4

Idol Series: 4 M.U.L.A. – Lee - CHAPTER 2

Published at 3:55 PM in

by Jhenny Meyers


“Mamu… kelan ba darating yung personal assistant ko?” kausap ni Lee ang kanyang talent manager sa celphone. “Kaya nagkakasakit ako e coz no one is assisting me…” nakahiga ito sa kanyang kama.

“Lee darling don’t you worry… Tumawag na akesh sa agency… darating na sya dyan anytime today… ok? Alam ko stressed ka katulad ko… but it means more money, honey…”

“Mamu talaga puro pera ang iniisip e… OK thanks… magpapahinga muna ako…”

“Alright darling..”



Samantalang sa labas ng dorm…

“Best… alam mo na gagawin mo huh?! Galingan mo… dapat ung pang-best actress…” sinabi nito sa kaibigan habang nakatanaw sila sa security guard sa labas ng malaking bahay na tinutuluyan ng 4MULA.

“Oo na!! Kaloka ka talagang babae ka… nababaliw ka na talaga…” nagsimula na silang maglakad palapit sa dorm.

“Kaya mo yan sis!! Pogi naman si Kuya guard e…” pinalakas pa nito ang loob ng kaibigan.

“Sabagay may tama ka!!” Huminga ito ng malalim pagkatapos nun ay naghiwalay na sila.

“Kuya pogi… pwedeng magtanong?” simula ni Aika. Kunwari ay may pinakita pa itong papel sa gwardiya upang matuon ang atensyon nito sa kanya. “Kase kanina pa ko naghihintay sa 4MULA… Lumabas na ba sila kuya?”

“Opo miss… umalis na sila… kani-kanina lang…” nagpa-cute pa ang gwardiya habang kausap si Aika.

“Ay ganun ba kuya… E saan ba yung mall na pupuntahan nila today..” si Aika rin ay nag-beautiful eyes pa. Pagkatapos nun ay tumingin ito sa direksyon ni Yuri. Ang kaibigan niya naman ay mas magaling pa yata sa akyat-bahay gang. Inakyat nito ang di-kataasang gate upang makapasok sa loob ng dorm. Halos matawa si Aika sa itsura ng kaibigan.

“Miss, malapit lang po dito yan. Sakay ka lang ng jeep diyan sa labasan… makakarating ka na po dun…”

“Ay kuya hwag mo na kong “po-in” Aika na lang…” patuloy na pagpapacute nito pero dun parin sa kaibigan nakatingin. Nakita nito ang senyas na OK na sya. “Sige kuya ha… alis na ko… salamat… muah…”

“Hmmm… Miss.. este Aika… pwede ba tayo maging textmate…”

“Ay si kuya… crush ako…”


Sa loob ng dorm…

Ano ba ‘to… Hindi ba uso ang lock sa pinto dito? Kausap niya ang kanyang sarili.

Namangha si Yuri pagpasok niya sa loob ng bahay. Mas malaki ito kaysa sa inaasahan niya. Bungalow type lang ang bahay pero malapad ito. Malaki ang sala at punung-puno ito ng mga hi-tech na kagamitan. Tumungo siya sa lugar kung saan matatagpuan ang mga kwarto. Bawat pinto ay may pangalan ng mga miyembro ng 4MULA. Mayroon ditong walong kwarto. Inisa-isa niya ito. Ang unang dalawang pinto ay para sa maid. Ang sumunod na pinto ay ang kanilang music room. Doon makikita lahat ng kanilang ginagamit na intrumento sa mga rehearsals. Kumpleto din ito sa mga kagamitan para sa recording nila. Although hindi  sila doon nagrerecord ng mga kanta nila. Katapat ng kwarto na ito ay isang guest room. Malaki ang kwartong ito. Kasya na yata ang dalawang pamilya sa loob nito.

Matapos nun ay hinanap niya na ang silid ni Lee. Nasa dulung-dulo ito, katapat ng kwarto ni Ulysses. Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob.

Tingnan mo nga naman… pati kwarto hindi naka-lock.

Sumilip siya sa uwang ng pinto. Napansin niya kaagad ang kalat sa loob ng silid pero mas napukaw ang kanyang atensyon ng makita niya si Lee na nakahiga. Wala itong pang-itaas na suot at naka-boxer’s shorts lang ito. Nakapikit ito pero hindi niya alam kung tulog o gising ito.

Pumasok siya sa loob ng kwarto at dahan-dahang isinara ang pinto. Hindi niya alam kung malalagutan na siya ng hininga. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Kulang na lang ay lumabas ang kanyang puso. Tinitigan niya ang nakahigang band leader.

Ang gwapo talaga ng mukha niya. Matangos ang ilong. Mapulang mga labi. Parang masarap halikan. Ang katawan niya… winner!!

Lalakad pa sana siyang papalapit ng bigla itong dumilat. Natigilan siya sa posisyong naglalakad. Para siyang istatwa sa itsura niya. Mas lumakas naman ngayon ang kabog ng dibdib niya. Parang nandoon si Tom at si Jerry na walang humpay sa paghahabulan. Umupo naman si Lee sa kamang hinihigaan niya.


“Why are you just standing there? Kanina pa kita hinahantay! Kunin mo lahat ng gagamitin kong damit sa rehearsal mamaya.” Utos ng sikat na band leader sa kanya. “and make it fast!” bigla namang tumayo ng tuwid ang avid-fan.
           
“Ako ba tinutukoy mo?” takang tanong ni Yuri habang hawak ang stuffed toy na ibibigay niya sana dito.
           
“Hell yeah! May iba pa bang tao dito bukod sa ‘kin? Ikaw lang diba? Ikaw yung pinadalang personal assistant ko dito kaya simulan mo na ang trabaho mo!”
           
Aba napakahambog pala nitong mokong na ‘to.... napagkamalan pa kong personal maid!

Dahil sa inis ay naisip niya na sapukin ito. Sumugod siya dito. Gusto niyang isusubsob sa mukha ng mayabang na lalake ang hawak niyang stuffed toy. Tumingin ang binata sa kanya habang pasugod siya. Nagkunot pa ito ng noo.
           
Parang slow-motion ang lahat... Habang patuloy na nagtatalo ang kanyang pride at ang kanyang admiration. Nakalapit na siya sa band leader ng biglang...
                       
“Sir... heto po bigay ng fan nyo... san ko po ilalagay?” sabay abot sa stuffed toy. Nawala naman bigla ang kunot sa nito.

“Nakikita mo ba yang pintuan na yan…” sabay turo sa pinto malapit sa TV. “Buksan mo yan… tapos tambak mo dun… tapos ayusin mo na yung gagamitin ko mamaya. Yung closet ko nasa loob ng washroom” pagkatapos nun ay muli itong humiga at pumikit.

Pumamewang naman si Yuri at napapalatak. Muling dumilat si Lee at muli namang tumayo ng tuwid ang dalaga.

“Is there any problem?” sarkastikong tanong nito.

“Wala po SIR!!” diniinan pa nito ang salitang yun. Nagsimula na itong maglakad papunta sa pintong itinuro ni Lee. Nagulat siya ng makita niya ang loob nito. Parang may nagtitinda ng stuffed toys sa dami ng laman nito. Parang isang kwarto pa ito sa laki. Inilapag niya ang dala niyang stuffed toy sa ibabaw ng isang mesa.

Hindi pala marunong magpahala ang lalakeng ito sa bigay ng mga fans niya… kakainis ha…

Lumabas ito sa kwarto at isinara ang pinto. Pumasok ito sa washroom para ayusin ang mga dadalhin daw nito sa rehearsal mamaya.

Ano ba itong pinasok mo Yuri!! Pangangatawanan mo na ba talaga ito? Pinagalitan niya ang kanyang sarili.

“OMG!!” sigaw ng dalaga ng makita ang mga underwear ni Lee na nagkalat sa lababo ng washroom ng binata.

“Something wrong?” pasigaw na tanong ni Lee sa kanyang bagong personal assistant.

“W-wala!!” namula naman siya bigla. Isa-isa niya itong kinuha at nilagay sa isang basket.

Bigla namang nag-ring ang kanyang celphone.

“Kamusta ka naman diyan?! Hindi mo na ko binalikan dito! Balak mo na bang tumira dyan ha??” sunod-sunod na sabi ni Aika.

“Sorry Best…. Mukhang ganun na nga ang mangyayari….” Pabulong na sabi nito dahil baka marinig siya ni Lee. “Pero saka ko na papaliwanag sa’yo… Mabuti pa umuwi ka na… tatawagan ko na lang din si Mama mamaya.”

“Huwaaaat!! Naikwento ko na buong buhay ko dito sa gwardiyang ito…. Ikaw naman diyan relax na relax ka lang… tapos…. Hello? Hellooooo?!”

“Are you talking to someone?” Tanong ni Lee kay Yuri pero nakahiga pa rin ito. Pinatay bigla ng dalaga ang kanyang phone.

“Ah—ehh yung sarili ko lang kausap ko sir…” pagpapalusot nito.

“Ha?! Baka naman may saltik pa yung pinadala ng agency dito… lumabas ka nga muna dyan…” Lumabas naman si Yuri sa loob ng washroom. Lumapit ito kay Lee. Tumayo ang dalaga sa harapan ng binata. Pero nakahiga pa rin ang gwapong band leader.

“Ano bang pangalan mo? Ilang taon ka na? Saan ang probinsya mo?” sunud-sunod na tanong ni Lee.

“Yuri po ang pangalan ko sir… I’m twenty-three years old… Wala po kaming probinsya…” sunud – sunod na sagot ng dalaga. Sunud-sunod din naman ang tango ni Lee habang nakahiga. Hindi niya inaalis ang kanyang titig sa mukha ng lalake.

“Hmmm… matino ka naman? I mean… hindi ka adik o magnanakaw… no criminal record or whatsoever?”

“Wala sir…. H-hindi naman po ako siguro tatanggapin ng agency kung may criminal record ako…” hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya kay Lee. Kung magnanakaw ako…. Sana ninakaw ko na ang puso mo…

“Good… I’m gonna take a nap… masama talaga pakiramdam ko…” muli itong pumikit. Pero nandun pa rin si Yuri. Hindi natitinag sa kinatatayuan niya. Maya-maya ay narinig niya na itong naghilik.

“Alam mo… gwapo ka sana Lee… kaso lang saksakan ka ng yabang…” nakapamewang ito habang hawak-hawak niya ang underwear ng band leader. “E nung nagpaagaw yata ng kayabangan ang langit e na-absorb mo lahat. Kakaloka ka!”

“May sinasabi ka?” nabigla naman si Yuri kaya naitakip niya sa kanyang bibig ang hawak na underwear ng hindi namamalayan. Tumingin sa kanya si Lee. Umiling lang ito bilang tugon sa tanong ng binata. “O… tapos mo na bang amuyin yang brief ko?” nanlaki naman bigla ang mata nito at biglang hinagis kay Lee ang hawak nitong underwear. Kulang na lang ay maglaho siya sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam kung gaano siya kapula sa mga sandaling iyon.

Ding-dong... Ding-dong…

Save by the bell!! Sigaw ng utak niya.

Nagmamadali siyang tumalikod at lumabas ng kwarto ng binata. Pagkasara niya ng pinto ay napasandal siya dito.

Ano bang ginawa mo Yuri!! Nakakahiya ka!!

Ding-Dong…. Ding-dong….

“Andyan na!! Sino ba ‘tong nagmamadali na ‘toh!”

Nagmadali siyang buksan ang pinto.

“Yes… sino po sila?” tanong ni Yuri sa isang may edad na babaeng kaharap niya.

“Ako po si Adel… Ako yung katulong na padala ng agency…”

“HAAAAA???” nanlaki ang mata ni Yuri.




Chapter 3

Spread The Love, Share Our Article

Related Posts

Post Details

4 Response to Idol Series: 4 M.U.L.A. – Lee - CHAPTER 2

AdminJhenny
May 5, 2011 at 12:36 PM

salamat silent dreamer at nagustuhan mo ang chapter 2 ng LEE ^_^

Silent Dreamer143
May 5, 2011 at 12:36 PM

Ang cute!next na agad! i liliy lily love this!

Jsal41
May 6, 2011 at 10:44 AM

_hahaha.. super kakatuwa c yuri...'


_ang ganda ^_^

AdminJhenny
May 6, 2011 at 10:50 AM

@1764ec0b207d506b9e9eb130ea75da90 tama ka dyan... kakaloka si Yuri... pati si Lee... inlove na nga ako sa kanya e.... hahaha

Post a Comment