15

Cold Summer Nights - FINALE

Published at 11:10 PM in

by Jhenny Meyers   


         
Nakaimpake na lahat ng gamit ni Yoona at Mackie. Nakabili na rin ang babae ng mga gamit para sa binata. Kumpleto na ang lahat mula sa t-shirt, sapatos, shorts and underwears. Hindi niya talaga hinayaang makalabas man lang si Mackie dahil baka makawala ito. Ipinaalam ng babae na ngayon na ang alis nila papuntang Seattle. Pero sa mga sandaling iyon ay lumabas si Yoona dahil may aasikasuhin lang daw ito. Dahil dito ay nakahanap ng pagkakataon si Mackie. Napansin niya rin na medyo nakakatulog ang nagbabantay sa kanya. Nakita niya ang lamp shade na nasa ibabaw ng side table. Kinuha niya ito at naisip niyang ipalo sa ulo ng nagbabantay sa kanya. Dahan-dahan siyang lumapit dito. Dumilat ito pero bigla namang hinampas ni Mackie ang ulo nito. Bumagsak ito sa sahig.
            
Tuwang-tuwa si Mackie dahil makakatakas na siya sa impyernong lugar na iyon. Kinuha niya ang kanyang celphone at wallet na nasa tabi ng nagbabantay sa kanya. Mabilis niyang tinungo ang pinto. Binuksan niya ito at nagmamadali siyang lumabas ng kwarto. Tinungo niya ang elevator. Biglang bumukas ng sabay ang dalawang elevator. Isang pababa at isang pataas. Laman ng isang elevator si Yoona. Gulat na gulat siya ng makita niya ito. Nag-aapoy naman ang mga mata ng babae na nakatitig sa kanya. Bigla siyang pumasok sa loob ng pababang elevator at pinindot niya ng paulit-ulit ang close button. Nagbalak naman si Yoona na pigilan ang elevator ngunit huli na ang lahat. Sumara na ito.
           
“God… Thank you!” usal ni Mackie. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya.            
            
Maya-maya pa ay nakarating na sa ground floor ang elevator. Nagmadali siyang lumabas ng gusali at nang makalabas ay pumara siya ng taxi. Sinabi niya sa driver ang lugar na kanilang pupuntahan. Kinuha niya ang kanyang celphone at sinubukan niyang tawagan si Cassey. Nagring ang telepono ngunit hindi ito sinasagot ng dalaga.
            
Answer the phone please Cassey…

Sinubukan niyang muling tawagan si Cassey pero sa pagkakataong ito ay nakapatay na ang celphone nito.

Nakarating na rin siya sa wakas sa bahay ni Cassey. Matapos niyang bayaran ang driver ay agad siyang nag-doorbell. Sinilip ng kasambahay ni Cassey kung sino ang tao. Nang makumpirma nitong si Mackie ang nasa labas ay binuksan ng kasambahay nila ang gate.

“Nandyan po ba si Cassey. Parang awa nyo na po kailangan ko siyang makausap…” sunud-sunod na sabi ni Mackie.
            
“Wala po siya dito. Pasensya na po.” At sinara na nito ang maliit na pintong gawa sa bakal.
            
“Please… parang awa nyo na po… Alam ko nandyan si Cassey…” umatras ito ng bahagya at tumingin siya sa bintana ng kwarto ni Cassey. “Cassey!!! Alam ko naririnig mo ko… Alam ko nandyan ka!! Please let me explain!!” pagmamakaawa ni Mackie. Umiiyak na ito.

Mula sa bintana ay kanina pa nakasilip si Cassey. Nagtatago lang siya sa likuran ng kurtina.
           
“Cassey!! I love you!! Ikaw lang ang mahal ko!!”

Walang nagawa ang dalaga kundi bumaba at harapin si Mackie. Walang mangyayari kung magtatago lang siya. Kailangan niyang sbihin kay Mackie na tinatapos niya na ang ugnayan nilang dalawa. Binuksan niya ang gate.

“My God… Cassey!” tila sabik na sabik itong nilapitan ang dalaga. Akma niyang yayakapin si Cassey ngunit sinalag ito ng dalaga.
            
“Why are you here? Everything is as clear as crystal Mackie…” matigas na sabi nito. “Kaya nga pala ako bumaba dito para tapusin na ang pakikipag-ugnayan ko sa’yo. Kinasusuklaman kita Mackie! Ang lakas ng loob mong ipadala sa celphone ko ang landian niyo ng EX mo!”
            
“What do you mean Cassey? I don’t know what you are talking about…”
            
Kinuha ni Cassey ang kanyang celphone at ipinakita niya sa binata ang mga larawan. Gulat na gulat si Mackie sa mga nakita niya.
            
“Pakana lahat ni Yoona ‘to! Alam mo bang ikinulong niya ko sa hotel… wala akong ginagawang masama Cassey… Alam mong mahal na mahal kita at hindi ko kayang gawin sa’yo yan.”

Biglang may pumaradang isang magarang kotse sa tapat nila. Iniluwa nito ang isang babae. Lumakad ito ng bahagya at may inilabas na baril mula sa kanyang bag.

“You think you can get away from me Mac?!” nanlilisik ang mata nito. Lumapit ito ng dahan-dahan sa kanilang dalawa.
            
“Yoona!!” parang nakakita ng multo si Mackie. “How did you know that I am here?”
           
“GPS my dear…” ngumiti pa ito sa kanila. “So… you wants to die first?” bigla niyang itinutok ang baril kay Cassey. Pareho silang nagulat sa ginawa nito.
            
“Yoona please… Leave Cassey alone… I will just go with you…” pagmamakaawa ni Mackie. Dahan-dahan siyang lumapit kay Yoona. Naisip niyang agawin ang baril dito. “I will go with you Yoona! Please leave her alone.”
            
“Don’t try to grab the gun from me Mac!” napahinto naman si Mackie sa paglapit. “What are you waiting for? Get inside the car! Now!!” nakatutok pa rin ang baril kay Cassey habang nakatingin ang babae kay Mackie.
            
“NO!!” sigaw ni Cassey. Napatingin si Mackie at si Yoona kay Cassey “I’m willing to die for him!” lakas loob na lumapit ang dalaga kay Yoona. “C’mon BITCH shoot me!!”
            
Nanginig bigla ang kamay ni Yoona at tuluyang pumatak ang luha nito.
            
“Arrhhhhhhhhhg!” sigaw nito. Muli niyang tiningnan si Mackie.
            
“M-mac… y-you know h-how much…. I-I love you…” nanginginig ang boses ni Yoona ng sabihin niya ito. “I-I’m really s-sorry….”
           
BANG!

Biglang umalingawngaw ang isang putok.

“No! Yoona!!” sigaw ni Mackie.
           
Bumagsak ang duguang katawan ni Yoona sa kalsada. Walang nagawa si Mackie kundi ang yakapin si Cassey. Mahigpit ding niyakap ng dalaga ang binata.
           
“Mahal na mahal kita Cassey… Patawarin mo sana ako.”
            
“Mahal na mahal din kita Mackie… Hindi mo kailangang humingi ng tawad… wala kang kasalanan… malinaw na sa akin ang lahat…”

Maya-maya pa ay dumating na ang mga pulis at ang ambulansya.




PROLOGUE 
            
“Happy Birthday Mackssey!” bati ng mga bisita sa anak nina Mackie at Cassey. Sabay pa nilang hinalikan ang anak nilang ipinagdiriwang ang unang kaarawan nito. Matapos nun ay nagging busy na ang lahat sa pagpipicture taking.
            
“Am I late?” Sabi ng isang babae na kapapasok lang sa pinto ng isang mamahaling restaurant. Inabot nito ang regalo niya para sa bata. “Inside that box is a BOMB!” sabay tawa nito ng malakas. “Just kidding..” nagtawanan naman ang lahat ng tao sa loob ng restaurant.
            
“I thought you cannot attend the party Yoona?” nakangiting tanong ni Mackie sa babae.  
           
“This is my godchild’s first birthday… so I cannot afford to miss this special day.” Nakangiting sabi nito. “Oh by the way, I’m with my darling… He just parked the car.”
            
“I’m glad you got here just in time…” sabat naman ni Cassey
            
“GPS my dear… we took the shortest way…” sabay silang nagtawanang tatlo.


Writer's note:

Salamat po sa pagsubaybay sa pag-iibigan nina Mackie at Cassey. Sana po ay patuloy nyong suportahan ang aming mga nobela. 


Pls click LIKE kung nagustuhan nyo po ang istorya... and pls rate nyo po by clicking on stars ^_^

Patatawarin nyo ba si Yoona sa mga nagawa niya? Gagawin nyo rin ba siyang ninang ng anak nyo? dont forget to leave you comments :))


You can choose Name and Url if you want to comment :)

Jhenny Meyers


Spread The Love, Share Our Article

Related Posts

Post Details

15 Response to Cold Summer Nights - FINALE

Lyn
April 24, 2011 at 4:26 AM

para namang pusa si Yoona... siyam ang buhay... humihinga pa pla siya... hahaha

April 24, 2011 at 4:34 PM

Guys if you dont have any available username or ID... you can choose "Name and Url" enter your name and you can include your email address or leave it blank... thanks so much... :)

April 24, 2011 at 4:35 PM

Tama ka dyan Lyn... 9 ang buhay ni Yoona XD

May 5, 2011 at 12:36 PM

Tama ka dyan Lyn... 9 ang buhay ni Yoona XD

Lyn
May 5, 2011 at 12:36 PM

para namang pusa si Yoona... siyam ang buhay... humihinga pa pla siya... hahaha

AdminJhenny
May 5, 2011 at 12:36 PM

ahhh kaya po pala... pero natutuwa po ako nagustuhan nyo ung novel ko... asahan nyo po na mas magiging maganda pa ang mga susunod na novels namin. ^_^ salamat sa support :))

Detweiller
May 5, 2011 at 12:36 PM

adminjhenny, marahil nasabi ko lang na bailis yung pacing ng story kasi nasanay ako magbasa ng mga ganitong story na umaabot ng mga 20+ chapters at minsan may season 2 pa. pero maganda pa rin yung story.

AdminJhenny
May 5, 2011 at 12:36 PM

detwiller... maraming salamat po at nagustuhan mo ung story... mejo napansin ko nga rin po na napabilis ko ung pacing nung story... sa totoo lang naisip ko na dapat may isa pang chapter bago ung finale... pero natutuwa po ako at nagustuhan nyo.... sana tuluyan nyo po kaming suportahan :)

Detweiller
May 5, 2011 at 12:36 PM

masyadong mabilis yung pacing nung story. di gaya ng inaasahan ko pero ok yung story. keep it up author

Dimalibot Claire
May 5, 2011 at 12:36 PM

AH opo!!! cge po aabangan ko po yan..

AdminJhenny
May 5, 2011 at 12:36 PM

:)

AdminJhenny
May 5, 2011 at 12:37 PM

salamat ms claire nagustuhan nyo po ung istorya... sana po suportahan nyo po ung next novel ko... ung idol series... thanks :)

Dimalibot Claire
May 5, 2011 at 12:37 PM

hmm.. okay nmn po yung story kaya lang medyo common na yung nilalaman nia..

pero GOOD job po..! galing niong gumawa nang story.
KEEP it UP!!..:">

AdminJhenny
May 5, 2011 at 12:37 PM

hi everyone... i already changed the comment box so you can comment easily :)

May 8, 2011 at 10:10 AM

san b nya bnaril self nya???? haha buhay pa din

Post a Comment