabas na sila! Humalukipkip pa ito.
            
“Aba!! Kaloka ‘tong babaeng palaka na ‘to ha!” pagkasabi ni Aika ay kinuyom pa niya ang kanyang kamao.
            
“Best… huminahon ka… Huwag kang papatol sa mga amphibians…” ngumiti naman ito sa babaeng kaharap. “Sige salamat na lang ate kokak!”
            
Inirapan na lang sila nito at nagtawanan naman sila sa naging reaksyon nito.
            
“Hayaan mo na Aika… endangered na yan… pag pinatulan mo pa… lalong magiging extinct…”

            
Bigla nilang napansin ang tilian ng mga fans malapit sa pinto ng dorm.

            
“Ayyyy Best!! Ayan na sila!!!” para namang balut vendor si Yuri sa lakas ng kanyang boses.
            
“Girl huminahon ka…. Dinig na dinig hanggang Japan yung boses mo… easy ka lang…” nawala na ang kausap niya dahil tumakbo na ito papunta sa 4MULA. “Kaloka!! Hangin na pala ang kausap ko dito!!”

            
“Thanks everyone for always being here…” boses ni Ulysses ang narinig ng fans. “Don’t forget that we will be having our fans day later at the mall… but we have a bad news… Wala po si Lee mamaya kase masama ang pakiramdam niya… pero tuloy pa rin naman po ito…” pagkatapos nun ay naglakad na sila papuntang garahe upang sumakay sa kanilang van.
       
“OMG!! Kawawa naman yung asawa ko Aika… may sakit daw…”
            
“Ay… super affected? Sa itsura mo ngayon parang ikaw ang may sakit…” nandoon pa rin sila samantalang ang ibang mga fans ay nakaalis na at pasugod na sa mall. Nagsimula na silang lumakad palayo sa dorm.
            
“Best…” bigla itong huminto at kitang-kita ang kislap sa kanyang mga mata.
            
“Ay naku girl… kapag ganyan ang itsura mo alam ko may naiisip kang out-of-this-world eh… Hay naku uuwi na ko… nakakatakot na yung itsura mo.” Nagmamadali ito lumakad.
            
“Sandali!!” hinawakan nito ang braso ng best friend. “Samahan mo ako bilis…” hinatak nito ang kanyang kaibigan pabalik ng dorm.
            
“OO sasamahan na kita sa mall! Pero doon ang papuntang mall hindi dito.” Kumunot ang noo ni Aika sa pagtataka.
            
“Basta!”

Spread The Love, Share Our Article

Related Posts

Post Details

No Response to "Idol Series: 4 M.U.L.A. – Lee - CHAPTER 1"

Post a Comment