“Good morning po ma’am Cassey… My name is Kikay… just calling me Ate Kiks. Ako po muna ang mag-aasisakaso sa inyo.” Pagpipilit ni Kikay mag-ingles. Siya ang binigay na personal maid ng kanyang ninang.
Ipinatong nito ang isang tray ng pagkain sa side table.
“Thank you Ate Kiks…” ngiti nito “nasaan nga po pala si ninang?” tanong nito matapos uminom ng kaunti sa orange juice.
“Hay naku ma’am Cassey… She go back to Manila. She don’t want to disturbing you kaya she not wake you.” Balu-baluktot na sabi ni Kikay.
Natawa naman si Cassey sa personal maid dahil sa pagpipilit nito mag-ingles pero natutuwa siya dahil masaya ang gising niya.
“Ma’am Cassey, if you need a helping hands… I giving my two hands… just enjoy you’re meal and thank you come again…” nakapamewang pa si Kikay habang sinasabi ito.
“Hay naku Ate Kiks nakakatuwa ka talaga! Sure…. Tatawagin kita pag kailangan kita. Salamat sa breakfast ha…” pagkatapos nun ay kinagat niya ng maliit ang isang clubhouse sandwich.
“No problem Ma’am Cassey… Enjoy your staying and have a great time…” pakembot pa itong lumabas ng kwarto ni Cassey.
Lumabas na ng house resort si Cassey. Nakasuot siya ng Dolce and Gabbana mini shorts at Robert Cavalli floral pink dressy top. Lalong nakita ang kaseksihan niya. Habang naglalakad siya sa pinung-pinong puting buhangin ng isla ay naalala nya ang kanyang Christian Dior Ondine S sunglasses. Gusto niya sanang balikan ito sa house resort pero tinamad na siya kaya ipinagpatuloy niya na lang ang kanyang paglalakad. Pinagmasdan niya ang grupo ng kalalakihan na nag bebeach volleyball habang naglalakad.
Bigla niyang naalala na isa sa favorite sport nila ni Andy ay ang beach volleyball.
Di ba sabi ko sa’yo hindi mo na siya iisipin? Pinagalitan niya ang kanyang sarili sa muling pag-iisip ng tungkol sa binata. Enough is enough.
“Ouch!!” tili ni Cassey. Bumalik siya sa realidad ng tumama sa balakang niya ang bola at pinasukan ng buhangin ang kanyang mata.
“Miss… I’m sorry… Are you alright?” tuluy-tuloy na sabi ng isang malaking tinig.
“Im fine… napuwing lang ako… but ill be alright…” paninigurado ni Cassey pero may pagkairita sa boses nito. “ang sakit ng mata ko… hayssss” babalik na sana siya sa house resort.
“Miss… ill help you… hihipan ko yang mata mo…” hinawakan siya sa baba ng lalake habang nakapikit pa rin ang mata niya.
Dinilat niya ang isang mata niya “I said I’m…..” biglang napahinto ang dalaga. Biglang napadilat ang kaninang masakit na mata. Tila nakita siya ng isang multo. Parang dinadalaw siya ng multo ng kahapon. “I’m… fine… I need to go…” parang biglang nawala ang puwing niya sa mata. Ang kaninang iritasyon ay napalitan ng pagkamangha.
Nababaliw na ba talaga ako??? Pati mukha ni Andy nakikita ko kung saan saan!
Nilingon niya ang lalaki at napansin nito na hindi ito tumutinag sa kanyang kinatatayuan at nakatingin pa rin ito sa kanya.
Kamukhang-kamuha niya si Andy…
Mas malaki lang ng konti ang katawan nito. Mas dark ang complexion nito kay Andy at mas matangkad din siya ng kaunti.
But definitely he’s not Andy. Bulong pa nito sa sarili
Cassey!! Kala ko ba hindi mo na siya iisipin?
“Bakit ba kase hindi ko pa binalikan tong sunglasses ko. Hay naku… akala ko pa naman this day is a new day for me!” umupo siya sa isang rocking chair sa roof-deck. Tinanaw niya ang grupo ng kalalakihan na naglalaro pa rin. “Who the hell are you?” bulong niya sa sarili
“Ma’am Cassey! You are here already? Why!?” tanong ni Kikay sa dalaga. Sinimulan nito ang pagwawalis.
“Something amazingly happened earlier. Hay naku huwag na nating pag-usapan yun ate Kiks. Ano pong hinanda nyong ulam Ate?” paglilihis niya ng usapan.
“Your ninang say to me that you are like sinigang”
“Ate Kiks…. I like sinigang… pero I am not like a sinigang.!” Natatawang sabi ni Cassey.
“Whatever yaya!” pagbibiro naman ni Kikay at sabay silang nagtawanan
Another cold summer night… Anyway… hindi ko naman kailangan ng bagong love life… ang kailangan ko lang… peace of mind…
Naisip ni Cassey habang nakahiga siya sa kama at nakatingin sa mga bituin sa kisame. Biglang nagbalik sa kanyang alaala ang nangyari kanina.
Sino ka ba talaga?
Muling bumalik sa isip niya ang itsura ng lalakeng ito. Skinhead ang gupit niya. Nasa 5’11 ang tangkad niya. Kapansin-pansin ang ganda ng kanyang katawan at ang kulay ng kanyang balat ay kaakit-akit. Very manly in other words. Alluring yet so innocent. Familiar yet so mysterious.
Lord… naloloka na po ba ako? Tulungan nyo po ako…
Chapter 3 >>>>>

2 Response to Cold Summer Nights - Chapter 2
hahaha tama k dyan ms. roxie :)
kakatuwa naman c ate kikay....
Post a Comment