10

My Lovely Mr. Right - Chapter 6

Published at 10:40 AM in

by Ayizh

“Hi, mag-isa ka yata?” napalingon siya sa pinanggalingan ng boses na iyon at agad tumambad sakanya ang isang pamilyar na muhka. Well, pamilyar talaga sakanya ang mukha nito dahil ito lang naman ang lalaking nakabangga niya kanina. Nakangiti ito sakanya na para bang nagpapacute. Wala siya sa mood makipag-usap, pero dahil sa may manners pa rin naman siya ay nginitian na rin niya ito. Mukha namang harmless ang lalaking nakasuot ng Batman costume. Siguro nga ay kailangan muna ng isang "prinsesang" katulad niya ng isang makakausap sa katauhan ng batman na ito, kahit ayaw niya.


“Ah eh, hindi naman.”sagot na lang niya sabay inom sa lady’s drink na in-order niya kanina.

“Kung hindi, bakit wala yata akong nakikitang ibang kasama mo?”pamimilosopo nito at luminga-linga pa.

“Ah-eh kasi-“

“May nakapagsabi na ba sayong isa kang Dyosa?”sabi nito at bahagya pang hinawakan ang kamay niya. Nagulat naman siya sa ginwa nito. Kaya naman pala hindi maganda ang dating ng aura nito sakanya dahil isa naman pala itong bolero at mapresko. Isang kalahi ni Travis.

“Huh?are you kidding me?”sabi niya at binigyan ito ng sarkastikong ngiti. Pilit din niyang inaalis ang kamay sa pagkakahawak nito.

“You’re not just a princess, but a real goddess who stole my heart”madamdaming pahayag nito at hinawakan pa ang isang kamay niya. Naiinis naman siya sa ginagawa nito. Kung hindi lang siya pinalaki ng mga magulang niya ng may manners, baka kanina pa niya ito binuhusan ng inumin niya. Nagpakawala muna siya ng isang malalim na hininga bago nagsalita. She need to control herself and be nice kahit ayaw niya.

"Stole you heart?Mr, I don't even know you name baka gusto mo naman magpakilala muna?"nakangiti niyang sabi sabay alis sa mga kamay na hawak nito.

"Oh I'm sorry, I forgot to introduce myself, I'm Raven Arciega and you my Pretty Goddess?"pakilala nito sabay lahad ng kanang kamay sakanya.

“Katherine Gonzales or you if you want you can call me Kate”sabi niya sabay abot sa kamay nito. Hindi pa sana nito bibitawan ang kamay niya kung hindi pa niya iyon binawi.

“What a beautiful name for a beautiful lady like you” humahangang sabi nito at tinitigan na naman siya ng malagkit. Nagpatuloy lang ito sa pagpacute sakanya habang siya naman ay nakikipagplastikan na lang. Napakapresko kasi nito at akala mo kung sino. Tama nga ang hinala niya katulad din tio ni Travis.

“Want a dance?”yaya nito habang naglalakad sila sa gitna ng party. Halos lahat ng bisita ay masayang nagsasayawan kasama ang kani-kanilang kapareha. Sa sobrang lakas ng bandang kumakanta ay parang mababasag na yata ang eardrums niya.

“No, hindi ako marunong sumayaw”tanggi naman niya. Naiinis na siya dito ngunit nagawa pa rin niyang ngitian ito ng pagkatamis-tamis, yung tinatawag ika nga na sarcastic smile. Kanina nga ay nagpaalam na siya rito na aalis na para hanapin ang Kuya Justine niya, akala pa naman niya ‘pag ginawa niya iyon ay titigilan na siya nito.'Yun pala nagkamali lang siya. Panay pa rin ang sunod nito sakanya at hindi pa rin ito tumitigil sa pagpapa-cute . Naiinis na talaga siya, kailangan na niyang gumawa ng paraan para makalayo sa asungot na Raven na 'to. Luminga-linga siya at nakita si Travis na may kausap na isang magandang babae. Ito pa rin yung babaeng nakita niya kanina na lumalandi rito. Hindi na naman tuloy naiwasang uminit ng ulo niya dahil sa nakikita kaya walang dalawang isip ay lumapit siya sa mga ito at hinatak ang braso ni ni Travis. ‘Bahala na, I need to do this’

“Hi honey, kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala”.Nagulat naman ito sa ginawa niya, ganun rin si Raven at ang babaeng kasama ni Travis. Tiningan siya ni Travis na para bang nagtatanong at kitang-kita sa mukha ang pagkagulat. Pinandilatan na lang niya ito ng mata na nagsasabing “makisakay ka na lang”.

“Honey?boyfriend mo siya?”gulat na tanong ni Raven sakanya at pinasadahan pa ng tingin si Travis mula ulo hanggang paa.

“Yes, pare may problema ba?”taas noong sabi naman ni Travis ng makabawi na sa pagkagulat at mas hinapit pa ang katawan niya papalapit rito. Hinayaan na lang niya ito dahil sa isip-isip niya ay na-gets na rin nito sa wakas ang gusto niya. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na medyo naiirita na rin ito sa ginagawang pagtitig ni Raven na para bang minamaliit ito.

“W-ala”sagot nito at saka binalingan siya “I thought you were still single” Naiiling na pahayag nito na para bang nanghihinayang.

“Sorry, I forgot to tell you Raven”sabi naman niya.

“No, its okay I just thought… you know I like you pero may boyfriend ka na pala”sabi nito at ngumiti ng mapait saka binalingan uli si Travis. “You’re lucky man”

“I know, I’m lucky to have the Goddess of my life”nakangiting sabi naman ni Travis at kinintalan pa siya ng halik sa labi na ikinagulat naman niya. Para siyang makukuryente ng dahil lang sa halik nito. Pinagpanggap nga niya itong boyfriend pero hindi naman niya inaasahang hahalikan siya nito ng ganun-ganun na lang. Gustuhin man niyang mainis ng dahil sa ginawa nito hindi naman niya magawa. Parang masaya pa nga siya. 'Stop it Kate!this is just a play' suway niya sa sarili.

“So I think, I need to go now, good bye”paalam ni Raven sa kanila. Hindi naman niya naiwasang makaramdam ng pagkaawa sa lalaki habang mimamasdan ito papalayo dahil parang naging seryoso naman ito sakanya. Pero huli na at wala na rin siyang magagawa. Kakalas na sana siya sa pagkakayakap ni Travis dahil kakaiba na naman ang titig nito sakanya habang ngingit-ngiti nang bigla na lang magsalita ang babaeng kasama nito kanina.

“What the hell is the meaning of this Travis?!”paniniyak ng babae na bigla na lang natahimik kanina at parang ngayon pa lang na-absorbed ang mga pangyayari.

Spread The Love, Share Our Article

Related Posts

Post Details

10 Response to My Lovely Mr. Right - Chapter 6

AdminJhenny
May 5, 2011 at 12:36 PM

agree ako sau claire ^__^ super like ^__^

Dimalibot Claire
May 5, 2011 at 12:36 PM

SANA matapos na yung MLMR.!!

ganda. kasi.,,=)

Nezh
May 19, 2011 at 3:54 AM

hai poh san n poh ksunod nito?sayang nman ang gnda p nman poh ng story! 

Silent Dreamer143
May 20, 2011 at 1:56 PM

 Hi nezh! Sorry sa sobrang delay ng posting...but dont worry dahil tatapusin ko po ito...kaso nga ang di pa ako nakakagawa ng next chapter... pero po sana mahintay niyo pa rm...medyo busy po kasi ako eeh.but i'll post asap! ^_______^


---- AYIZH

Silent Dreamer143
May 20, 2011 at 1:57 PM

ate clairepasensya talaga sa delay pero pramis magpost agad ako asap!

Silent Dreamer143
May 20, 2011 at 1:58 PM

 hi admin!
sorry sa sobrang delay...
sobrang busy kasi eeh...
teka yung 4MULA mo...nasan next chapter?

Silent Dreamer143
June 2, 2011 at 3:37 PM

 thanks po sa mga nagbasa

-ayizh..


next chapter....

baka matagalan po...

-writer's block po kasi eehh=

Emjheyn
August 6, 2011 at 12:26 PM

wee..kakakilig naman..sana po matapos nyo na :)

Ayizh
August 16, 2011 at 6:13 PM

Hi there! sorry for not updating this..medyo busy kasi sa school...pero hayaan niyo po pag di na ako masyado busy ia-update ko po to..sorry for making you wait.... kailangan po talaga kasing mag-aral ng mabuti kaya di rin ako masyado nakakopen ng net..hope you understand po. Thank you! ^____^

Trisha
January 24, 2012 at 5:13 PM

nabitin ako , hehehe. sana matapos na next chapter. thanks for posting.

Post a Comment