9

The Necklace - Chapter 1

Published at 10:30 AM in


The Necklace
written by: lady_phoenix
CHAPTER 1: 

Ilang araw na din simula nang mailibing ang mama at papa niya. Parehong namatay ang mga ito sa isang sunog na nagpayanig nang husto sa buhay niya.Napilitan siyang isanla ang bahay at lupa nila para lang maipalibing ang mga ito. Malapit na rin siyang pumunta sa manila para ruon magtrabaho.
Napakabait ng mga magulang niya nang nabubuhay pa ang mga ito. Kailan man ay hindi nag-away ang mga ito at sa kabila ng edad ay napaka-sweet pa din sa isa't-isa. Naging mabuti ring mga magulang ang mga ito para sa kanya kahit na mahirap lang sila. Sa tuwing maiisip niya ang mga ito ay di niya maiwasang mapaiyak.
Doon na dumating si Nikki. Parang napapahiyang nagpunas siya ng mga luha.
"Wag mu nang pigilan kuya Christian. Alam ko malungkot ka kaya bakit hindi ka umiyak? nand2 lang ako para sa'yo hinding hindi kita iiwan." Malumanay na sabi nito.
Doon na siya tuluyang napaiyak. Hindi na alintana kung lalaki man siya. Hinagod hagod naman nito ang likod niya para aluin siya...
Nang gumaan na ang loob niya ay saka sila naghiwalay ng yakap. Tumitig sila sa dagat at kahit walang pag-uusap na namamagitan ay para bang naiintindihan nila ang isa't-isa.
Maya-maya ay hindi ito nakatiis at nagsalita rin.
"Kuya Christian. Totoo ba na aalis ka na?" Narinig niyang malungkot na tanong nito. Hindi naman na siya nagtaka na nalaman nito. Mabilis namang kumalat ang balita sa lugar na iyon.
Mahinahon na siyang sumagot.
"oo nikki. totoo." malungkot rin na sagot niya.
"Pero paano na ako kung aalis ka? Sino nang magtuturo ng mga assignments ko? Sino na din ang makakasama kong magsimba tuwing linggo?" Nag-uumpisa nang umiyak na sabi nito. Para naman siyang maiiyak na rin nang makita ang luha nito. Ayaw niyang nakikita itong malungkot.
"Wag kang mag-alala Nikki. Babalik naman ako." Nasabi niya.
"Pero kailan pa? Wag ka nang umalis dito. Alam ko nabenta mo na ang bahay ninyo at wala ka nang iba pang kamag anak dito. Kaya kung gusto mo dun ka na lang sa mansyon namin tumira. Basta wag ka lang aalis kuya Christian, di ko kaya nang wala ka dito" Para nang desperadang sabi nito.
Pinilit niyang ngumiti.
"Hindi lang naman ako basta magtatrabaho doon para sa mga kamg anak ko. Maghahanap rin ako ng magandang oportunidad doon para magamit ko ang pinag-aralan ko. Gusto kong maging karapat dapat para sa’yo Nikki. Para pagbalik ko wala nang masabi pang kahit ano pa sa akin si Don Manuel. Gusto kong may mapatunayan hindi lang sa’yo at para sa sarili ko kundi para na din sa mga taong mahalaga sa’yo.” Sincere na sabi niya habang nakatitig ng diretso sa mga mga mata nito.
“Pero bakit mo gagawin yun Kuya Christian?” Naguguluhang tanong ni Nikki.
“Kasi mahal kita Nikki. Ngayong nasa tamang edad na tayo kahit papaano guto kong malaman mo na kung ano ba talaga ang totoong nararamdaman ko para sa’yo.” Hindi na niya napigilang sabihin. Halata naman niyang nagulat ito. Nagblushed at pagkatapos ay nagbaba ng tingin. Inangat niya ang mukha nito saka hinaplos iyon.
“Sabihin mo sa akin Nikki. Hindi mo ba ako mahal?” Nangangamba naman na tanong niya. Hindi ito kaagad nakasagot.
“Mahal din kita kuya Christian! Kahit na palagi mo akong pinapagalitan!” Nahihiyang sabi nito na nagpangiti naman sa kanya.
“Ayaw ko na tuloy umalis nyan. Pero kailangan nating maghiwalay sandali para sa ikabubuti rin natin Nikki.” Saka niya inilabas ang necklace na nakalagay sa bulsa niya atsaka niya isinuot iyon dito.
“Galing pa sa mama ko ang kwintas na iyan Nikki. Ang sabi niya ibigay ko daw sa babaing mamahalin ko balang araw. Gusto kong makitang suot mo pa din yan pagbalik ko at nagkita tayo ulit Nikki. Sana mahintay mo ako.” Sabi niya.
“Oo naman kuya Christian! Kahit anong mangyari hihintayin kita!” Saka sila nagyakap ulit.

[ HACIENDA LUSITA.. ]
Nakasalubong niya sa pagdating niya ang mga ate niyang sina Bettina at Margaret. Paakyat na sana siya sa hagdan nang harangin siya ng dalawa. Hindi niya kasundo ang dalawa noon pa man. Hindi niya alam kung bakit pero alam niya na mabigat ang loob ng dalawa sa kanila. Marahil dahil na rin sa sya ang paborito ng papa nila.
“Saan ka na naman nanggaling? Nakipaglandian ka na naman dun sa lalaking nagtitinda ng isda sa palengke! Hmp! No wonder malansa ka!” Nakataas ang kilay na sabi ni Bettina na umarte pa na inaamoy siya.
“Ate! Nakapagtataka pa ba naman iyon? Eh malandi ang nanay nyan kaya natural malandi rin sya! Nakakatuwa lang kasi hindi na namili ng lalaki! Dun pa sa hampaslupa pumatol! Pero sabagay talo naman pala kau kasi isa ka ring basura!.” Pang-iinsulto naman ni Margaret sa kanya.
            Hindi na siya kumibo. Lalagpasan na lang sana niya ang mga ito nang bigla siyang sinabunutan ni Bettina.
            “Wag na wag mo akong tatalikuran pag kinakausap kita!” Saka siya sinabunutan nito. Tinulungan pa ito ni Margaret sa pagsabunot sa kanya. Hindi naman siya makapalag. Ayaw niyang saktan ang mga kapatid.
            Iyon ang eksenang naabutan ni Don Manuel. Galit na galit ito na inihiwalay siya sa dalawa.
            “What are you doing to your sister?! Bakit nyo sinasaktan si Nikki!?” Galit na naitulak ng Don ang dalawa palayo sa kanya. Sya naman ay nagtago na lang sa likod nito.
            “Kasi ang bastos nyang makipag-usap sa amin papa! Sabi ko naman sa inyo eh! Dapat noon pa lang pinalayas nyo na dito ang babaeng iyan!” galit na sabi ni Bettina.
            “And why should I do that? She’s your sister! Your youngest sister! Dapat nga wala kayong ginagawa kundi ang protektahan sya eh! But look what you’ve done! Sinaktan pa ninyo sya! Hindi ko mapapalagpas ang ginawa nyong ito! Simula ngayon grounded kayo for 2 weeks at bababaan ko pa ang allowance nyo!” Maawtoridad na sabi ng Don. Shocked naman ang dalawa.
            “I can’t believe you’re doing this to us daddy! Simula pa noon palagi nyo nang kinakampihan ang babaeng yan! Samantalang kung tutuusin ay hindi nyo naman sya totoong------------!” Hindi na naituloy ni Bettina ang sasabihin nito sana dahil sinampal na ito ng Don.
            Nagulat sila sa nagawa nito. Nagtatatakbo sa iyak na umalis si Bettina at hinabol naman ito ni Margaret.
            “Are you alright Nikki? Sabihin mo lang sa akin kapag inapi ka pa ulit ng mga kapatid mo. Kapag inulit pa nila yan mas malala pa dyan ang ipapatikim ko sa kanila.” Concern at malumanay na sabi ng Don.
            “Ok na po ako Daddy. Pero sana di nyo na po sinaktan si Ate Bettina. Kawawa naman sya.” Mabait pa din na pagtatanggol niya sa kapatid.
            “You are really kind Hija. Kahit na ganyan na ang ginawa nila sa iyo eh pinagtatanggol mo pa din sila. But I can’t tolerate their wrong deeds hija. I can’t let them hurt you again and this is my only way to discipline them. Mabuti pa siguro at magpahinga ka na sa kwarto mo.” Saka siya inihatid ng Don sa kwarto niya.
            Nahiga siya sa kama. At nag-isip nang makaalis na ito.
            Siguradong mas lalo pang nadagdagan ang galit para sa kanya ng mga ate niya sa mga nangyari. Sa totoo lang ay nasasaktan siya. Mahal niya ang mga ito at ayaw niyang magalit sila sa kanya. Single parents si Don Manuel kaya hindi kataka taka na mag-agawan sila sa atensyon nito. Hindi naman niya masisisi ang mga ito dahil simula pa noon ay siya na ang palaging napapansin ng papa nila. Dahil doon ay hindi siya napalapit sa mga ito kahit na dalawa at apat na taon lang ang agwat ng mga edad niya sa mga ito.
            Maya-maya ay kumatok uli ang papa niya.
            “Anak ngayon na dumating mula sa America si Saion. Biglaan ang pagbabalik niya kaya gusto ka na kaagad niyang Makita. Kakatawag lang nila at gusto nilang pumunta tayo ngayon sa Hacienda nila.
            Bigla siyang natuliro pagkarinig sa pangalan ng lalaki. Nagpanggap siya na masama ang pakiramdam.
            “Masakit po ang ulo ko Daddy. Pasensya na po kayo hindi ko na po kayo masasamahan. Sina ate Bettina at ate Margaret na lang po ang isama nyo.” Pag-iinarte niya na nagtulakbong pa ng kumot. Hindi na ito nagpumilit nang mapaniwala sa kadramahan niya at umalis na lng kaagad ng mag-isa.
            Hindi niya gustong Makita sa Saion. Natatakot siya rito dahil spoiled brat ito at mainitin ang ulo. KAbabata niya ito pero kahit kailan ay hindi siya napalapit rito. Lahat kasi ng gusto nito ay gusto nitong palaging nakukuha at para bang pakiramdam nito ay batas ang bawat salita nito. Wala kasing tao ang tumatanggi sa bawat gusto nito.
            Naaala pa niya noong bata pa sila ay tinangka siya nitong halikan at nang tanggihan niya ito ay pinatay nito ang asong inaalagaan niya noon. Lahat din ng mga nagiging kaibigan niya noon ay inaapi nito kaya wala nang gustong makipaglapit sa kanya noon dahil sa takot na baka mapag-initan nito. Gusto nito na palaging sila lang ang magkasama at hindi siya mapalapit sa ibang tao. Simula noon ay nagkaroon na siya ng takot rito. Kaya naman laking tuwa niya nang makagraduate ito noong high school at napagpasyahan nito na sa states na magcollege. Pero ngayon bumalik na ito na malaki na ang narating sa buhay. Sana naman ay nagbago na ito at may girlfriend na ito nang sa ganun ay hindi na siya nito guluhin pa.
            Inisip na lang niya si Christian at automatic na nawala na ang pag-aalala niya. Iba talaga ito sa lahat. Maisip lang niya ito ay napapagaan na nito ang loob niya kahit wala itong kamalay-malay. Sa kauna unahang pagkakataon ay nakaramdam siya na ganuon para sa isang tao…

[ Hacienda Fortalejo.. ]
            “Tito Manuel, where’s Nikki? Why she isn’t here?” takang tanong ni Saion nang di nito Makita si Nikki sa kotse.
            “I’m so sorry Saion. Masakit daw ang ulo niya kaya hindi raw siya makakarating para salubungin ka.” Nasabi ni dOn Manuel.
            “Ganun ba. Alagaan ninyong mabuti si Nikki ayaw ko syang nagkakasakit.” Nasabi na rin nito bagama’t halatang disappointed.
            Agad na silang nag-inuman pagkapunta pa lang nila sa sala.
            “Kumpare pupunta na kame sa bahay ninyo para mamanhikan. Sabihin mo kay Nikki na magpaganda syang maigi para dito sa anak kong si Saion.”  Nakangiting sabi ni Senator Fortalejo. Ang daddy ni Saion. Nagulat siya sa sinabi ng mga ito.
            “Mamanhikan na kayo kaagad? Ni hindi pa nga naeenggage sina Nikki at Saion kumpare.” Pagtataka niya.
            “Wala na hong dahilan para patagalin pa natin ang bagay na iyan Tito Manuel. Hindi ba’t matagal na ninyong napagkasunduan ni papa na ipakasal kami ni Nikki? Ngayong may napatunayan na ako sa corporate world wala nang dahilan para patagalin pa ang pag-aasawa ko. Sawa na rin naman ako sa buhay binata. Gusto ko nang lumagay sa tahimik.” Nakangiting sabi ni Saion.
            “Pero bata pa si Nikki, Saion. Kakagraduate nya lang sa highschool at 2nd year college pa lang sya ngayon. Sa tingin ko hindi pa handa si Nikki para mag-asawa.” Apela ni Don Manuel.
            “Dyan naman ako hindi makapapayag Tito Manuel. Alalahanin mo may kasunduan tayo.” Nakangising paalala ni Saion na nagpakaba naman kay Manuel.
            “Alam ko iyon Saion. PEro hindi ko naman naisip na ganito kaaga. Ano ba namang kinatatakutan mo hijo? Walang dahilan si Nikki para hindi ka magustuhan. Gwapo ka, matalino at mayaman. Walang babaeng hindi magkakagusto sa iyo.” Pambobola ni Manuel.
            “Ibahin mo ang anak mo Tito Manuel. Iniisip pa lang niya alam ko na. Hindi ako makakapayag na mapunta pa siya sa iba. Wag kayong mag-alala dahil hindi naman kami mag-aanak kaagad. Gusto ko lang na maitali na sya sa akn para masiguro ko na hindi na sya makakawala pa.” Seryosong sabi ni Saion.
            Si Manuel naman ang kinilabutan sa nakikitang obsesyon ng lalaki para sa anak. Hindi niya alam kung tama ang ginawa niyang desisyon noon pa.
           
           
[ KINABUKASAN… ]

            Nagising si Nikki sa taas ng sinag ng araw. Naglilinis ang maid nila sa kwarto niya pero bakit parang ang aga naman yata. Nag-ayos na siya ng sarili at bababa na sana nang makakita ng magazine sa side table.
            BACHELOR magazine at nakafeature doon si Saion. May nakalagay na note sa ibabaw na basahin daw niya. Ang daddy niya ang nag-iwan niyon doon. Napabuntong hininga siya. HAlatang binibida talaga nito si Saion. Napilitan na rin siyang basahin dahil ayaw naman niyang suwayin ang pinakamamahal na ama.
            THE HOTTEST AND THE MOST SUCCESSFUL BACHELOR OF THE YEAR, SAION FORTALEJO ang unang description na nabasa niya. Nakalagay roon ang mahabang listahan ng mga naging awards at achievements ni Saion. Itinuturing na pala ito sa isa sa pinakamayaman at pinakabata na entrepreneur sa buong mundo at napakalawak at napakalaki na ng mga kompanyang hinahandle nito sa iba’t ibang panig ng mundo. Nakalagay rin doon ang mga iba’t-ibang babae na napabalitang girlfriend daw nito at puro mga sikat na personalidad ang mga iyon at nagulat pa siya dahil maging ang isa sa mga hinahangaan niyang Hollywood actress ay naging girlfriend din pala nito. Naisip niya na kung napapalibutan naman pala ito ng mga ganuong klaseng babae ay walang dahilan para maghabol ito sa wala namang maipagmamalaking babaeng katulad niya. MArahil ay nakaget-over na rin ito sa kanya. Napangiti siya sa ideyang makakawala na rin siya sa wakas sa galamay nito.
            Bumaba na siya nang matapos basahin ang magazine at mas nagulat pa siya sa bagong arrangements ng mansion sa ibaba. Abala ang lahat ng katulong sa paglilinis. Mukhang may darating na bisita.
            “Mabuti at gising ka na Nikki. Halika at maupo ka na rito at nang makakain ka na.” Alok sa kanya ng papa niya nang Makita siya nito.
            Dahan2 siyang umupo na nahihiya pa ring tumingin sa nakasimangot na ate Bettina at ate Margaret niya. Sinubukan niyang ngitian sana ang mga ito pero iniisnaban at inirapan lang siya ng dalawa.
            “Syangapala girls gusto kong magpaganda kayo mamaya at pakitaan nyo ng maganda sina Saion at Senator Fortalejo dahil bibisita sila dito mamaya. Ayokong may masabi sila sa atin, understand?” Panimula ng papa nila.
            “Do we hear you right daddy? Talagang pupunta dito si Saion? Grabe ang gwapo-gwapo nya sa Bachelor Magazine at sikat na sikat na sya ngayon! Kahit sa TV madalas banggitin ang pangalan nya! May girlfriend ba sya ngayon ha dad? Naitanong mo bah?” Super excited na tanong ni Bettina.
            “Kung wala ilakad mo naman ako Daddy! Purihin mo ako sa harapan niya dad!” Kinikilig naman na sabi ni Margaret.
            “Tse! Tumahimik ka nga! Gagang to uunahan mo pa ako! Ako na ang ilakad mo kay Saion dahil tutal kami naman ang magkaedad! I’m sure naman magugustuhan nya ako!.” Over confident na sabi ni Bettina.
            “Isang taon lang ang tanda sa akin ni Saion! Mas maganda ako saiyo kaya ako na ang ilakad mo papa!” Pakikiagaw ni Margaret. Sya naman ay tahimik na kumain na lang.
            “Pwede ba magsitahimik kayo!” Pag-awat ni Don Manuel sa pag-aaway ng dalawa. Natahimik naman ang mga ito.
            “Ayokong magpakita kayo ng ganyan sa harap ni Saion. Gusto ko pormal lang kayong kumilos maliwanag ba yun?” Bilin ng ama. Umuo naman ang dalawa.
            “Nikki. Gusto ko na ikaw ang mag-entertain sa kanya mamaya. Huwag mo akong pahihiyain.” Bilin sa kanya ng ama. Umuo na lang sya kahit may balak siyang gawin sa araw na iyon.

[ PALIHIM NA UMALIS SI NIKKI SA HACIENDA… ]
        Umalis siya para puntahan si Christian. Ngayon ang alis nito papuntang Manila. Napangiti ito nang Makita siya at hawak kamay pa silang nagsimba. Napatingin siya kay Christian habang nagdadasal ito nang mapayapa. Kumabog nang malakas ang dibdib niya habang tinititigan ang mukha nito na nakapikit pa at magkadikit ang dalawang palad. Napaka-cute nito. Singkit ito at maputi. Kahawig nito ang younger version ni ChoLo sa STAIRWAY to HEAVEN na paborito niyang kdrama. Unti unting nagdilat ang mga mata nito at nakangiting tinudyo siya nang mahuli siya nito na tinititigan niya ito.
            Namasyal pa sila pagkatapos magsimba. Nagpunta sila sa park. Sumakay sila sa mga rides, nagbowling at nagskating. Hindi na nila namalayan ang oras basta ang alam lang nila ay ang saya-saya nila.
            Hanggang sa malapit na ang paglubog ng araw.
            Oras na para umalis ito. Parang ayaw na niya itong paalisin nang pasakay na ito ng barko. Masyado na siyang nasanay na palagi itong kasama at parang di niya makakaya kapag nawala ito. Maisip lang niya na pagkakahiwalay na sila ay naiiyak na siya.
            “Mag-iingat ka doon kuya Christian ah! Wag na wag mo kong kakalimutang sulatan ha.?” Naiiyak na sabi niya. Hinaplos naman nito ang mukha niya at para bang kinakabisa ang bawat detalye niyon.
            “Mag-iingat ka rin dito Nikki. Wag na wag mong pababayaan ang sarili mo. Kumain ka ng tama sa oras at wag kang masyadong magpapagod. Pinapangako ko sa’yo na babalikan kita. Wag mo na rin akong tawaging kuya dahil may relasyon na tayo ngayon.” Bagama’t malungkot ay pilit na ngiti ni Christian.
            “Tama ka kaya sana wag mong kakalimutan na may girlfriend kang iniwan dito.” Pagbibiro na din niya.
            “Hinding hindi mangyayari iyon Nikki. Tandaan mo wala akong ibang babaing mamahalin kundi ikaw lang. Mahal na mahal kita.” Huling salita nito bago ito tuluyan nang naglakad ng mabibigat palayo sa kanya…
            At doon na huling magkikita sila Nikki at Christian…

TO BE CONTINUE..
UPNEXT…

Mapupunta na sa Manila si Christian. Papaano na si Nikki? Matutuloy kaya ang kasal na inihanda para sa kanya ng ama sa isang lalaking kinamumuhian niya? ABANGAN!










Spread The Love, Share Our Article

Related Posts

Post Details

9 Response to The Necklace - Chapter 1

Silent Dreamer143
May 16, 2011 at 12:08 PM

 waaah...nice one! welcome here lady!

-ayizh.......

beverlie
May 17, 2011 at 8:50 PM

 ang gnda po.. i enjoy reading it.. adik po kz aqoh sa pocktbook. hehe.. new lng po ako d2.. kelan nio po ipost ang nxt chapter..? and ilang chapter po lahat?

AdminJhenny
May 18, 2011 at 3:13 PM

hi beverly... nde ko pa po alam kung kelan ung update e... hintayin po natin si ms lady phoenix ^__^ sana ma update na soon :)) thanks for the support 

beverlie
May 18, 2011 at 3:18 PM

 ah .. cno po ba c ms lady phoenix? cenxa na po kz bgo lng ako dito..

beverlie
May 18, 2011 at 3:21 PM

ah ok po.. ^_^.. 

AdminJhenny
May 18, 2011 at 4:33 PM

 magaling na writer si lady phoenix... kaya abangan mo ang mga novels nya :))

May 19, 2011 at 6:51 PM

hi ganda ng story... bt bkt po ala ng update sa ibang story nyo???

May 27, 2011 at 12:41 AM

salamat at nagustuhan mo ms beverlie! :)

Villanuevabeverly
August 27, 2011 at 6:06 PM

di na po ba ito itutuloy..? syang nman po..

Post a Comment